Chapter Eight

25 7 0
                                    

Matapos ang halos isang oras kong pagpapaalam kila mama at papa na makapunta sa Battle of the Band bukas ay sa wakas napapayag ko din sila na kahit hindi ko kasama si kuya Russel.

"Basta before ten in the evening Melchora nandito ka na." Paalala pa ulit sa akin ni mama.

"Yes ma promise!"

Sa school,

Naglalakad pa lang ako sa hallway papunta sa first subject ko ay nakita ko na si Rafael na nakangiting palapit sa akin.

"Good morning Mitch!" Bati agad nito sa akin sabay kuha sa yakap kong tatlong libro.

"Good morning din!"

"Hatid na kita sa classroom mo."

"Si-sige!"

Pakiramdam ko tuloy sa ginagawa nito eh parang mag nobyo na kami.

Pero bakit ganun alam ko na may gusto sya sa akin at matagal ko na din naman siyang gusto, pero bakit hindi ako ganun kasaya.

"Ah... Mitch nagpaalam ka na ba sa parents mo?" Maya-maya ay tanong nito.

"O-oo pumayag na sila mama."

Lalo naman lumapad ang ngiti nito dahil sa sagot ko.

"Really Mitch?? Oh yess!!"

Natutuwang sabi nito.

Samantalang nanatili lang akong nakangiti.

"Gagalingan ko talaga bukas para sayo Mitch."

Nagulat ako ng bigla akong yakapin nito.

Pero mas lalo akong nagulat nung makita ko si Michael na naglalakad pasalubong sa amin ni Rafael. Deretso lang ang tingin nito at hindi man lang dumadapo ang tingin sa akin. Kumalas ako sa pagkakayakap sa akin ni Rafael, ewan ko pero hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang sinabi ni Michael kagabi.

"Ang manhid mo!"

Yun ang huling sinabi nya sa akin. Saan bagay naman ako magiging manhid eh aware na aware nga ako sa paligid ko.

"Sorry Mitch, nadala lang ako ng saya ko." Narinig kong sabi ni Rafael.

"Okay lang!" Sagot ko sabay kuha ko na ulit ng libro ko sa kanya.

"Mitch hahatid kita sa classroom mo diba?"

"Hi-hindi okay na... ayun na lang naman yung room ko eh." Gusto ko na agad makapasok sa classroom ko dahil alam kong nandyan lang si Michael at alam kong nakamasid ito sa amin. Pakiramdam ko napapaso ako.

"Okay kita-kits na lang tayo bukas ahh." Pahabol pang sabi ni Rafael.

'Brent POV'

(Bandmate sya ni Rafael)

Kanina pa ko dito sa gym ng school dahil alam kong may practice ngayon si Russel ng volleyball, kailangan ko talagang masabi na sa kanya ung mga plano ni Rafael dahil baka ikapahamak pa yun ni Mitch.

Pero mahigit isang oras na ko dito pero wala naman Russel na dumadating.

Hindi ko naman sana gustong makielam pero talagang naaasar na ako sa kayabangan ni Rafael.

Napabuntong hininga na ko dahil mukhang hindi naman magpapractice si Russel, nagpasya na lang ako na lumabas na lang ng gym at sakto naman ba nasalubong ko si Michael, alam kong isa ito sa malapit na kaibigan ni Russel kaya naisipan ko na lang magtanong.

"Hey bro! Nakita mo ba si Russel?"

Tumingin muna ito sa akin at parang kinikilala pa kung sino ako.

"By the way i'm Brent Sebastian bro." Pakilala ko, hindi ko alam kung anong problema nito dahil mukhang mainit ang ulo.

"Hindi ko alam kung nasan siya." Malamig ang tonong sagot nito sa akin at nilagpasan na ako.

"Ganun ba? Pakisabi na lang bro hinahanap ko siya, may sasabihin kasi ako tungkol sa kapatid nyang si Mitch." Nagulat naman ako ng bigla itong bumalik nung narinig ang sinabi ko.

'Mitch POV'

Friday night,

Hindi makakasama sa akin sina Gabby at Myeth dahil hindi sila pinayagan ng mga parents nila. Si kuya Russel naman sana ang kaso nagyon pa ito nagkasakit. Hindi na nga sana ako pupunta kung hindi lang sana ako nakapangako kay Rafael.

"Before ten Mitch ah dont be late." Paalala ulit ni mama ng paalis na ako.

"Opo!"

**********************

Nasa labas pa lang ako ng Citti Lights kung saan gaganapin ang Battle of the Band ay naririnig ko na ang malakas na ugong ng tugtugan. Nakita ko na din ang iba kong kaklase na naroon, kahit papano pala ay hindi naman ako mapapanisan ng laway dahil may mga makakausap din ako.

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng may humawak sa braso ko.

Nang lingunin ko ay bumilis ang pintig ng puso ko dahil si Michael pala ang nakahawak sa braso ko.

"A-anong ginagawa mo dito?" Sa pagkabigla ko ay iyon ang lumabas sa bibig ko.

"You look tense."

Napalunok muna ako bago sumagot dito.
"A-anong pinagsasabi mong na... natetense ako?? Pwede ba wag mo nga akong hawakan!"

Gusto ko maging mataray pa din ang dating ko dito, pero napaka obvious ko ba para mahalata agad nito na natetense akong kaharap siya.

Hindi naman ito natitinag sa matatalim kong titig bagkus ay nakikipagtitigan din ito sa akin.

"Ba-bakit ka ba kasi nandito?"

"Bakit ikaw lang ba may karapatang magpunta dito?" Ngumiti pa ito.

"Gosh! Payat lang talaga siya eh pero ang gwapo nya talaga, naku naman please wag mo na kong ngitian!!"

"Saka bakit parang lagi kang natetense kapag kaharap mo ko?"

"Whatt?? Tu-tumigil ka nga dyan.. are you insane? Bakit naman ano..... kase...bakit naman ako matetense kapag kaharap ka?"

Narinig kong tumawa pa ito ng nakakaloko.

"Pero yun ang nakikita ko Mitch.. kung hindi ka natetense eh bakit pinagpapawisan ka ng ganyan?" Dumukot pa ito ng panyo sa bulsa at pinunas sa noo kong namamawis.

"Shut up Michael!! Pwede ba... hindi ako natetense!! At isa pa di ko akalain kasi na marunong pala manood ng live bands ang mga patpatin at nerd na katulad mo."

Pagkasabi ko nun ay dali-dali akong umalis.

"Thank you for that wonderful answer miss denial queen!" Nakarinig pa ko ng tawa galing sa hambog na si Michael.

Pero di ko na siya nilingon.

"Hmm.. ang yabang nya porket ba gumagwapo na siya sa paningin ko.. naku talaga bakit ba lapit xa ng lapit sa akin di naman kami ganito dati ah kahit kuko nga ng daliri ko hindi nya mahawakan ngayon nagpi-feeling close sa braso ko na agad nakahawak!!! Nakakainis talga siya, nakakainis!!"

I Hate you, I Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon