Ross POV
"Are you out of your mind? " Sigaw ni ate.
Kami nalang dalawa ang nandito sa bahay. Pumasok na si Herald at sinabay nalang yung katulong dahil mamamalengke daw.
"Really Ross? Sa Bakla ka pa talaga na inlove? At dito mo pa talaga pinatuloy sa bahay mo ha. " Hindi ko inaakalang ganito magsasalita ang ate.
Bata palang ako ay magkasangga na kami sa lahat. Siya palagi ang nagtatanggol sa akin noong bata palang ako. Partners in crime nga daw kami kung si mama pa ang magsabi.
"Ate, please. Ayaw kong maki pagtalo ngayon Ate. Pwede bang maging masaya ka nalang para sa akin. " Pinipilit kong maging mahinahon. Pero sa totoo lang naiinis ako sa inaasta ng ate ko.
Kanina ay nakikita ko ang disgusto niya kay Herald. Hindi niya ito kinibo at tinaasan lang nito ng kilay. Hanggang sa makaalis si Herald.
"Masaya? Really Ross. Magiging masaya ka pa ba kung si papa na ang pumunta dito? Umayos ka sinasabi ko sayo! " may halong pagbabantang saad nito.
"Look, kung may problema ka ate dahil sa hindi mo gusto ang taong karelasyon ko ngayon wala na akong magagawa. Now, I need to attend a board meeting today. Will you please excuse me. " Dere-deretso akong umakyat sa silid namin ni Herald. Nauubis ang pasensya ko. Pakiramdam ko sasabog ako.
Nang makaalis ako ay hindi ko na din napansin kung nakaalis na ba o naglibot ng bahay. Hindi ko na binigyang pansin pa at dumeretso sa garahe at umalis.
👕👕👕👕👕
"There you are. " napahugot ako ng malalim na hininga.
"What do you need ate? " wala sa loob kong tanong.
Katatapos lang ng meeting ko with some clients. Nag-aayos ako ng gamit. Balak kong puntahan si Herald sa shop para sabay kaming kumain. Tamang tama namang dumating ang isang ito.
"Relax, I'm not here to fight. Mom is expecting us." wika nito. Ngunit di ko pa rin maiwasang mainis sa kanya.
"I got plans already. Kayo nalang kumain ni mama. " Pagkasabi ay dali dali akong umalis at hindi na siya binalingan pa. Narinig ko siyang tinatawag ako pero di ko siya pinansin. Agad kong sinara ang elevator door para fi na siya makapasok kung sakaling sumunod man siya sa akin.
🚗🚗🚗🚗🚗
"Oh, bat ka nandito? May meeting ka diba?" Bungad na tanong ni Herald ng dumating ako sa cake shop na pinagtatrabahohan nito.
"Maagang natapos eh. Tara let's have lunch together. Nagugutom na ako. " aya ko sa kanya. Binigyan ako nito ng makahulugang tingin. Mukhang may nabasa ata ito sa mukha ko kaya nahpaalam muna ito sa mga kasamahan upang makapaglunch kami.
Isa sa mga nagustuhan ko kay Herald ay yung alam niya kung papanu makiramdam. Pagdating kasi sa kanya ay wala akong matago. Alam nito kung kelan ko gustong mapag-isa at kelan gusto kong may makasama. Well sa kanya lang naman ako transparent.
Tumungo kami sa malapit na restaurant. Mabilis din kaming naka order.
"Huhulaan ko ba o Ikukwento mo nalang?" tanong ni Herald habang nakatitig sa akin.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Maya-maya pa ay ikinuwento ko na ang nangyari. Hindi ko din naman matago pa sa kanya. Ayaw kong pagtakpan pa ang pagkadisgusto ng ate ko sa relasyon namin.
"Ross, uri ng relasyon natin, expected na may mga tao na hindi maiintindihan ang pinili natin. Alam mo naman na madami pa rin ang tutol sa uri ng relasyon meron tayo." Alam kong pinagagaan lang niya ang pakiramdam ko. Inabot ko ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa. Hinawakan ko iyon at bahagyang pinisil.
"But she is my family. She suppose to be happy because I'm happy."
"Just give her time to understand everything."
Matapos kaming kumain ay bumalik kami sa cake shop.
"Now, be a sweetheart and go back to your office. Pag naroroon pa ang ate mo, kausapin mo ng mahinahon. At please, wag mong sabauyan ang galit nya." Wala na din akong nagawa kundi sundin siya. Nakahinga na nalang ako ng bahagya nang mapag-alamang wala abg ate. Nagawa ko ang mga dapat gawinnang walang iniintindi. Sa totoo kasi ay ayaw ko pang kausapin ang ate dahil hindi ko din macontrol ang sarili ko at lalo akong magalit sa kanya.
