Chapter 1:

16.4K 291 43
                                    

VOTE.COMMENT .FOLLOW ME

Kissing Addict?! Trailer ^__^ ENJOY <3

___________________________________________________________

Habang naguunat ako napalingon ako sa bintana ng kwarto ko na pansin kong makulimlim pa kaya masarap itulog ulit pero kailangan ko nang bumangon kaso nahihirapan akong tumayo sa kinahihigaan ko dahil nakaharang yung braso niya sa tiyan ko kaya nahihirapan akong umalis.

Kasi naman akala niya napakagaan niya tapos kung matulog parang hindi na magigising kasi kahit anung gawin mo ayaw niyang bumangon.Tulog mantika kasi! =__=

Nung nakaalis na ko sa kakayakap niya agad na kong tumayo at dumeritso sa banyo para makaligo na ko dahil kung hindi ako kumilos, tiyak na malalate ako.Maaga pa naman yung schedule namin pero hindi kami classmate pareho lang nang oras.

4:30 pa lang nang madaling araw dapat gising na ko para ipagluto siya ng breakfast pero tuwing umaga lang naman dahil wala siyang ganang kumilos ng ganitong oras kaya ang nagyari dati hindi siya nagluluto ng agahan at basta na lang itong aalis nang walang laman ang tiyan niya kaya kung ipagpapatuloy pa niya ito baka magkaulcer na siya kaya ito ang dahilan kaya gumising ako nang ganitong oras dahil concern ako sa health niya .

Alam kong nagtataka kayo kung bakit kami magkasama sa iisang pader dahil magkahati kami nang binabayaran sa nirerentahan namin bahay dahil mas malapit ito sa pinapasokan namin university para hindi kami mahirapan .

At kung bakit kami magkasama sa kama?.

Iisa lang rin ang sagot ko dyan, dahil tuwing gabi lagi siyang naglalakad pero tulog o inshort sleep walking .Matagal na nga siyang ganyan eh, simula pa noong bata pa lang siya ganyan na talaga yun kaya sanay na ko kapag nakikita siyang nakahiga sa table,cabinet o kaya sa BANYO ?!

Ang galing noh ?!,mukhang lasing lang pero infairness bumaksak siya sa kama ko ngayon improving di ba?!.XD

Pagkalabas ko ng banyo agad kong kinuha yung uniform at isinuot ito pagkatapos naglagay ako ng konting powder at lip gloss para natural lang tignan dahil hindi ako sanay maglagay ng heavy make-up except na lang kung pupuntahang ng mga okasyon katulad ng birthday , wedding o party pero kung sa school lang naman baksak mo , bakit kailangan mo pang magayos di ba?.

Tsaka para sakin mas okay na yung simple hindi nakakairita sa mukha lalo na pag mainit ang panahon kaya mas maganda pang gumamit ng light make-up dahil mas natural tignan.

Pagkalabas ko ng bahay ay hindi ko na inaabalang gising ang lalakeng yun dahil mukha naman masarap yung tulog nito kaya naisip kong wag na lang itong istorbohin dahil alam ko naman ayaw rin magising nito di ba ?.

Bahala siya sa buhay niya hahaha XP.

**

Friday morning , NSTP class ang 1st subject ko

Nakakastress nga eh, masyadong maaga nakakawalang ganang kumilos tapos kung anu anong pang pinapagawa samin .

Haaay ,sana hindi ganitong schedule yung kinuha ko nakakatamad kasi eh.

By the way ako mga pala si Katie Mendoza , 17 years old first year college sa isang mayaman at sikat na university dito sa bansa ngunit hindi ko pinangarap na magaaral sa school na 'to dahil sinusunod ko lang ang gusto ng magulang ko kaya no choose, go to the flow na lang.

"Good Morning Katie ! " palabas ko pa lang galing roof top biglang may sumigaw nang pangalan ko kaya hindi ako nagdalawang-isip na hindi siya tignan .

Kissing Addict?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon