Four: To present you the Past

169 9 0
                                        


"So what are you doing here, Lady? Visiting me?"

"Pwede na rin. Gusto ko lang magbasa."

"You're gonna ask me something, right? Something beyond those years."

"You really know me so well."

"Of course I do, lady. You know I can't forget. So what is it?"

"I-is she connected... with us?"

"Yes. She is connected, they all are. It never stops...until we all end this war."

"Pero, Melora. Ayokong masaktan siya, sila. Hindi ko kakayanin kapag may nangyareng masama sa kanya."

"Then let her know. And prepare her for it."

"S-should I?"

~~~~~

*SHENEAH PARKER BERNARDO*

"Here you go, chick."

"Ang cute mo talaga."

"Alam mo, kung hindi lang ako madedetect sa dorm, doon na kita inilagay." Then I caressed its soft head.

"Bilisan mong kumain, chick. Hahanapin na 'ko niyan," saad ko pa habang hinahaplos ang mga pakpak niya.

Meet Chick. The small bird I found on the border of Northwoods. Nakita ko siya last week ng tumakas ulit kami ni Karnam. May malaking sugat sa pakpak at parang mamamatay na. Walang nakakaalam ng tungkol sa ibon na 'to, kahit si Karnam. Panigurado kasing magagalit ang mga 'yun lalo na't galing pa 'to sa borders.

Tapos hindi ko siya pwedeng dalhin sa dorm kasi bawal ang hayop doon. Kung hindi nga lang nila made-detect, pinuslit ko na siya sa room ko. Kaya nang makakita ako ng saradong gate sa likod ng garden, dito ko na siya dinala.

I even saw the 'No Entry' sign at the gate, but still entered here. I am a troublemaker indeed at walang pasaway na sumusunod sa rules ng 'No entry'.

Hindi ko alam kung anong klaseng ibon si Chick. Hindi kasi siya pamilyar gaya ng ibang ibon na nakikita ko. Hindi ko rin makita ang uri niya sa internet. And so I thought na baka new bird specie siya.

Chick, is a copperish, long billed bird. May mga red spots din siya sa may likod ng pakpak niya tapos ay may tatlong guhit na itim sa ulunan.

I was busy feeding Chick, when my phone vibrated kaya kinuha ko na ito sa bulsa ko.

"Yes, babes?" Lorriene was calling.

(Nasaan ka na? Wala ka sa room mo.)

"Ah... Nasa garden ako," palusot ko pa.

(Pumunta ka na dito sa caf. Nandito na kami lahat.)

"Okay. Papunta na."

(Bilisan mo at nakakunot na ang noo ni Manong Ryu.)

(Give me the phone...) narinig ko bigla sa kabilang linya ang boses ni Ryujin.

"Hello?"

(Where are you?) he said with his favorite monotone voice.

"Nasa garden nga. Hintayin niyo na lang ako. Papunta na." Tumayo na ako at pinagpag ang skirt ko.

(Neah. Come here. Now.) Walang pagbabago sa tono ng pananalita niya pero halatang nagbabanta.

Mabi-bingo na naman yata ako kay Ryujin.

"Papunta na po, Mr. President!" saad ko at pinatay na ang tawag.

Dali-dali akong naglakad palabas. Sinilip ko pa kung may nakabantay bago ako tuluyan nagtungo sa Cafeteria.

"And I'm safe," bulong ko nang makarating sa cafeteria.

Anathema (Cabal Series 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon