Chapter Six

28 7 0
                                    

Okay class, finish or not finish pass your paper. Narinig kong sabi ng teacher namin masungit na si Mrs.Morales.

Almost five minutes na rin naman akong tapos sa test kaya agad ko ng pinasa ang test paper ko.

Nagulat pa ako ng bahagya akong kalabitin ni Vicky na kaklase ko at ka-seat mate ko.
Bakit Vicky? Tanong ko.

Tingin ka sa labasUtos naman nito sa akin.

Kaya napakunot noo akong napatingin sa labas ng classroom namin. Nakita ko si Rafael na nakatayo sa labas at nakangiting nakatingin sa akin saka kumaway sa akin. Ang lakas naman agad ng pintig ng puso ko.

Bakit kaya nandito sya?

Ngumiti din ako sa kanya.

Lumingon ako sa kinaroroonan nina Myeth at Gabby, magkatabi kasi ito sa upuan. Gusto ko sanang isigaw sa mga ito na nasa labas si Rafael. Pero busy naman ang mga ito sa pagdadaldalan at hindi napansin ng mga ito na nandun si Rafael.

Ilang sandali pa ay tumunog na ang bell. Tapos na ang oras sa subject namin na yun.

Nasa labas pa din si Rafael, hindi naman sa nag-aassume ako pero pakiramdam ko hinihintay nya ako. Mabilis kong kinuha ang suklay sa bulsa ng palda ko para ayusin ang buhok ko kailangan na maayos ako sa paningin nito.

Wow!! Mitch nandyan pala si Rafael sa labas. Kilig na kilig na sabi ni myeth pagkalapit sa akin. Di pa kasi ako tumatayo sa kinauupuan ko hinintay ko pang makalabas ang iba kong mga kaklase.

Wag ka ngang maingay dyan Myeth, baka marinig ka nung tao. Saway ko.

Haha.. mukhang hinihintay ka eh. Salo naman ng nakangiting si Gabby.

Kaya dapat pala mauna na tayong kumain sa canteen Gab, may ka-date pala 'tong si Mitch eh. Pagkasabi nun ay hinatak na nito si Gabby palabas.

Hoy! Ano ba kayo sasabay ako! Sigaw ko sa kanila pero di nila ako pinansin, napatingin naman ako kay Mrs.Morales na nag-aayos ng table nya. Napalakas kasi ang sigaw ko kaya nag-alala ako na baka magalit ito. Di nga ako nagkamali dahil nakataas ang kilay nito sa akin.

He..he.. so-sorry po ma'm. Sabi ko at dahan-dahan na akong humakbang palabas.

Pagkalabas ko ng classroom ay sinalubong agad ako ng ngiting-ngiting si Rafael.
Hi! Bati agad nito sa akin.

Ngumiti ako.
Hi...hi din!

San next subject mo Mitch?

Ha??

Sabi ko saan ang next subject mo ihahatid na kita.

Ah..eh.. lunch break ko ngayon. Sagot ko pero talagang ang bilis ng kabog ng dibdib ko

Oh good timing! Lunch break ko din, pwede bang sabay na lang tayong mag lunch?

I Hate you, I Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon