UNIVERSIDAD DE VALESTIAN INTERNACIONALÉ
Sa isang maliit na silid pa lamang marami ng kwento ang mabubuo, ang nabubuo, at nabuo. Mga kwento na puno ng kasiyahan, kalungkutan, poot, at minsan ay hiwaga.Sa isang maliit na silid pa lamang ay magagawa mo na ang mangarap, maniwala, magmahal, umiyak, tumawa, magwala, at maranasang mabigo.
Sa isang maliit na silid maaari kang may makasama o maaari ka ding mag-isa.
Emosyon, ekspirehensiya, kaisipan, kalinangan, buhay, at maging kamatayan. Lahat yan ay maaari mong maranasan o masaksihan sa iisang maliit na silid lamang. Pero paano pa kaya kung ikaw ay nasa isang malawak, kilala, at prestihiyosong unibersidad ka na?
Halika, pasok na sa UNIVERSIDAD DE VALESTIAN INTERNACIONALÉ at iyong tuklasin ang mga kwento na dito lamang makikita. Pasukin ang bawat silid at gusali, suyurin ang bawat tagong bahagi nito, magsiyasat sa bawat lilim ng puno at malawak na halamanan, at namnamin ang tamis at pait na dito mo lamang matitikman.
Halika, pasok ka. Tara na sa aming unibersidad.
°°°°°°
Ako na siguro ang pinaka aloof na tao sa buong campos ng Universidad De Valestian Internacional. Ayaw ko ng masyadong matao. Naririndi akong makarinig ng mga usapang hindi naman nakakatulong sa economiya ng bansa. Mas gugustuhin ko nang nasa isang sulok lamang ako. Nagbabasa o di naman kaya ay nakikipag-usap sa nag-iisang sandalan ko. Ang aking pinakamamahal na diary. Sa kanya ko binubuhas mga bagay bagay. Bawat saya at lungkot. Bawat iyak at tawa ko dito ko ibinubuhos. Pakiramdam ko kasi pag-isinusulat ko ang nararamdaman ko nakakausap ko si Mama. Wala na kasi siya. Siya kasi ang naghikayat sa akin na magsulat ng Diary.
May nga kaibigan naman ako pero iilan lang. Pero mabibilang sa daliri ata ang mga pagkakataon na nakikipaghalubilo sa kanila.
Hanggang sa maiwala ko ang aking Dairy. Damn! Sa dami pa ng pwedeng mawala sa akin ay iyon pa talaga. Hindi iyon pwedeng mapasakamay ng ibang tao. Hindi pwedeng may makabasa nang mga nakasulat doon. Lalo na yung... Yung part na... Ah basta hindi pweding may makabasa nun.
Isang araw bakatanggap ako ng text message sa taong nakakita daw ng diary ko at gusto nitong makipagkita sa akin. Dahil importante ang bagay na iyon ay hindi na ako humindi.
Kulang ang salitang shock nang malamang si Jose Antonio Bosch, the famous basket ball varsity player ng school. Ang isa sa mga pinapangarap ng bawat babae at bading dahil kabilang ito sa top ten most handsome prince ng Universidad De Valestian Internacional. Yung lalaking mahilig sa ensaymada at orange juice at mahilig tumambay sa makahoy na parte ng paaralan. Yung 3rd year AB Communication, 5'9, 134 lbs. Yes, siya ang taong may hawak ng pinakakaingatan kong Diary. At makukuha ko lamang daw iyon kung tutulongan ko siyang makapasa sa kanyang midterm exams. Wow mukha ba akong tutor? Kung minamalas ka nga naman oo. Pero as if na may choice ako. Kaya pumayag nalamang ako sa kasunduan upang mabawi ang diary ko. Tutal nangako naman itong hindi nya babasahin ang diary ko.
BINABASA MO ANG
Just Stop, We're in Love
RomanceNagsimula sina Ross at Herald sa simpling kasunduan hanggang sa tinutoo na nila ang kanilang relasyon. Sa kanilang nagiging disisyon, anu anu kayang mga hamon ang susubok sa kanila? "Sinabi mismo ng tatay mo sa harapan ko na ikakasal ka! Ikakasal a...