Natapos ang Gabi na puro kasiyahan ang nagaganap sa buong palasyo. Sino bang makapagsasabing party party naman pala dito? Hahaha!
Well I didn't get the chance to mingle with others. Nag-eenjoy kasi ako sa atensyon na nakukuha ko.
Lahat sila nakatingin sa akin yung iba nagbubulungan..
Trending lang ang peg ko dito.. ^.^ bwahahahaha! Love it.
----------
Ngayon ay maaga kaming bumangon dahil sa tunog ng kakaibang musika senyales na kailangan na naming lumabas sa aming mga kwarto.
Dito sa lugar na ito ay sabay sabay kaming kumakain.. May table custom.. Hahaha! Yay!
Kanya kanya kami ng ginagawa kasama ng aming mga faries. Napansin kong karamihan ay tahimik lamang sa kanilang pagkain yung iba naman ay nakahanap na ng kaibigan na makakasama sa buong taon.
Ako? Si Velinda lang at si Isabel ang kilala ko. Pero ayos na yun..
Pagkatapos kumain nagsitayuan na ang lahat at hudyat na ito para lumabas na kami at mag-ikot ikot sa buong kaharian.
Una akong pumunta sa napakagandang Hardin na nasa gitna.
Nakakarelax talaga kapag malapit kalang dito. Hay namiss ko tuloy bigla si nanay. Kamusta na Kaya siya? E si daddy? Nako! Pag nanchicks yun sisiguraduhin kong hindi na sisikatan ng araw yung babaeng yun. Noone can defeat my mom to my dad!
Maya maya pa ay umalis na ako at tinuloy ang paglibot.
Sa isang malawak na espasyo ay makikita ang maraming nakatayong kahoy na may malapad na tablang pabilog sa gitna
Na ginagamit sa pageensayo ng pana. Bow and arrow? Errrr! Creepy!
Umalis na ako at tinuloy ang paglalakad. Mayroon akong nakitang parihabang espasyo na pinageensayuhan ng pakikipaglaban ng espada.
Para sa inyong kaalaman.. Ang pag-aaralan namin lahat dito ay ang pakikipagdigmaan sa mga masasamang nilalang na nais paslangin ang aming pinunong si Zeus at Helen. Kaya ang tawag sa amin ay demi warriors na kung saan ito ang naging dahilan ng pagkamatay ng aking mommy.
Hay...
Moving on. Marami pang ibang parte ng lugar na ito ang pinagsasanayan ng lahat ng esdtudyante.
May lugar kung saan tinuturuan ng tamang paglipad, tamang paggamit ng mga elemento gaya ng apoy, tubig, hangin, at lupa. Mayroon pa ang pakikipaglaban gamit ang mismong lakas ng katawan, at iba pang instrumento na ginagamit sa pakikipagdigma.
Napagod na Kong maglakad Kaya naman huminto ako sa isang upuan ng katabing puno para magpahinga.
"All this shit is unbelievable" tamaaaa!!! Sabi ng babae sa gilid.
Napatingin ako sa direksyon ng babaeng nag-aalburuto magisa. USO loner dito pansin ko lang ha.
Perooooo.….
Shocks! Maganda din tong babaeng to ah. Kulay light brown ang kulot kulot nyang buhok na kasing tangkad ko lang marahil mapula ang kanyang labi at maputi ang kanyang mga kutis...
Nagtaka pa talaga ako ha. Mga demi nga kami ano ba? Our beauty is just as normal as how we all breathe.
"You're so right my dear! I feel you" sabi ko haha. Feeling close lang para masaya.
Pero imbes na sumagot lalo lang siyang sumimangot.. Edi ikaw na cute..
"Arghhh!! Do you know how upsetting this thing for me? There's no internet, no WiFi, no cool music, no selfies!" Pangaalburuto nya na lalong kinagulat ko. Akalain mo? That's exactly what I said before entering in this world.