Chapter Ten

20 7 0
                                    

"Gago ka anong problema mo?" Tumayo si Rafael at sinugod din si Michael. Pero mabilis ang kilos nito at naiiwasan ang mga suntok ni Rafael.

Kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit napasok sa eksena c Michael.

Kaya kahit natatakot ako tamaan ng mga kamao ng dalawa ay pumagitna ako.

Naiinis ako kay Michael hindi tama ang ginawa nya. Baliw ba sya at bigla-bigla na lang nananakit ng ibang tao?

Pero sa kabilang banda naman ay nagpapasalamat ako dahil hindi natuloy ang sapilitang paghalik sakin ni Rafael.

Lalo pa kong nahihiya dahil dumarami na ang taong nandoon, talagang agaw eksena na ang ginagawa ng dalawa.

Nakita kong dumudugo na ang ilong ni Rafael. Samantalang si Michael wala man lang kagalos-galos.

"Naku naman may lahi bang boksingero 'tong payatot na 'to??"

Kaya bago pa masira ng tuluyan ang mukha ni Rafael at bago pa sila damputin ng pulis ay aawat na talaga ako

"Teka.. sandali nga!!.. teka!!"

Pilit kong hinatak si Rafael palayo..

Samantalang si Michael ay hihingal-hingal na nakatingin sa akin.

"Michael ano bang problema mo? Bakit bigla ka na lang sumusugod dito, ano bang kasalanan sayo ni Rafael ha?!"

Sigaw ko na sa kanya.

Napansin kong dumudugo na rin pala ang labi nito.

"Kapal ng mukha mo! Ano tara di pa tayo tapos!" Hamon pa ni Rafael dito.

"Hmm.. makapag-hamon naman 'tong isang 'to akala mo walang kagalos-galos."

"Rafael ano ba? Tumigil ka nga dyan!"

Saway ko dito.

Binalingan ko muli si Michael.

"Now tell me Michael, what your-------"

Nagulat ako ng hawakan ako nito sa kanang kamay ko at hilahin palayo kay Rafael.

"Iuuwi na kita."

Matigas ang tonong sabi nito.

"Wooahh..wooahh.. off limits ka na wag na wag mong hahawakan ang girlfriend ko!"

Sabay hatak naman ni Rafael sa kaliwang kamay ko.

Bahagya pang dumura si Michael naipon pala ang dugo sa bibig nito, bago muling nagsalita.

"C'mon Mitch." Hatak pa ulit sa akin nito.

Pero hindi naman kumakawala si Rafael at nakakapit pa din sa kamay ko, naiinis na talaga ako.

"Sandali nga!" Padaskol kong hinatak ang kamay ko sa mga ito.

Hinarap ko si Michael.

"Michael....just....leave...us.... alone!!"gigil kong sabi.

"Hindi mo ako kailangang iuwi dahil kaya ko naman ang sarili ko!"

Pero nakatitig lang ito sa akin.

Napansin ko naman na nakangisi si Rafael kaya ito naman ang binalingan ko.

"Ikaw naman Rafael, girlfriend mo nga ako pero hindi ibig sabihin nun pag-aari mo na ako." Inis kong sabi.

''Kasalanan mo 'tong gago ka eh!" Baling nanaman ni Rafael kay Michael.

Pero sa halip na pansinin ito ni Michael ay ako muli ang binalingan nya at hinatak ulit ako.

"Ano ba Michael bitawan ------"

"Fuck Mitch!! Hindi mo ba alam na pinaglalaruan ka lang, ginagawang tanga nyang Rafael na yan?!"

Napahinto ako sa pagpupumiglas ko sa kanya, naguguluhan ako. Kitang-kita ko rin ang galit sa mga mata ni Michael.

"Hoy teka! Ano bang mga pinagsasasabi mo ha?!"

Bulyaw naman ni Rafael na parang biglang nagpanic.

"Hi-hindi kita maintindihan Michael." Nasabi ko nman. Napapatitig ako sa mga mata nya ngayon ko lang kasi nakita na ganun kagalit ang mata nya na yun.

"Mitch Totoo ang sinasabi ni Michael."

Sabay-sabay kaming napatingin sa lalakeng nagsalita palapit sa amin.

"Brent!!" Sigaw naman ni Rafael.

"Sige Rafael bakit di mo aminin kay Mitch yung pustahan ninyo?!" Panimula na ni Brent.

Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa kanila gulong-gulo ako.

******************************

Napuno ng luha ang mukha ko ng matapos kong marinig ang lahat ng sinabi ni Brent.

Pakiramdam ko ay ang baba-baba ng pagkatao ko, nahihiya ako sa sarili ko. Di ko akalain na naloko ako ng ganun kadali.

"Mitch let me... let me explain please." Pagsusumamo pa ni Rafael.

Pero sarado na ang tenga at isip ko sa kung ano mang sasabihin pa nito.

Huminga ako ng malalim at nagipon ng hangin sa dibdib ko.

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko na sa palagay ko ay hindi na nya makakalimutan, alam kong malakas yun dahil kahit ako ay nasaktan at parang namaga agad ang palad ko.

Pagkatapos ay mabilis akong naglakad palayo.

Nakakapagtaka man isipin na hindi ako umiiyak dahil sa nasaktan ako sa paghihiwalay namin. Umiiyak ako dahil nasaktan ng husto ang pride ko.

I Hate you, I Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon