Chapter one

121 13 1
                                    

'Narrator's POV'

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!"

Halos mapaluha si mitch sa mga sandaling iyon dahil sa sopresa ng mga kaibigan nya, ng kuya nya at ng mama at papa nya. Ang buong akala nya ay nakalimutan na ng mga ito ang kaarawan nya. Buong araw kasi na wala man lang tumawag o nagtext sa kanya, bukod sa mga kasamahan nya sa trabaho ay wala ng bumati sa kanya kaya naging matamlay sya buong araw. Iyon naman pala ay may hinandang sopresa para sa kanya. Di mawala ang mga ngiti sa mga labi ni Mitch lalo na at nandito ang mga taong malapit sa puso nya.

Si Myeth at Gabriella na mga bestfriend nya. Si Carlo na nobyo ni Myeth.

Ang kuya Russel nya na ang asawa ay ang bestfriend nyang si Gabby o Gabriella at ang pamangkin nyang si Cindy na anak ng mga ito.

Ang mama at papa nya na lumipad pa galing sa bohol kung saan nandoon ang family business nila at kung saan sila ipininganak ng kuya Russel nya.

"Happy birthday anak!"

Bati ng kanyang ina sabay halik sa noo nya.

Ginatihan nya naman ng yakap ito pati ang papa nya.

Sobrang saya nya dahil sa pag effort ng mga ito para sa birthday nya.

"Thank you mama,papa!" Sabay halik nya sa mga pisngi nito.

"Hay.. i'm so happy guys ang akala ko nakalimutan nyo na yung birthday ko eh."

"You should thank me sis." Narinig nya sabi ng kuya nyang si Russel.

Napangiti sya at nilapitan ito.

"Yes of course kuya!"

nilapitan nya ito para yumakap sa braso nito. Masyadong matangkad ang kuya niya kumapara sa kanya na nasa 5'5 lang ang height.

Dati kasing volleyball player ito sa university na pinagtapusan nila.

"So what's your gift for me?"

Nagpout naman ng nguso si Russel bago sumagot.

"Oh c'mon Melchora, di mo na kailangan ng regalo pambata lang yun!"

Sabi ni Russel sa himig na pagbibiro.

Nagtawanan nman ang iba, napasimangot naman sya hindi dahil sa walang regalo ito sa kanya, kundi sa pagtawag nito sa buong pangalan niya.

"Kuya naman, sinabi ko ng wag mo ko tatawagin Melchora eh ang lakas makatanda!"

Sabi nya pero natatawa.

"But i found it cute sis!"

Sagot naman nito.

"Whatever!!" Sagot nya sabay pairap na tinalikuran ito.

NArinig nya ang bahagyang pagtawa nito.

"Here Melchora!"

Narinig nya pang sabi ulit nito.

Hinarap nya ulit ito, katabi nito ang asawang si Gabby nakangiti ito pareho sa kanya.

"Hay naku mitch, di ka na nasanay dito sa kuya mo."

I Hate you, I Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon