'You don't always have to be the best. Sometimes, settling for less is fine too.'
~~~~~~~~~~~~~~~~
*SHENEAH PARKER BERNARDO*
"Good morning, Neah!" Napangiti ako nang batiin ako ni Sherlyn, pagkagising ko.
"Seems like you're in a good mood," komento ko at agad nang bumangon.
"Oh. Wala naman. Excited lang ako pumasok na kasama ka. Alam mo ba noong bata tayo, pangarap kong maging kaklase kayo nila Harah at Lorienne. Ang kaso, lahat kayo may gift, ako sawing-palad."
"Ano ka ba? You're great in your own way, Sherlyn. Hindi mo kailangan ng gift."
"I know. I realized it sooner than I expected. Naisip ko na kapag may gift ako, mahahati ang pangarap ko. I want to be a famous writer at kapag nagkaroon ako ng gift, I might get confuse ano ang pipiliin ko sa dalawa."
"Yeah. And I like you in any way you are."
"Aww. Ang sweet naman no'n." Natawa na lamang kami pareho at naghanda na para sa pagpasok. Sherlyn and I will be in the same class. Si Luna at Felicity naman ay one-year ahead sa amin.
After preparing ourselves, Sherlyn lead me outside at sabay na kaming nagtungo sa classroom. Definitely, it feels different. Parang ganito rin 'yung mga napapanood kong palabas sa tv wherein their story starts inside this kind of University.
"Halika, doon muna tayo sa likod. Walang umuupo doon. Parating absent."
"Pu-pwedeng mag-absent? Akala ko ba bawal lumabas ng University?"
"Bawal nga. Malamang nasa kung saan lang si Edward. Anak siya ni Principal Wendy kaya hindi siya magawang pagalitan ng mga teachers. Halika na." Naupo ako sa tabi niya katapat ang bintana.
Iilan pa lamang ang mga estudyante nang mga oras na 'yon pero pansin ko na ang mga tingin nila. Marahil nagtataka sila dahil may bagong dating, o baka naman alam din nila ang tungkol sa nangyare sa 'kin at napunta ako dito.
"Anyways, magkwento ka naman. Kamusta kayo doon sa Academy?" Humarap sa akin si Sherlyn at sumalumbaba sa armrest ng upuan niya.
"Hmm... Ayos lang naman sila. Dapat ay kasama nila ako sa darating na Cabal Tournament."
"E, 'di ba malapit na 'yon?"
"Yeah. At kung hindi ako makakabalik bago ang tournament. Hindi ako makakatulong sa kanila. Iyon lang pinanghihinayangan ko. Gusto kasi nilang manalo."
"Manalo? 'Di ba parang masyadong mahirap naman ng goal ninyo?"
"We have reasons," sagot ko na lang.
"Ay teka, si Ryujin. Kamusta na kayo ng robot na 'yon?"
"Robot?" bahagya pa akong tumawa.
"Oo, robot. Totoo naman kaya. Naalala mo dati, noong magkakasama tayo sa inyo. Ni hindi man lang ngumingiti, hindi nagsasalita. Kapag sumagot naman akala mo, tatlo lang ang alam na words." Muli akong tumawa dahil sa sinabi niya.
"Medyo nagbago na siya. Hindi na siya gano'n katahimik. Ngumingiti na rin siya gaya ng iba. Masungit nga lang talaga kapag may pagkakataon."
"E, sa 'yo lang naman siya gano'n, panigurado. Kayo na ba?" biglang tanong niya na ikinagulat ko.
"Hindi, a." Agad akong umiling sa sinabi niya.
"What? Seryoso ba kayong dalawa?"
"Ano bang sinasabi mo diyan. Magkaibigan kami ni Ryu, gaya sa 'yo at kina Harah."
BINABASA MO ANG
Anathema (Cabal Series 2)
FantasiaEvery one of us, Holds our own kind of Curse. Dark Cabal Series: Two
