Chapter Fourteen

24 8 0
                                    

Isang buwan ang mabilis na lumipas, balik sa dati ang takbo ng buhay ko na parang walang nangyaring problema.

Halos araw-araw naman kung makita ko si Rafael, at halos araw-araw din itong nagsusumamo na kausapin ko siya. Pero sarado na ang tenga ko para makinig pa sa mga kasinungalingan nanaman na sasabihin nito.

Nasa Quadrangle ako mag-isa ng araw na ito at nakaupo sa isa sa mga bench dito.

Mag-isa ako dahil nasa Dance practice si Myeth, samantalang si Gabby naman ay nasa library.

Napabuntong-hininga ako.

Break time ko ngayon at dapat nasa canteen ako, kaso lang pakiramdam ko naman ay busog ako.

Nakapangalumbaba ako at nakamasid lang sa ibang mga estudyante na paroon at parito sa harapan ko.

Tiningnan ko ang wrist watch ko.

"Hay.. thirty minutes pa bago matapos ang break time ko."

"Biruin nyo girls fourteen years old lang yung babae kung makaharot sa lalake eh grabe talaga! "

Napalingon ako sa tatlong babae na nag-uusap ng malalakas o sinasadyang lakasan ang mga boses.

Napasimangot ako ng makita kong si Veronica ang naroon kasama ang dalawa pang kaibigan nito.

Nagtatawanan pa ang mga ito at sabay-sabay akong inirapan.

"Siguradong ako ang pinariringgan nila."

"Hahaha.. makati pa pala sa gabi ang isang yun eh."

"True girl, kaya ayun sinugod siya ni legal girlfriend at naku kawawa ang malandi, hahaha!"

Sabay-sabay nanaman nagtawanan ang mga ito.

Napapikit ako sa sobrang inis. Kailangan kalmahin ko ang sarili ko.

Kaya bago pa gumawa ng eksena ang mga ito ay iiwas na lang ako.

Mabilis kong hinablot ang back pack ko at tumayo sa kinauupuan ko, at umalis palayo sa mga malditang ito.

Malalakas na tawanan pa ang narinig ko sa mga ito.

"Such a bitch!"

Narinig ko pang sabi ni Veronica.

Naglakad lang ako ng naglakad,

Inis na inis ako.

"Hindi ba siya titigil, nakakaasar na talaga yung Veronica na yun!"

Hindi naman lingid sa akin na hiwalay na sila ni Michael. Kaya ako ang lubos na pinagbubuntunan ni Veronica. Pero labas naman na ako kung ano man ang dahilan ng paghihiwalay nila.

At malinis ang konsensiya ko na wala akong inagaw sa kanya.

Naisip kong sa Gym na lang magpalipas ng oras at baka nandun din naman si kuya Russel.

Pagliko ko sana papuntang gym ay laking gulat ko ng may makabangga ako.

"Na-naku so-sorry... di ko sinasadya!" Paghingi ko ng paumanhin sabay punas sa uniporme ng lalake. Natapon kasi ang hawak nitong soda sa uniporme nito.

"Naku naman! Lagi ko na lang ba kakailanganin 'tong panyo ko na 'to sa di magagandang pangyayari."

"So..sorry talaga.. pasensya ka na."

Patuloy pa rin ako sa pagpunas sa uniform nito. Hiyang-hiya ako dahil kasalanan ko talaga.

"Its okay."

Sapat na iyon para mapahinto ako at mapatingala para tingnan kung sino itong nasa harap ko.

"My gosh! Bakit sa dinami-dami naman ng pwede kong mabangga bakit yung taong ito pa.  Bakit si Michael pa??"

Pagkatapos kasi ng nangyari sa mall ay hindi na kami ulit nagkausap nito.

Madalas ay pag nakikita ako nito ay talagang umiiwas sa akin.

Tinupad talaga nito ang sinabi na hindi na lalapit sa akin.

Yun naman talaga ang gusto kong mangyari, pero kapag nakikita ko ito na iniiwasan ako pakiramdam ko naman ay nasasaktan ako sa di ko malaman na kadahilanan.

Katulad nung nasa canteen ako at kumakain, nakita kong papasok ito ng canteen pero nung nakita niya ako na nandoon ay bumalik ito palabas.

"Sorry." Nakayuko kong sabi.

Pero hindi na ito tumugon at humakbang na palayo sa akin.

"Hay.. sumobra naman yata sa pag-iwas sa akin 'tong lalake na ito.. no reactions at all??  "Its okay" yun lang ang isasagot sa akin."

Di ko na napigilan ang sarili ko at hinabol ko ito.

"Sandali nga!"

Nakakunot naman ang noo nito ng tumingin sakin pero hindi nagsalita. Hinihintay lang ang sasabihin ko.

"Alam mo ang weird mo! Natapunan na kita ng softdrinks dyan sa uniporme mo hindi ka man lang ba magrereact o magagalit sa akin?"

Na lalo naman ikinakunot ng noo nito.

"Whats wrong with you?"

Sa wakas ay sabi nito.

"Theres nothing wrong with me Michael. Why don't you ask yourself?  Ang O.A mo naman yata, kung makaiwas ka sa akin wagas."

Tumawa ito ng pagak pagkatapos ay bumuntong hininga naman.

"Pero ito ang gusto mo diba Mitch, ang umiwas ako sayo?"

Napalunok ako, pahiya naman ako sa sinabi nito.

"Pe..pero di ba dapat magalit ka sakin dahil sa nangyari, pero bakit ganyan ka?"

Umiling-iling ito.

"I'm not that kind of person."

Nagumpisa na ulit ito humakbang paalis.

Pero pinigilan ko ulit ito, nagtataka na lang ako sa sarili ko dahil ang gusto kong mangyari ay kausapin pa ako nito.

Pakiramdam ko ay namiss ko ang boses nito.

"Can you please stop doing this to me? Hindi madali ito Mitch! Hindi madali!"

Nagulat naman ako sa reaksyon ni Michael.

"Dahil ba fourteen years old ka lang kaya insensitive ka sa paligid mo?"

Pigil ang pag hinga ko habang nakatingin sa gwapong mukha ng binata. Hindi ako makasagot sa sinasabi nito na insensitive ako, ang gusto ko ay pakinggan pa ang mga bibitawan na salita nito.

"Alam mo Mitch hindi na talaga kita maintindihan. Kelan ka  ba matututo na iaccept yang nararamdaman mo?  Nung araw na sinabi mo sa akin na iwasan kita, iniwasan kita, nilayuan kita. Ganitong set up ang gusto mo mahal na prinsesa kaya wag kang magtatanong kung bakit ganito ako sayo."

Iyon lang at iniwan nya na akong nakatulala.

Di ko napansin na umaagos na pala ang luha ko.

"Umiiyak ako! Pero para saan??"

************************************

I Hate you, I Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon