Twenty Five: Too Impossible

78 5 0
                                        

'That can't be right. She is not like that. That is not her gift.'

~~~~~~~~~~~~

*SHENEAH PARKER BERNARDO*

"Everyone. Into the fortress!" malakas na sigaw ni Ryu kaya't dali-dali kaming nagsitakbo papasok sa fortress na ginawa ni Harah.

"Gray, your armies. Now!" utos pa nito kaya't agad ring sumunod si Grayson.

He activated his gift and summoned his army of bones.

Nagsiangat ang mga ito at parang isang mataas na pader ay agad silang nagsama-sama.

Patuloy sa pagpapalabas ng kanyang gift si Gray dahil patuloy lamang din sa pag-atake si Ezra.

"Karnam, can you attack Darius?" rinig kong utos ni Ryu sa kanya.

"Hindi ba dapat pigilan muna natin si Ezra sa pag-atake niya?" agad na saad ni Lorriene sa tabi ko.

"We need to stop Darius from controlling her."

"You think he's controlling her?" sabay na tanong ko. Tumango siya bilang sagot at tama.

Kapansin-pansin ang pagkumpas niya habang inuutusan si Ezra kanina. At kung totoo na hindi ito nakakarinig, malamang ay iyon ang paraan niya para mapasunod ito.

"So you want me to attack him?"

"Yeah. Pero kailangan mong magmadali. We cannot be exposed into her gift for too long. The only thing that is keeping us safe against her mercury is this fortress. Kaya kailangan mo agad na matalo si Darius."

"Lorriene. Masked his blood. Don't let Darius smell him. And Harah, add another wall of defense for us. Hindi magtatagal ang gift ni Gray kung patuloy na aatake si Ezra. Kakailanganin din nating bantayan ang iba pang kagrupo ni Darius."

"E, ako. Anong gagawin ko, Ryu?" lumingon ako sa kanya at naghintay ng iuutos niya.

"Kaya mo bang sirain ang buong harang na nakapalibot sa 'tin?"

"We need to do something against it. Kung hindi agad mapipigilan ni Karnam si Darius, si Ezra na ang pipigilan natin."

"No problem. I'll do it," agad na sagot ko saka pa sumaludo sa kanya. Naghintay ako ng hudyat mula kay Karnam at nang tumakbo siya palabas ng fortress ay sumabay na rin ako at nagtungo sa harang na ginawa ni Ezra.

I hurriedly touched the wall made out of quicksilver pero agad ko rin iyong binitawan ng biglaan itong matunaw at pumasok ang ilang parte nito sa sugat ng palad ko.

"Bwisit!" angil ko nang makaramdam ako ng matinding kirot mula doon. Pumikit ako at mariing kinagat ang pang-ibabang labi ko.

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago muling hinawakan ang muli ang pader.

"Ahhh!" This freaking hurts! Pakiramdam ko ay tinutunaw din nito ang balat ko habang hawak ko ang pader.

Habol-hininga akong napahawak sa tuhod ko bilang suporta matapos kong mabutas ang isang maliit na parte ng pader.

Pero gano'n na lang din ang pagkayamot ko nang lumipas lamang ang ilang segundo at gumalaw ang mga parte ng kaninang nasira nang asoge at muli itong nabuo.

"The hell! Ahhh!" Nagpatuloy ako sa paghawak at sa pagsira dito.

Mali. Hindi dapat ganito.

"Sheez. Masira ka na!"

"Ahh!" Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang sigaw ni Harah. Doon ko sila nakita na nagkakagulo na.

Wala na ang fortress na humaharang sa mga atake ni Ezra kanina. Kaya't tanging si Grayson na lamang ang dumepensa sa kanila. Tanaw ko sa di kalayuan si Darius at Karnam habang patuloy sila sa pagbubuno. At hindi ko matanaw kung nasaan na sina Ryu at Lorriene.

Anathema (Cabal Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon