Chapte Four

32 8 0
                                    

Sa Soccer Field ng school namin gaganapin ang event. Saktong seven thirty ng gabi ng makarating kaming tatlo doon, medyo marami ng tao ang nandon pati ang mga kaklase namin.

Nakita ko rin ang ilang mga teachers ko na animo mga teenager din na nakikihalubilo sa iba kong mga schoolmates.

Napapngiti ako dahil kapag may ganitong events eh nakikita kong ngumingiti ang madalas na masusungit kong mga teacher.

Inilibot ko ang mga mata ko, medyo maingay na dahil sa mga music na tumutugtog ngayon habang wala pang kumakanta sa stage, dagdag pa ang tawanan ng mga naroon na madalas nangingibabaw ang mga boses ng babae.

Napahalukipkip ako dahil medyo humangin at naramdaman ko agad sa aking balat ang lamig. Naka violet spaghetti strap dress ako at medyo nakalabas ang likod ko kaya ramdam ko ang lamig dagdag pa na open field ang lugar.

Panay din ang hatak ko pababa sa suot ko. Di talaga ako sanay magsuot ng bestida dahil hindi ako kumportable.

Tara upo tayo dun! Narinig kong yaya ni Myeth sabay turo nito sa pang limang layer ng upuan malapit sa stage.

Tumango lang ako at sabay-sabay na kami naupo.

Grabe excited na talaga ako, ang tagal naman mag-umpisa. Sabi ni Myeth.

Naiinip ka na agad almost ten minutes pa lang tayo nandito ah.

Napansin ko naman si Gabby na walang kibo.

Ano iniisip mo Gab?

Ah... eh wa-wala... wala naman.

If i know yung kuya Russel mo nanam--- naputol ang pagsasalita ni Myeth dahil paupo na sa harapan namin sa pang apat na layer sila kuya Russel kasama ang ka co-players niyang si Rex at Clifford, pati na rin ang payatot na si Michael.

Bahagya pang nagtama ang mga mata namin. Pero gaya ng lagi kong ginagawa eh isang matatalim na titig sabay irap ang binibigay ko sa kanya.

Mitch tignan mo si Gabby ang tamis na ng ngiti. Narinig kong bulong ni Myeth. Kaya hinampas naman siya ni Gabby sa braso.

Nagtataka na lang ako dito kay Gabby bakit nagka crush sa kapatid ko. Sa pagkakatanda ko kasi ay never pa siyang kinausap nito. Ganun si kuya madalas mailap lalo na sa mga babae. Si suplado at sungit nga ang tawag ko dito kasi kahit ako na kapatid nya eh madalas niyang sungitan.

Bukod kasi sa gwapo ito eh wala na kong maisip na dahilan kung bakit nagka crush si Gabby.

Di tulad ng crush kong si Rafael eh halos lahat ng katangian eh gusto ko.
Gwapo, matalino, singer, at dancer.
Haha kinikilig ako!

Napahinto ako sa pagmumuni-muni ng mapansin ko si michael na panay ang sulyap sa akin.

Hmp! Panira talaga ng moment tong payatot na 'to eh!

Pasimple kong sinipa yung upuan na kinauupuan nya. Pero hindi man lang ito nagrereact.

Inulit ko, sinipa ko ng sinipa ang inuupuan nya kaya lumingon na ito.

I Hate you, I Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon