Chapter Seven

25 7 0
                                    

'Rafael's POV'

"Pare mukhang totohanan na yang ginagawa mong panliligaw kay mitch ah?" Sabi ni Arnold na kasama ko sa banda.

Kasalukuyang nasa music room kami dahil sa final practice namin para sa Battle of the Band na gaganapin na sa friday.

"Oo nga pre, halos araw-araw ko kayong nakikitang magkasama, sarap palagi ng ngiti mo pre, mukhang nakakalimutan mo yatang pustahan lang 'to Raf?" Sabat naman ng drumer ng banda na si Simon.

Umiling-iling ako.
"Of course not pare, ano ba kayo seryoso ako sa pustahan natin, kaya ihanda niyo na yung mga pera niyo dahil on friday night mapapasagot ko na si Mitch!"

"Lakas talaga ng loob mo Raf, sa palagay mo ba mapapasagot mo agad si Mitch?" Sabi naman ni Arnold.

"I really can feel it pare, inlove sa akin si Mitch sa gwapo ko ba naman 'to?"

"Fuck you bro! Umiral nanaman kayabangan mo!"

Binato pa ako ni Simon ng hawak nitong ballpen.

" i'm just saying the truth, i think Mitch was deeply inlove with me, and boooommm! Dagdag si Mitch sa babaeng iiyak sa akin!" Natatawa kong sabi.

"Paano pag nalaman ng kuya nyang si Russel yang mga pinagagagawa mo sa kapatid nya? Siguradong gulo yan Raf." Narinig kong sabat ng kaninang tahimik na nakikinig na si Brent.

"Oh c'mon Brent, di nya malalaman yun kung walang magsasabi, tayong apat lang ang nakakaalam ng pustahan, magiging mabilis lang naman ang lahat. Pag sinagot ako ni Mitch, after one week makikipag break ako sa kanya. Simple as that kaya ikaw ihanda mo na rin yung pera mo dahil ako ang mananalo sa pustahan!"

Umiling-iling naman si Brent na parang di sang-ayon sa sinabi ko.

"Hindi ako kasali sa pustahan nyo Raf, hindi ako baliw para sumali sa ganyang klase ng laro." Sagot nito sa akin.

I Hate you, I Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon