'Did you truly care for her, or is it just your conscience eating you right now?'
~~~~~~~~~~~~~~~
*SHENEAH PARKER BERNARDO*
"May nakita ka na, Ryu?" tanong ko habang abala sa pagtitig sa monitor na nasa harapan ko.
"None. She was not seen in the classroom, not in the gym, not even at the gates." Napabuntong-hininga na lamang at sumandal sa kinauupuan ko.
Maglilimang oras na rin yata nang magsimula kami sa ginagawa namin ni Ryu. Matapos ang klase ay nagtungo na kami sa cctv room para tignan lahat ng recorded videos nito, nagbabakasakaling makita namin kung paano at kailan nawala si Lorriene pero bigo pa rin kami.
Linggo nang huli naming nakita si Lorriene, matapos niya kaming tulungan na makalabas ng akademya. Iyon rin ang huling araw na may nakuha mula sa cctv kung saan naroon siya. Ni wala kaming ideya paano siyang bigla na lamang nawala. Sinubukan rin naming pumasok sa kwarto niya pero wala naman kaming makuhang kanit na anong clue na pwedeng magturo nang kinaroroonan. Mukhang wala ring gamit na nawala o nasira sa kwarto niya.
"There's no possible force entry that happened. So maaaring walang kumuha kay Yen."
"Pero mas imposible naman na umalis siya ng kusa, Ryu." We all know Lorienne. She wouldn't just go out of her own lalo pa't alam niyang wala kami nang mga oras na iyon.
"Can you double check sa ibang area, Ryu. Baka nahagip siya ng camera sa may garden o baka naman sa training hall," suhestiyon ko pa.
"Wait, let me change the tapes." Tumango na lamang ako at saka aligagang nagpabalik balik sa kinatatayuan ko.
"Bakit ba kasi hindi kasama ni Gray si Yen?" Inis na palatak ko. Siya lang naman ang laging kasama ni Lorienne maliban sa amin.
"You already know the answer to that, Neah. Kasama niya ang match niya," sagot na lamang ni Ryu habang abala sa paghahanap.
"And that's the point. Bakit mas inuuna niya pa ang babae na 'yon?"
"We cannot just blame him, Neah. Alam natin pareho na hindi naman kasalanan 'yon ni Gray. We also need to understand that Grayson needs to know her."
"Pero ikaw na rin ang nagsabi na hindi niya tatanggapin ang match niya."
"But it doesn't mean that he will not try. Maybe he was scared that if he rejected her, something bad will happen."
Muli na lamang akong napapalatak. Alam ko naman na hindi kasalanan ni Gray. Alam namin na ngayon lang nakaramdam si Gray ng sarili niyang emosyon matapos niyang mahanap ang match niya. Pero hindi ko maiwasang mainis, dahil sa ikinilos niya. He shouldn't have left Lorienne alone.
"Saglit. Isn't that Melora?" Napalingon ako kay Ryu at napansin sa kuha ng camera si Melora.
"Oo nga, no? And that's Yen!" Sabay turo ko pa nang makitang patakbo si Lorienne sa kinaroonan ni Melora. We saw them going inside the cafeteria. We fast-forwarded the video. After thirty minutes, Melora and Lorienne parted ways.
"Sundan mo yan, Ryu. Malamang sa room ang punta niya pagkatapos."
A few tapes after, we saw that she went out of the classroom. Time stamp is at four in the afternoon.
"Here." Nagpatuloy ang tape kung saan kita namin na naglalakad siya sa hallway. Pero sabay rin napakunot ang noo namin nang biglang magkaroon ng glitch ang video ng ilang segundo pagkatapos non ay nawala na si Yen sa kuha ng cctv.
"That's impossible. Look at the time, Ryu." Tinuro ko ang time stamp dahil napansin kong hindi naman huminto ang recording.
"Paanong nawala siya sa kuha ng cctv sa loob lang ng ilang segundo?" takang tanong ko pa.
BINABASA MO ANG
Anathema (Cabal Series 2)
FantasyEvery one of us, Holds our own kind of Curse. Dark Cabal Series: Two
