Chapter 10 I am beautiful: the sweetest revenge 2

57 0 0
                                    

Nasaan na kaya si Ice Queen. Thanks to her at nag bago ang buhay ko dito sa Serille. Mas naging exciting at challenging. Aba bored na bored na ako sa mga mala flappy bird dito sa school. Uunahan ko na kayo baka sinasabi niyong stalker ako at hindi bagay sa akin. Naman dapat sila itong ini stalk ako wala lang wala akong magawa ngayong araw na ito. Sabihin na nating nami miss ko lang yung presensiya niya yung pagma maldita sa akin nakaka intimidate kasi. Sa history ng buhay ko wala pang nakagawa nun. Atsaka na miss ko rin yun boses niya. Naku pag nakita nila Athrun na ganito ang estado ng araw ko ngayon siguradong pagtatawanan nila ako kaya nga inoff ko lang yung cellphone ko. Pikon nga ako diba!

Bingo! Nakita ko na siya. Wow! Ang ganda talaga niya kakaiba yung ganda niya sa mga flappy bird dito. Maganda pa ata sa nanay ko. Nakadagdag pa sa ganda eh yung scene para siyang model na rela relax na nakasandal sa isang puno habang sumasayaw yung mga dahon. Lalapit sana ako nang biglang…

Teka may intruder. Sino siya? Teka teka may mali ba’t niya niyayakap si Madison. Aba akalain mo ‘yun may naloko pala siya. Mukhang seryoso ang pinag uusapan nila. Gwapo ako alam ko ‘yun kaso hindi ako pinalaking chismoso at pakiilamero. Kahit na kating kati na akong malaman ang pinag uusapan hindi talaga pwede baka isipin ng babaeng yan na dakilang stalker niya ako. Ang ganda naman niya masyado kung mangyari yun. Hahahaha ^_^v

Finally! after 123456789 minutes natapos din ang usapan nila aba napasarap ata mini reunion nila siguro. Hindi kaya boyfriend niya ‘to o kaya naman ex tapos yung lalaki gustong makipagbalikan sa kaniya. Ganun nga! Hahahah napakatalino ko talaga. Lumapit na ako akala ko nga mararamdaman niya ang presensiya ko parati kasing naka on yung maldita radar niya eh. Nung nasa likod na niya ako…HIMALA hindi niya ako napansin naka off siguro o na lowbat. Nang biglang

“Ryan…”

Aaaahhh..Ryan pala yung name ng guy. Nasaktan siguro sila sa breakup nila. Poker face kasi hindi mo malaman kung natutuwa ba siya sa pagiging single niya o nanghihinayang na hiwalay na sila.

“Sinong Ryan?”

“Ay! Kalabaw!” Hahahha nagulat grabeh YES! akala ko walang alam na facial expression to eh.

“Ang cute naman ng endearment mo sa akin kalabaw? Kung ako si kalabaw ikaw naman kambing. Poker face kasi yun eh gaya mo. Right Meeehhh..!!!” Pwede na rin diba?

“Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba nandiyan?” Oh! Ba’t parang nalunok niya yung dila niya. Masyado ba talagang seryoso yung napag usapan nila at hindi pwedeng malaman ng iba. Tsk! Sana lumapit pa ako at nagtago. Sayang. Narinig ko sana yung mga farewell dialogues nila.

“Aaahhhmm..well sabihin na nating kanina pa. Kanina pang naka masid sa inyo. Mukhang seryoso pinag uusapan niyo kanina. Ex mo?”

“Paano kung sabihin kong Oo. At gusto niyang makipagbalikan. May magagawa ka ba Lelouch Lamperouge?” Aba ako pa hinamon niya makikita mo!

“Naalala mo pala ang pangalan ko. Impressive. Meaning crush mo ako. Oo cause I can move heaven and earth with just one snap!” Yun! Oh! hahahahha

“Sige nga gawin mo I dare you! Kung magawa mo ‘yun makikipag date ako sa’yo!” Blag! Sino bang nagpauso ng linyang yan at papatayin ko imposible nga namang mangyari yun. Ang tanga ko rin naman sana lamesa at upuan na lang ang nasabi ko madali pa oh see mai e date ko na siya. Naman oh.

Ice QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon