Lelo's POV
Kahit kailan talaga palpak 'tong mga naiisip ni Shin. Ngayon ano pahiya kami sa buong school! HEADLINE!
Andito kami ngayon sa HQ namin nagpapalipas ng pagkapahiya moment namin kanina. Grabeh hinding hindi ko na uulitin 'yun ever at hindi na ako magtitiwala sa mga plano ni Shin! Utak ipis talaga!
Kaya ito si Athrun depress na depress eh paano naman ni hindi man lang nag atubili si Cagalli na sumigaw man lang na "Oh no, Athrun wag mong gagawin 'yan. Sige na sige na bati na tayo please wag ka lang magpapakamatay kailangan kita!" 'Yun oh, yun ang naiisip ko kanina edi sana happily ever after na kami.
Kung sa pelikula eh may kontrabida malamang sa totoong buhay din kung hindi lang sumulpot ang lalaking 'yun ang hilig kasing umeksena eh wala naman siya sa script na ginawa namin. Ang pinagtataka ko eh kailan lang namin siya nakita sa school na 'yun eh nakasama na agad niya sila Madi at Cagalli. Huwag mong sabihin nalupigan ang mga karisma namin. NO WAY!
"Si Lelo kasi nawala sa concentration niya kanina. Eh paano naman kasi matagal nang hindi nakakapag gym kaya 'yan lalamya lamya yung mga muscles niya kanina. Ang ganda na nun eh sinira mo kasi!"
"Pwede ba Shin sa simula pa lang palpak na talaga yang plano mo ang mali namin ba't ba kasi sinubukan! Teka, Kira ano bang nangyari sa baba hah! Nagawa mo ba 'yung pinagawa namin sa'yo kanina?"
"Aaahhh..'yun ba oo naman. Ahum! "mukhang magpapakamatay ata" ang dali namang sabihin nun eh."
"Ano?! 'Yun lang wala bang "saklolo 'yung kaibigan ko magpapakamatay tulungan niyo siya Cagalli patawarin mo na kasi" sana man lang ginalingan mo yung pag acting. Eh nang dahil pala sa'yo eh ayan pumalpak yung plano ko."
"Sa totoo lang hindi mapagkakatiwalaang tao yung kasama nila kanina. Sa tingin ko nasa panganib si Cagalli."
"Cagalli..."
"Sa tingin ko Athrun, kailangan mong siyang protektahan."
"Oo sa unang tingin pa lang kumukulo na ang dugo ko sa kaniya. Nang makita ko silang magkausap ni Madison na e intriga na ako sa identity ng lalaking 'yun. Tama Ryan ang pangalan niya"
"Bakit, anong relasyon ng dalawa?"
"Ex boyfriend ata niya. Hey! Athrun anong plano mo?"
"Wala. Napapagod na din ako."
"Marunong ka rin pa lang mapagod bro. Sabagay kahit sino naman marunong mapagod hindi ba. Better luck next time na lang isipin mo na lang kung paano mo mailalayo si Cagalli doon sa new found friend niya."
"Athrun, sa tingin ko kailangan mong gumawa ng paraan na maibalik sa dati ang nawalang pagtitiwala sa'yo ni Cagalli."
"Pero paano?"
"Ikaw lang ang nakaka alam ng sagot. Kung habang buhay ka na lang uupo at pagmamasdan siya sa malayo malamang mawawala na siya sa'yo."
Nagsalita ang mahilig umupo. Eh siya nga natitiis niyang hanggang bestfriend lang ang turingan nila sa isa't isa eh halata namang mahal na mahal na niya yun hindi lang maamin. Nahihiya kasi.
Napabuntong hininga na lang kami. Imagine babae ang problema namin hhhyy..naku ito na ba kaya yung tinatawag nilang karma. Masakit sa ulo.
"Oh ano nang plano? Athrun?!" Hindi ko maiwasang mag alala sa kaibigan namin ngayon ko lang siyang nakita na nagkaka ganyan.
"Hindi ko alam. Mababaliw na ako sa kaka isip."
"Madali lang naman yang solusyon mo!"
Welcome Again Guys! Sa Kira Yamato Love Advice Segment sige nga this time ano kayang matinong advice ang ibibigay niya sa atin ngayon.
BINABASA MO ANG
Ice Queen
Подростковая литератураMeet Madison Li, the ICE QUEEN of Serille University; a cold, heartless, ruthless and apathetic gal. She seems like a living doll with a very cold heart. Yet, no one knows the pain that this young lady is going through. Will a notorious playboy phot...