Dedicated to her. :">
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 6
Third Person's POV
Pagkatapos ng gabing iyon, tuluyan ng hindi nakapag usap at nagkaayos si Jacob at si Sabrina. Hindi siya dumating tulad ng inaasahan ni Jacob.
Pinipilit ni Jacob na umiwas at kalimutan si Sabrina, dahil alam niyang wala na siyang aasahan pa dito.
Pero sabi nga nila...
everything happens for a reason..
Sabrina's POV
Halos isang buwan na rin pala ang nakalipas. Isang buwan ko na ding pinag-iisipan kung tama ba lahat ng ginagawa ko. Baliw na nga ata ako eh. Alam kong mahal ako ni Jacob at mas lalong mahal ko siya.
Hindi ko nga lubos maisip na nagawa ko ang lahat ng iyon.
Kaya hindi ko masisisi si Jacob kung galit man siya sa akin. Kasalanan ko naman eh. Kasalanan ko lahat ng 'to!
"Shhh. Tama na Sab. Tapos na yun, wala ka nang magagawa." Sabi ng bessy ko. Si Alaine.
"Bakit pa kasi *sobs* kailangan mangyari *sobs* 'to eh." Nakakainis lang isipin na kailangan mong lokohin yung taong mahal mo.
"Teka nga Bessy, ang tagal tagal na nating magkaibigan, pero bakit ba ayaw mong sabihin kung ano dahilan niyang pagkagaga mo. Duhh? I know you love Jacob, pero bakit mo ginagawa lahat ng to? Are you crazy?!"
Oo matagal na kaming magkaibigan, walang sikreto sa isa't-isa. First time ko lang atang gawin tong kagagahan na to. First time din maglihim sa bestfriend ko. Kung pwede nga lang sabihin matagal ko ng ginawa.
"Sabrina! Okay ka lang ba?!" Sigaw ni Alaine sa akin.
Pano ba naman kasi nakayuko lang ako dito.
"Oo o-okay lang ako." Sagot ko.
"Sabrina naman. Magkaibigan tayo. Ang tagal na diba? Ano bang problema? Matutulungan naman siguro kita." Alaine.
Naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung dapat bang sabihin ko sa kanya. Wala naman sigurong masama diba? Haayyyy ewan!
Loraine's POV
Eto na siguro pinakamasayang araw sa buhay ko. Know why? Kami na ni Kent. After a month ng panliligaw niya sa akin, sinagot ko na siya. Bakit pa kailangang patagalin? E mahal mo yung tao, dapat ang relasyon ang pinapatagal hindi ang panliligaw.
Ramdam ko naman na mahal ako ni Kent, at wala akong pakielam kung playboy siya dati. Ang mahalaga kami na ngayon at mahal namin ang isa't-isa.
Speaking of Kent, asan na ba yun?
Sabi niya susunduin niya daw ako dito sa bahay para sabay na kaming pumasok eh.
Baka traffic lang.
Bumaba na ako sa sala para dito ko na lang hintayin yung boyfriend ko. ^^
At nagulat ako pag tingin ko sa kitchen, nakita ko si Mama kasama si Kent.
Nagluluto sila.
Eh? Bat hindi manlang ako tinawag?
-_-"
Hindi nila narinig na nandito ako at hindi din nila ako nakita dahil nakatalikod sila sakin.