Ala siete na nang gabi nang makauwi ako sa bahay. Pagpasok ko sa bahay ay bumungad sa akin si ate. Muli akong napabuntong hininga. Hindi na ako nagsalita pa at dumeretso sa hagdanan. Ngunit bago pa man ako maka akyat ay nagsalita na siya.
"Hindi mo lang ba ako babatiin?" May inis sa mga boses nito. " Akala mo ba palalampasin ko yung ginawa mo kanina?"
"Look ate, pagod ako at wala akong panahon maki pag disgusyon sa mga argumentong meron ka." Sagot ko sa kanya. Pilit kong pinakakalma ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay kukulo uli ang dugo ko.
"At ganyan ka nang sumagot sa akin. Iyan ba ang impluwensya ng baklang yon sayo? Nawawalan ka na nang galang!"Sigaw nito na dahilan upang umusbong ang galit na pilit kong kinikimkim.
"You have no right na paratangan si Herald ng mga bagay na wala siyang kinalaman. Kung nasasagot man kita ngayon ate dahil na rin sa kababawan mong intindihin ako! Balik kong sigay sa kanya.
"What did you say?" Lumapit si ate sa akin at laking gulat ko nang bigla niya akong sam palin. "Ako pa ang hindi maka-intindi. Bullshit Ross! Nang dahil sa baklang iyon nagkakaganito ka? Ako na pamilya mo binabastos mo para lang bigyang diin ang kababuyan nyo!"
"Then get out in my house! Kung nabababuyan ka sa amin wag ka nang pumunta dito!" Pakiramdam ko ay sasabog na ako. nanggigigil na ako sa galit. Hindi ko akalaing masasabi mismo ng kapatid ko ang mga bagay na iyon, "Pamamahay ko ito. Ang lakas din naman ng loob mong sabihin sa akin iyan. Saiyo pa nanggaling ate. Ikaw na kapatid ko pa." Hindi ko na rin napigilan ang maluha. "Akala ko maiintindihan mo ako ate. Akala ko susuportahan mo ang kaligayahan ko. Gaano ba kahirap intindihin na si Herald ang kaligayahan ko!"Natigilan na ang ate ko. Magkahalong galit, lungkot at sakit ang nararamdaman ko habang ang mga luha ko ay nag-uunahan.
"Lahat naman ginawa ko para matuwa kayo sa akin. Nanghindi matuloy ang kasal ko kay Anna diba itinuon ko ang sarili sa kompanya. Nang humingi ka nang tulong hindi ako nag-atubiling tumulong. Lahat ng mga gusto ni Papa ginawa ko wala kayong reklamong narinig sa akin. Ngayon lang ako nanghangad na maging masaya." Napaupo ako sa unang step ng hagdan. Tahimik parin ang ate.
"Mahal ko kayong pamilya ko. Pero diba dapat bigyan ko din ang sarili ko ng time na sumaya rin. Nakakapagod din ate, nakakapagod din maging sunod sunuran para lang matabunan yung sakit na nararamdaman ko. Ngayon na may dumating para pawiin yung sakit huhusgahan nya ako at ang taong nagpadama sa akin ng saya." Humagolgol ako sa subrang sakit nang nararamdaman ko.
Tumayo ako at iniwan ang ate ko sa kinatatayuan ko. Kailangan kong makalayo. Masyadong maliit ang lugar para sa aming dalawa. Masyado na akong nasasaktan at si Herald lang ang makakapagpakalma sa akin.
Sumakay ako sa kotse at pinaharurut ito ng mabilis. Nanginginig parin ang mga kamay ko. hindi ko na alam kung nasa wisyo pa ako para magdrive pero pinilit kong kuntrolin ang sarili. Kinapa ko ang phone sa bulsa ko. Kailangan kong tawagan si Herald. Baka sakaling kumalma ako kung maririnig ko ang boses niya.
"Hello hon?" Boses ni Herald.
"Babe asan ka?" Garalgal ang boses ko.
"Hon, are you alright? What happen?" Rinig kong tanong niya. Hindi na ako nakasagot pa dahil sa liwanag na bumungad sa akin. Sinundan iyon ng malakas na tunog at mga ingay habang unti unti kong naramdaman ang mga sakit sa hindi ko malaman kung saang parte ng katawan ko. Maya maya pay nilamon na ako ng kadiliman.
Hi guys sorry kung ngayon lang ako nakapad update. Busy kasi. alam nyo na Student... hahaha anyway hope suportahan nyo padin ako sa kwentong ito. sa mga nakabasa madaming salamat.....
XOXO
eRockinLove
BINABASA MO ANG
Just Stop, We're in Love
RomanceNagsimula sina Ross at Herald sa simpling kasunduan hanggang sa tinutoo na nila ang kanilang relasyon. Sa kanilang nagiging disisyon, anu anu kayang mga hamon ang susubok sa kanila? "Sinabi mismo ng tatay mo sa harapan ko na ikakasal ka! Ikakasal a...