Chapter 2 Another Cinderella Story

85 0 0
                                    

“MmAaaaDddiIIssssOOOooNNnnn…!!!” hhhyyy…umagang-umaga sirena ng bunganga ni Mama ang bumubulabog sa bahay. Hindi ba nila maintindihan ang salitang pagod. PAGOD?!Huh!Kailan ko pa naramdaman ‘yun. Ni wala nga ‘yun sa dictionary ko. Bata pa lang ako ang role ko sa bahay na’to ay hindi magpa cute at maging spoiled brat kung hindi alila. Nagpapaka alila sa sarili kong pamilya since birth. Hindi ko nga maalala kung paano ‘ko napaliguan ang sarili ko ni palitan ng lampin nung months old pa lang ako. Hindi ko nga na experience nae breastfeed ng nanay ko. Kaya prone na ang katawan ko sa pagba banat ng buto. Ni minsan hindi ko man naramdaman na parte ako ng pamilyang ito.

Ano expected niyo sa akin, mag mukmok? Mag emote? Mag wala at umiyak sa isang sulok? Mag drama na parang si Vilma Santos? Huh! Hindi na ako ang iyaking Madi lahat ng luha nailabas ko na at isinirado ng tuluyan ang aking tear ducts at stupid emotions, tinapon ko na sa ibang galaxy. Ako si Madison Li, walang puso at kaluluwa. Ni binigyan nga ako ng title sa dati kong school, ICE QUEEN.

“Madison Li! Kanina pa kita tinatawag. Anong oras na nagugutom na kami. Hanggang anong oras mo balak tumihaya diyan aba bumangon ka na at marami ka pang gagawin. Bilis!”

No comment na lang ako dahil sayang ang laway at salita na ipupuhunan ko sa makitid nilang atay. Wala nang hila hilamos, mumog o suklay man lamang diretso na ako sa pangalawang tirahan ko ang KUSINA slash DINING AREA slash DISHWASHING AREA slash LAUNDRY AREA. Hhhyy..sila na itong magiting na karamay ko sa loob ng labing-walong taon.

At ang magagaling kong kambal. Oo may kapatid ako at ayun mga self conscious sa makakapal nilang mukha. Wala namang igaganda ang mga pangit nilang mukha. Ang sama kong ate noh?! Matagal na! Si Natalie in short Nata may kung anong plastic ang nakalagay sa mukha niya. At si Natalia aka Coco ‘yung nail polish ang inaatupag. I’m so proud with my Nata de Coco duo ang sisipag manang mana sa mahadira kong mga magulang. At ito na po inihanda ko na ang royal breakfast para sa feeling royal family ko.

“Aaahhh…Madi na plantsa mo ba ‘yung uniform ko?” kahit kailan malandi talaga yung tono ng boses ni Nata. Kung naging lalaki man ako di ko iisiping patulan ‘yan. Kadiri.

“Hhmmnn..” it means OO alam na nila ‘yun

“Eh Madi yung mga underwears ko nalabhan mo?” ka dalagang tao ni hindi marunong mag laba ng sarili niyang undies. Eh kasi naman po yung magaling kong ina hindi sila pinapalaba dapat daw mala porselana ang dalawang ‘to ipapabugaw kasi sa mga mayayamang lalaki. Trying hard po kasi sila.

Sa mga magtatanong kung mayroon man bakit hindi Ate ang tawag nang kambal kahit mahigit isang taon lang ang tanda ko sa kanila kasi…

“di ko alam!itanong niyo sa kanila!” kaya nga sa utak ko hindi ko sila nire respeto kasi hindi naman rin nila ako nire respeto.

Nagsimula na po kaming kumain este sila lang pala others kasi. Tira tira lang ‘yung akin. Feeling rich nga kami diba.

“Madi, kape!”

“Madi, spoon and fork nga!”

“Madi, ayoko ng omelet, sunny side up gusto ko!”

“Madi, paki palaman nga ‘to!”

“Madi, medyas ko!”

“Madi, sapatos ko!”

“Madi, yung contact lense ko!”

“Madi, yung lipstick ko!”

“Madi, yung suklay!”

“Madi, yung necktie at belt ko!”

“Madi!”

“MADI!”

“MADI!”

“MADI!”

Blaaggg!!!

Hhyy..I’ve finally reached heaven for peace sake. Everyday routines ko na ‘yan di pa ko nakakapag almusal niyan partida. At wala na akong sinayang na oras back to work na nang maka layas ng maaga. Pagkatapos kong kumain, nag hugas naman ako. Pagkatapos, magsa saing at magluluto ng ulam para mamayang gabi. Habang hindi pa naluluto at kumukulo, magwa walis at magpu punas naman ako. Sala to kwarto ng mga bruha na parang isang taong hindi nalinisan eh araw araw ko naman tong nililinisan. At sa kwarto naman nila Mama grabeh mas worst pa. ‘Yung kwarto ko, aayyy..malinis pa ‘yun. At hangang sa wakas nakarating na ‘ko sa kusina. Wwooaahhh!!! nag punas na ako ng pawis. Inipon ko na lahat ng mga lalabhan ko at nang maiba babad at titirahan ko naman mamayang gabi. Huwag niyo nang itanong kung natutulog pa ba ako dahil may lahi akong bampira. Makapag relax nga ng kunti. Di ako PAGOD magre relax lang iba ‘yun. Aaahhh tutal 1pm pa naman ang start ng klase ko anong oras na ba aahhmm…10:05 hala! Mirmo de Pon na pala. Stress reliever ko sila. Oo masyado akong bata para diyan pero di niyo naman ako masisisi kung ito yung paborito kong panoorin dahil matagal na sa akin ipinagkait ang pagka bata. Hhyy..sana totoo yung mga muglaux na pwede nila akong tulungan to fulfill all my dreams. Para naman may makaramay at maka usap man lang ako.

(-.-)zzZZzzzzzZZZzzzzzzzzzzz

Plak! Blink! Blink! Yawn…

Hala! Nakatulog ako sa sobrang relax anong oras na ba…11:17 makapag handa na nga nang masimulan ang unang araw ko sa Serille University. Bagong transferee ako dun kasi gusto kong malayo sa mga kambal. Kahit na exclusively for upper society lang ‘yun alam ko doon ko makakamit yung dream kong maging singer at pianist. Maging globally known Broadway singer. Tutal ako naman ang tumotustos sa mga needs ko as in LAHAT NG NEEDS KO. Part time singer ako at sa H20 bar na ang mga raket ko. Dapat lang na e invest ko lahat ng kinikita ko sa isang magandang school. Para talagang ma secure ‘yung future ko. Tama na ang ka dramahan hindi bagay sa akin. Bitter ako! Mala Yelo pa ang aura. Ano? Kaya niyo kayang gibain?!

Sniff! Sniff! Huhuhu :’c Madison Li, FIGHTING!!!

What can you say about Madison Li? Kung kayo yung nasa kalagayan niya anong gagawin mo?

Type it up minna! I really want to know your perception about her.

Thank You

Xoxo SakuraLi

Ice QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon