Ten: To search for the unseen

172 10 0
                                        

'A wanderer needs to be courageous, to face every monsters ahead his adventures.'

~~~~~

*SHENEAH PARKER BERNARDO

"Chick."

"Oy, chick!" Nasaan na ba ang ibon na 'yon?

I am still dumfounded after seeing Chick yesterday. Lakas maka-jurassic naman kasi ni Chick, e. Lumaki ba naman ng gano'n. Actually, araw-araw akong nagdadala ng pagkain para sa kanya at naobserbahan ko na mabilis ang paglaki niya. Kasi noong una ko siyang dinala rito, kasya pa siya sa palad ko. Pagkaraan ng ilang araw, ang laki niya na. Tapos kahapon, nagulantang na lang ako na mataas pa siya sa puno. E, gatas at biscuit lang naman ang pinapakain ko sa kanya.

"Chick!" muli kong sigaw at naglakad pa. Mayamaya ay nakaring ako ng napakalakas na tunog kaya't bahagya akong napatakip sa tenga. Tinakbo ko ang narinig kong ingay hanggang sa makita ko siya na lumilipad.

"Chick!" sabay kaway ko nang kamay at tumalon-talon pa.

"Chick!" Mukhang ewan na 'ko dito kakatalon. At sa 'di pa inaasahan ay natapilok ako at diretsong nalaglag sa katabi kong bangin.

"Ouch!" sigaw ko nang lumagapak ang pangupo ko sa lupa. Mabuti na lang at hindi gano'n kalalim ang bangin na 'to kaya hindi ako nabalian o kung ano.

"Chick, baba ka na diyan at tulungan mo 'ko dito!" sigaw ko pa at sa wakas ay mukhang narinig na niya 'ko.

Chick immediately screeched and flapped its ginormous wings. Humangin naman nang malakas dahil sa mga pakpak niya. Agad itong bumaba at lumapit sa 'kin. Iniangat ko ang kamay ko at agad namang yumuko si Chick kaya't hinaplos ko ang mabalahibo niyang ulo. Umakyat ako sa malaki nitong katawan at iniangat ang sarili ko. Dali-dali naman nito akong dinala sa mas patag na lupa.

"Salamat, Chick." Mabuti na lang pala at lumaki itong alaga ko.

"Bakit ka ba kasi umalis ha?" tanong ko habang hinahaplos ang balahibo niya.

"Chick, 'di ba sabi ko sa 'yo h'wag kang lilipad masyado? Lagot tayo kapag may nakakita sa 'yo. Alam mo namang hindi ka na mukhang sisiw," saad ko pa at agad naman itong umungol.

Napangiti naman ako dahil sa inaasal niya.

"Pero cute ka pa rin naman kahit na ang laki mo na." Lumapit naman ito lalo sa 'kin at dinunggol-dunggol pa ang katawan ko.

"Bakit, may problema ba, Chick?" takang tanong ko. Agad naman nitong binukas ang kanyang tuka at iniangat ang ulo.

"Dyahe 'yan, dude. Saan ako kukuha ng maraming pagkain?" agad na naibulalas ko. Siguradong hindi na sasapat ang gatas at biscuit para sa kanya. At kung gano'n man, malamang ay limang drum ang kailanganin kong gatas.

Sa cafeteria kaya?

Muling umungol si Chick at dinunggol ako.

"Wait muna, Chick. Hahanap ako ng ipapakain sa 'yo." Agad kong tinapik ang pakpak niya.

"H'wag ka nang aalis ha? Promise saglit lang ako." Tumakbo na ako palabas ng gate.

Nasa may dulo naman ako ng field nang matanaw ko ang mga kasama ko. Hindi ako pwedeng magkamali dahil kitang-kita ko ang kulay pulang buhok ni Lorriene at ang suot na hoodie ni Grayson.

"Guys!" sigaw ko at agad silang pinuntahan.

"Anong nangyare sa 'yo, dude? May labanan ba o ano? Para kang nahulog kung saan," tanong ni Karnam nang makalapit ako sa kanila.

Lumapit pa sa 'kin si Ryujin na nakakunot ang noo at agad na pinunasan ang mukha ko.

"Because I really did fell. Thanks, Ryu. Okay na,"

Anathema (Cabal Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon