Thirty One: Too Painful

137 3 7
                                        


'Somehow it seems like it is my fault. I'm sorry...'

~~~~~~~~~~~~~~~~~

*LORRIENE HEIZE TORRES*

'Wake up.'

'Wake up, my other half...'

Marahan kong iminulat ang mga mata ko at tahimik na dumaing.

Napakasakit ng ulo ko at nahihirapan rin akong huminga.

"N-nasaan ako?" Inilibot ko ang paningin ko at pilit na inaninag ang paligid.

Nasa loob ako ng isang bakal na hawla at nakagapos rin ang mga kamay at paa ko kaya't hindi ko magawang makakilos.

Naalala ko na ang nangyare. Nang may sumugod sa akademya at kinuha ako.

Pero nasaan ako? At anong pakay nila sa katulad ko?

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng papalapit na mga yabag mula sa 'di kalayuan at ilang saglit pa ay natanaw ko na sila. Isang babae ang nakita kong papalapit sa pwesto ko. At ganoon na lang ng gulat ko nang makita ko kung sino ang kasama niya.

"H-headmaster Chavez..." Napaawang ang bibig ko nang makalapit siya.

Paano siyang napunta rito? Siya ang may pakana nang pagdakip sa 'kin?

Kitang-kita ko ang malawak na ngisi niya, maging ang nakakatakot niyang awra.

"Bakit ako nandito? Anong kailangan niyo sa 'kin?"

"Your gift is to manipulate blood, isn't it?" tanong niya pa.

"Anong kailangan mo sa gift ko?"

"I need you to help me with something...only you can do," aniya.

"At anong kinalaman ko sa sinasabi mo? Sa tingin mo talaga tutulungan kita pagkatapos ng ginawa ko kay Neah? Sa amin?" sigaw ko pa pero tumawa lamang siya.

"I made a mistake. Dapat noong una pa lang ay ikaw na ang kinuha ko at hindi ang walang-kwentang batang iyon. Isama mo pa ang pakielamera niyang ina."

"Anong..."

"Kung hindi dahil sa kanila, dapat sana naging mabilis ang pagtupad ko sa plano. Mga inutil."

"Pero hindi bale. Narito ka na rin naman ngayon kaya tulungan mo na akong buhayin ang panginoon ko."

"I won't freaking help you," agad na sagot ko na ikinatawa lamang niya.

"Take her to our Lord," utos niya kaya't agad na lumapit ang babae sa akin at binuksan ang hawla at mabilis akong hinatak palabas.

"Let me go! Aray!" angil ko pero hinawakan niya lang ang buhok ko at marahas akong pinasunod.

Nakaramdam ako ng matinding sakit nang itulak niya ako patungo sa isang lumang kabaong. Tumama ang bewang ko sa kanto nito na ikinangiwi ko.

Lumapit sila sa pwesto ko at agad na binuksan ang kabaong. Natanaw ko ang katawan na nakahimlay at ganoon na lang ang takot ko nang itulak niya akong muli papalapit doon.

"Our lord. We found her. Take her blood and arise!" sigaw pa ni Headmaster Chavez bago niya tanggalin ang pagkakagapos ko pagkatapos ay agad niyang isinara ang kabaong.

"No...no! Pakawalan niyo 'ko!" Tili ko nang maramdaman ko ang marahang paggalaw ng katawan sa ilalim ko.

"Tulong! Pakawalan niyo 'ko dito! Ahhh!" Halos maiyak na ako sa takot nang bigla itong nagmulat at marahas na hinawakan ang mga kamay ko.

"Ahhh!" Tuluyan na akong napasigaw sa sakit nang kagatin nito ang palad ko at mariing sinipsip ang dugo mula rito.

Ni hindi na ako makapag-isip nang tama sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Sinubukan kong gamitin ang gift ko para sanay kontrolin siya ngunit nabigo lamang ako. Hindi ko man lang magawang pumalag sa kanya habang patuloy ito sa pagsipsip ng dugo ko.

Anathema (Cabal Series 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon