Herald POV
Katatapos lang kaming kausapin ng may-ari ng cake house na pinagtatrabahuhan namin. Ayon sa kanya ay ibibinta na daw nito ang cake house dahol mag ma-migrate na daw sila ng family nila sa Canada.
Nakakalungkot naman. Di daw kasi sure kung kami kami padin ang mananatiling magtatrabaho dito.
"Haist, sana naman tayo tayo pa din ang kukunin ng kung sino mang makabili ng shop." Si Kate. Kakasara lang namin.
"Anung malay mo tayo tayo din naman ang kunin. Tiwala lang guys!" Pagpapagaan ng loob ng kasama ko.
Hindi ako masusundo ni ross dahil may hinahabol daw silang mga papers para sa isang project. Kaya nagcummute na lang ako. Hindi naman hassle sa akin iyon. Buti na lang at walang gaanong traffic sa dinaanan ng sinasakyan kong taxi. Mabilis akong nakarating ng bahay.
"Sir Herald, kayo lang po ba?" Tanong ni Maze, siya ang kinuha naming katulong dito sa bahay.
Oo, pumayag na akong kumuha ng katulong. Tuwang tuwa naman si Ross dahil mas matagal na niya akong makakatabi. Yung taong yun talaga. Pero hindi naman ako pumayag nang ganun na lang. Sabi ko kasi papayag ako kung hati kami sa pasahod. wala na rin siyang magawa.
"May tinatapos pa kasi sina Ross eh. Naka pagluto ka naba?" Tanong ko sa kanya.
"Opo sir. Gaya nang binilin ninyo kanina."
Isang linggo nang namamasukan itong si Maze sa amin. Magalang na bata at maaasahan. Si Kagawad yung nagrekominda na siya ang kunin namin nang tumawag ako sa kanya upang kamustahin ang bahay sa probinsya.
Maya-maya pa ay tumunog na ang phone ko. Si Ross, tumatawag.
"Oh napatawag ka?" nagtataka kong tanong.
"Hindi ka kasi nagtitext kung nasaan ka na. Nag-alala lang ako."
"Ito naman. Alam ko naman ang daan pauwi. Anung palagay mo sa akin batang maliit?" Natatawang tugon ko. "Nasa bahay na ako. Tapusin mo na yang ginagawa mo nang makauwi ka na rin. Hihintayin kita para sabay na tayo kumain."
"Hehe, Sige babe. Patapos na rin naman tong ginagawa namin. Uwi na rin ako after this." Malambing na wika nito. "Babe?
"Yes Hon?"
"I love you."
"I know hon, and I love you too."
Hindi ko maiwasang kiligin pag ka ganoon si Ross. Lagi nalang niyang pinararamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Lubos ang pasasalamat ko na dumating siya sa buhay ko.
"Hon, ibebenta na daw ni Sir Ram yung shop niya. May posibilidad atang palitan kami." Kwento ko sa kanya. kasalukuyan kaming nasa kwarto. Nag-aayos ako ng mga tinuping mga damit samantalang siya naman ay nasa banyo. Bukas lang ang pintuan kaya naririnig naman niya ako.
"Ha? Bakit daw?" Nagtatakang tanong niya. "Bago palang yung shop ah."
"Naikwento ko na diba na nasa Canada na yung family niya. Susunod na siya doon. Eh wala namang mamamahala ng cake house kaya ibebenta na lang niya." Pagpapaliwanag ko.
Lumabas ito sa banyo nang nakatapis lang. Sanay na akong makita siyang ganyan. Sarap lang sa mata. hahaha. Anu ba tong iniisip ko. Lumapit ito sa akin at niyakap ako mula sa likod.
"Gusto mo bilhin nalang natin? Para iyong iyo na ang shop. Pwede mo nang gawin yung mga gusto mong gawin doon." Isinubsob nito ang kanyang mukha sa leeg ko.
"Naku Ross ha, yan ang wag na wag mong gagawin. Oo at gusto kong magkaroon ng sariling Cake Shop pero sa sarili kong sikap. Baka kung anu pang sabihin ng pamilya mo." Kunyaring pagmamaktol ko. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Isa pa, may nakabili na rin ata, ayaw lang pangalanan ni Sir."
"Alam mo naman na gagawin ko lahat for you diba?" Iniharap niya ako sa kanya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. " Ibibigay ko lahat ng magpapasaya sayo, wala akong pakealan sa sasabihin ng ibang tao. Ang importante mahal kita." Hinalikan niya ako sa noo. "Mahal mo ako." Bumaba ang kanyang halik papuntang tungko ng ilong ko. "Mahal natin ang isa't isa." Sa pagkakataong yun ay hinalikan na niya ako sa labi na tinugunan ko.
Habol hininga kaming pareho nang maglayo ang aming mga labi.
"Hindi bale, kung sakaling hindi ka kunin ng bagong may-ari, may mom is willing to give you a job sa boutique niya. Alam mo naman na palagi na niya akong kinukulit."
"Oo na nga, hehe, Sige na mag bihis ka na nang makatulog na tayo." Utos ko sa kanya.
"Kailangan ko pa bang mag damit eh tatanggalin ko lang din naman." nakangising wika niya.
"Ross, anung binabalak mo? ha?" Pinandilatan ko siya ng tingin. Pagka ganitong Ross ang tumatampad sa akin ay kinakabahan ako. In a good way na kaba. hahaha Kung meron man non. Tinanggal nito ang twalyang nakasukbit sa kanyang bewang. Wala na itong kahit anung saplot. "Diyan ka lang." Pero patuloy itong lumapit sa akin.
Wala na din akong nagawa nang mahuli niya ako kundi magparaya. At hinding hindi ako magsasawa na mahalin siya.
"I love you Ross." bulong ko sa kanya.
"I love you more."
Nagising ako sa sunod sunod na katok sa kintuan ng kwarto namin. Himbing pang natutulog si Ross. Agad akong bumangon upang buksan ang pinto.
"Sir, may naghahanap po kasi kay sir Ross sa baba." Si Maze.
"Sino daw?" Tanong ko habang kinukusot ko ang mata ko.
"Rochelle daw po ang pangalan." Kumunot ang noon ko. "Sige pahintay nalang kamu."
Tumalima naman si Maze. ako naman ay bumalik sa kama upang gisingin ang tulog mantikang lalaking nakahiga doon. SDabado ngayon kaya wala siya pasok. Samantalang ako ay mamaya pa ang pasok.
"Hon, may naghahanap sa iyo sa labas." gising ko sa kanya. Parang wala lang itong narinig. "Hon, gising na, may nag hahanap daw sa iyo sa baba." ulit ko.
"Sino daw ba yun?" Mahinang tanong niya.
"Rochelle daw yung pangalan."
Agad siyang napa dilat ng mata. "Who?"
"Rochelle daw."
Napabalikwas ito mula sa kinahihigaan. Agad itong nagtungo ng banyo.
"Woooh. Good Morning." Nasambit ko nalang.
Maya maya pa ay bumalik ito mula sa banyo. Mabilis akong hinalikan sa labi. "Sorry babe, Good morning. You better also get dress babe, Nasa nana si ate."
"Sino?" Nabigla ako sa sina bi niya. Sinabi ba niyang ate niya?
"My Sister babe."
Walang pasabi sabi ay agad akong nag ayos. Ganito ba talaga ang mga miembro ng pamilya ni Ross. On the spot makadalaw. Walang pasabi sabi? Nauna akong matapos kay Ross kaya kahit kinakabahan ako ay bumaba na ako. Ayaw kong may panget na impression na mabuo sa isip ng ate ni ross. Mahirap na.
Hope this one will do. Sa mga nag aabang ito na po ang update. sorry kung maikli lang.
XOXO
eRockinLove
BINABASA MO ANG
Just Stop, We're in Love
RomanceNagsimula sina Ross at Herald sa simpling kasunduan hanggang sa tinutoo na nila ang kanilang relasyon. Sa kanilang nagiging disisyon, anu anu kayang mga hamon ang susubok sa kanila? "Sinabi mismo ng tatay mo sa harapan ko na ikakasal ka! Ikakasal a...