'Right there and then, I realized how they see her differently. They respect her so much.'
~~~~~~~~~~~~~
*SHENEAH PARKER BERNARDO*
Sumalumbaba ako at taas-kilay silang pinagmasdan.
"Seriously now, Grayson," bulong ko habang nakatingin sa kanya at sa kasama niya.
Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Ang taong bato na si Grayson ay marunong nang ngumingiti at tumatawa. You can even see that it is a real smile he's giving right now.
"Uhm. Hi, I'm Tracey." Inilahad pa ng kasama nito ang kamay niya.
"Yeah, I know you. Kasali ka sa tournament, 'di ba?" tanong ko at tinanggap ang pakikipag-kamay niya.
"Where are the others?" saad pa ni Grayson na ipinagkibit-balikat ko lang.
Malamang nasa office na naman si Ryu. Karnam and Harah are still nowhere to be found.
"Baka nasa kwarto pa si Yen. Bakit hindi mo siya sinundo?" tanong ko pa.
"I was with Tracey," sagot niya lang na bahagyang ikinainis ko.
"So? Isn't it your job to fetch her every morning?" He knows how Lorriene hates walking around the academy alone.
"E, paano kahapon?"
"I...was not in class."
"Huh? I can't believe you, Grayson. 'Yan ba ang resulta ng pagkakaroon mo ng match?" dismayadong tanong ko.
"Neah, stop." Nilingon niya pa ang katabi niya at humingi ng paumanhin.
"Why would I? You're forgetting your responsibilities and you're not attending classes. For what reason, because of her?"
"Neah, I said stop. Let's go, Tracey. I'll take you to your class," aniya saka na tumalikod at hinatak paalis ang kasama niya.
"Now, you even know how to be pissed off." Sumandal na lang ako sa upuan ko at hinintay na pumasok si Yen.
Dumating na ang unang Prof. at nagsimula na ang klase pero hindi pa rin pumasok si Yen.
Lumipas ang buong pang-umagang klase at maging si Grayson ay hindi na rin bumalik.
"Saan naman kaya siya nagpunta?" Nang matapos ang lahat ng klase sa umaga ay nagmadali na akong lumabas at tinungo ang kwarto ni Lorriene.
Agad rin akong kumatok pero wala rin namang nagbukas ng pinto kaya sinira ko na ito.
Pagpasok ko ay wala nga si Yen. I even tried calling her phone pero hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko.
Napabuntong-hininga na lamang ako at lumabas na ng kwarto niya.
Umuwi kaya siya sa kanila? Pero wala naman siyang sinabi kahapon.
I texted her and decided to go back to class but upon reaching the classroom, I noticed Darius standing right there holding a boquet of roses.
"Sino naman kaya ngayon ang guguluhin nito?" Hindi ko na lamang siya pinansin at tahimik na dumaan sa harapan niya.
"Wait, Sheneah!" Napahinto tuloy ako nang hawakan niya ang braso ko.
"What?" naguguluhang tanong ko. Bahagya pa akong nagulat nang iabot niya ang hawak niyang mga rosas.
"Para saan 'to?"
"It's for you, since I am courting you," he answered while flashing his pearly whites.
"C-court... Ano? Nagbibiro ka ba?" Napaatras ako at imbis na pumasok sa room ay naglakad ulit ako paalis.
BINABASA MO ANG
Anathema (Cabal Series 2)
FantasyEvery one of us, Holds our own kind of Curse. Dark Cabal Series: Two
