Chapter Fifteen

23 7 0
                                    

Dumaan pa ang mga araw at buwan at talagang hindi na ako pinapansin ni Michael.

Napansin ko rin na hindi na ito pumupunta sa bahay para puntahan ang kuya ko na dati naman ay twice a week kung pumunta ito sa bahay.

Ayoko man aminin pero hinahanap-hanap ko ang presensiya nito.

Araw ng sabado ngayon at mainit sa labas, dahil wala naman kaming aircon ay hanggang dito sa loob ng bahay ay ramdam ang init.

Naisipan ko na lang katukin si kuya Russel sa kwarto nito.

"Kuya nandyan ka ba?"

"Yah! Why?"  Sagot naman nito na parang hinihingal.

Nangunot naman ang noo ko kaya mabilis kong binuksan ang pinto ng kwarto nito.

Halata naman nagulat ito sa biglang pagpasok ko.

"Anong kailangan mo Melchora?"

"Hahaha.. anong ginagawa mo kuya?"

"Can't you see? Nag- eexercise ako."

May hawak kasi itong dumbbells with barbells on the side.

"Haha..oo naman nakikita ko, i mean kuya, ganito kainit ang panahon nag-gagaganyan ka dyan?"

Natatawa kong sabi.

"Mind your own business Melchora."

"Hmp! Sungit!"

Naupo na lang ako sa kama nito at pinanood na lang ang ginagawa nito, para na rin may mapaglipasan ako ng oras. Dahil pag ganitong walang pasok ay ang bagal talaga ang oras.

"Kung wala kang kailangan sa akin Melchora, leave my room."

Maya-maya ay taboy sa akin ng suplado kong kuya

"Ano ba yan kuya Russel ang sungit mo naman." Sabay bato ko ng unan dito.
"Haha.. siguro may pinopormahan ka na kuya noh, kaya nagpapalaki ka ng katawan dyan?"

Pero hindi naman ako pinansin nito kaya nagpatuloy lang ako sa pagsasalita

"Kuya graduation mo na next week may naisip ka na bang course mo sa college, or kung san ka mageenroll ng college? Saka magba-varsity player ka pa rin ba?  Saka may reservation na ba tayo sa resto hindi naman pwedeng walang celebration dahil graduation mo yun, saka if ever man gusto ko sa french dine in tayo. At saka may---"

"Will you shut up?? Pwede ba Melchora kung wala kang magawa bakit hindi ka na lang maglinis ng bahay para hindi ako yung pinaparusahan mo ng kadaldalan mo!"

Napa-pout naman ako ng nguso

"Sungit naman, masama ba magtanong? Hmp!"

Bumuntong hininga ito at itinuloy na muli ang ginagawa.

Sabay pa kaming napatingin sa cellphone nitong kakatunog lang, may nagtext.

Binitawan naman nito ang hawak na dumbbell at kinuha ang cellphone.

"Sinong nagtext sayo kuya?" Wala sa sariling tanong ko habang tinatry kong buhatin ang dumbbell na hawak nito kanina.

"Put it down Melchora!"

Nagulat pa ko ng bigla itong sumigaw dahil nakita ang ginagawa ko.

Nag peace sign naman ako bago pa ko sermunan nanaman nito.

"Hehe ang bigat pala nyan kuya.. sino nga palang nagtext sayo?"

"Care to know Melchora?"

I Hate you, I Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon