Chapter 6 The Goddess of War meets the Ice Queen

51 0 0
                                    

Cagalli’s POV

Ito ako ngayon mahigit isang linggo nang nagmo mukmok sa kwarto ko. Ni walang ligo ligo ni toothbrush wala yakap yakap ko lang ‘tong piglet bear ko named “SPRINGETTI” cute noh! Nag e emote ba ako, siguro. At ano tong ini emote ko marami. At isa na dun yung pag papahiya sa akin ni Athrun.

Si Athrun ba talaga yung may kasalanan? Baklang bakla kasi sa sarili ni hindi man lang kami inawat nang oh so trying hard na flavor of the day niya. Palibhasa second place na lang kasi kaya ini ingat ingatan yung spot niya.

Panu mo nalaman? Aahhh yun ba madali lang ini stalk ko. HUWAT delete delete ahem! hindi aaahh syempre mortal enemy ko yun since birth ina alam ko yung mga nakatagong information niya naku kailangan may mga weapons akong dala noh mahirap na hehe ^_^v

Teka inawat naman kayo ni Athrun ikaw nga agad yung unang nilapitan kaso naitulak siya nang mga bodyguards mo? Really konsensiya kaya pala may oh there something akong na feel sa likuran ko a very warm scent kinilig nga ako bigla. Inawat ba naku mapapatay ko yung bodyguard na ‘yun moment ko yun eh sinira pa.

Umamin ka na sa mga readers may crush ka kay Athrun diba? Oo na matagal ko na siyang crush at sa tingin ko mahal ko na siya. Childhood friends’ nga kami at siya itong nag regalo sa akin nitong SPRINGETTI ko. Kaso nagbago yung relationship namin nung nag decide silang mag migrate sa Plants, first major heartbreak ko yun. Wala na akong inspiration ni I’m not acting  and doing my responsibility as the Princess of Orb eh kasi wala dito yung prince ko. At nung bumalik siya ang laki na nang pinagbago niya.

5 years ago…(Cagalli 13 years old)

Pinaghandaan ko ang araw na ‘yun halos hindi ako maka tulog grabeh all out yung preparations ko. Sa wakas mahigit 10 years kong pag aantay at dinarasal na dumating ang araw na ito na muli kaming magkita. Excited na kinakabahan ako. Sigurado akong mas gwapo at maginoo na siya ngayon.

At dumating na nga ang pinaka hihintay ko Athrun na miss talaga kita.

“Princess are you okay?” tanong ni papa. Hindi kasi ako mapakali ano kayang ini expect sa akin ni Athrun.

“Yes, papa I’m okay and kinda excited and nervous. Can’t wait to see Tita Leonore.” Palusot ko hindi ko pwedeng sabihin na si Athrun yung inaabangan ko baka asarin pa ko nakakahiya.

“She misses you to princess. I’m sure si Athrun ganun din.”

“Really. Can’t wait ang tagal naman ata nila.”

“Your Lord Uzumi andito na po sila Mr. Zala.”

Dug dug dug dug naku heart wag ka munang mag palpitate nang mabilis hindi pwedeng masira ang moment na ‘to mamaya ka na mag react pwede.

At nang makita ko na sila, ang attention ko ay nasa iisang tao lang. Ang inasam kong makita nang halos sampung taon nasa harapan ko na ni hindi ako makapag salita. Kaya mo ‘to Cagalli. Aja!

“aaahhhh. Athrun welcome back!”

“Thanks. Cagalli right?! Nice to see you again.”

Ice QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon