Chapter 1

9.6K 245 26
                                    

Herald POV

Nagising ako sa sunod-sunod na tunog ng alarm clock. Hudyat na iyon na dapat na akong bumangon at maghanda ng agahan. Napabuntong hininga ako at bahagyang nag-unat sa aking kinahihigaan.  Dahanhahan kong iminulay ang aking mga mata atr tinanaw ang kinalalagyan ng alarm clock. Aktong aabutin ko na ito nang walang anu-anu ay may kamay na umabot niyon at mabilis na inihagis. Nagdulot iyon ng di kaayaayang ingay. Malamang sira nanaman ang pobreng orasan. Ika ilang beses ko na bang bili iyon?

Muli akong napabuntong hininga. Iginawi ko ang aking paningin sa taong naghagis ng orasan. Balik na ito sa kanyang kinahihigaan at animoy walang nangyari. Napailing nalang ako sa nangyari.

Ang totoo ay hindi na bago sa akin ang nangyari. Sanay na rin naman ako sa ugali ng lalaking ito. Ilang buwan na ba kaming nagsasama? Malapit na nga sigurong mag-isang taon. Kaya masasabi kong wala nang titindi pa sa saltik nitong si Ross.

Ikalawang buwan palang namin sa bahay na ito kung kaya hindi pa talaga ako nasasanay. Paanu naman kasi, panay bago ang mga kasangkapan at kagamitan. Ultimu ang kama namin ay bago. Wala naman akong magawa nang magdisisyon siyang lumipat ng bahay malapit sa Mansion ng kanyang magulang dahil matagal na palang napagawa ang bahay at siya nalamang ang hinihintay na lumipat.

Kung tutuosin ay aalog-alog kaming dalawa sa laki ng bahay. Dalawang palapag ito at may apat na kwarto. Kukod sa malapad na sala at dining room. May entertainment room din at parang office. Basta pangmayaman talaga ang ayos. Anu pa ba ang iisipin ko e mayaman naman talaga sila.
Kaya nga medyo nahihiya na rin ako.

Bumangon nalang ako sa kama at dumeretso sa banyo upang mag hilamus at mag toothbrush. paglabas ko nang banyo ay tinapunan kong muli ang tulog mantikang si Ross. Napangiti nlang ako at lumabas sa kwarto.

Agad kong tinungo ang kusina. Isa-isa kong inihanda ang lulutuin ko. Inihanda ko narin ang coffee maker. Ilang sandali pa ang nagdaan ay nakapagluto na ako ng breakfast. Nang matapos ay inihanda ko na ang lamesa para sa aming dalawa.

Naging abala ako sa pag hahanda nang lamesa kung kaya hindi ko namalayan ang paglapit ni Ross. Agad itong yumakap sa aking bewang at isinubsub ang mukha nito sa aking leeg.

"OH gising ka na pala?" Tanong ko. "Tamang tama pwede nang mag almusal."

"Five minutes..." mahinang wika nito habang patuloy ito sa pagyakap sa akin.

Hindi na ako nagtanong pa kung anu ang ibig niyang sabihin dahil isa ito sa mga paglalambing niya. Mula ng maging kami ay panay na ang lambing nito sa akin. At isa ito sa mga yun. Yun bang bigla bigla mula sa likod ay yayakapin ka at mananatiling nakaakap ng ng matagal.

"Kung hindi lang kita mahal..." ako

"I know. Kaya nga masaya ako."

Kumalas siya sa pagkakayakap at iniharap ako sa kanya. Dahil may katangkaran ito ay bahagya akong nakatingala.

Muli niya akong niyakap. Nadama kong lumapat ang kanyang labi sa aking noo.

"I love you, Always. " usal nito.

Napakalas ako sa yakap niya at tinitigan ang kanyang maamong mukha. Ito ang mukhang hinding hindi ko pagsasawaan.

"Ang aga mong maglambing ha... " tukso ko sa kanya. "Kain na tayo at baka malate pa tayo sa trabaho..."

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil kinintalan na ako ni Ross ng halik sa labi. Isang banatad na halik.

"I love you too lang dapat ang sinasabi mo Babe. Para ganahan ako sa buhay! " nakangiting wika nito.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Keaga aga puro pasweet itong si Ross.

Labis kong ipinagpapasalamat ang pagdating ni Ross sa buhay ko.  Pakiramdam ko ay naging nakulay ang mundo ko nang dahil sa kanya.

Just Stop, We're in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon