Chapter 6 =Dedicated=

38 7 0
                                    

Nagpunta na sila sa backstage para mag ready na. Pero si Jet parang wala pa rin sa sarili at iisang tao lang ang dahilan ng pagkaka ganun niya.

Walang iba kundi si Tina. Nag aayos na ang mga kasama niya siya natulala pa rin. hanggang sa batukan na siya ni Liz.

"Aray naman!" galit na tumingin siya kay Liz "Bakit ba??"

"Anong bakit ba?? kanina ka pa nakatulala diyan aakyat na tayo sa stage!" galit na sabi ni Liz

"Aakyat na ba?" takang tanong niya, wala naman kasi siyang narinig eh

"Ai hindi, dito lang tayo hanggang mamaya, di na tayo tutugtog" masungit na sagot ni Liz

"Eto naman palagi nalang high blood."

"Umayos ka na nga! kainis to. hmf!" pagkasabi niya nun eh iniwan na ko

Narinig naming nag salit yung MC at pinaakyat na kami.

Sobrang tahimik sa labas at parang inaantay kaming lumabas.

Nakakakaba ang sobrang katahimikan.

"Okay guys! let's give everything we've got! Wag matense at kabahan. Enjoy the music" pagpapalakas ng loob samin ni Liz

Naunang umakyat si Kent at rinig na ang sigawan ng mga tao especially ang mga girls.

Di talaga kami banda actually, katuwaan lang to.

Nagkataon lang na parepareho kaming mahihilig tumugtog.

Wala din kaming balak sumali sa mga ganito, pinilit lang kami na tumugtog dito since kilala kami sa school pag dating sa pag tugtog.

Nakaakyat na kaming lahat sa stage at rindi na ang tenga ko sa lakas ng hiyawan at sigawan ng mga estudyante.

May mga kumukuha ng picture, sumisigaw ng pakiss, pwede bang maidate si Liz. haha. kung alam lang nila ang mala tigreng ugali ni Liz.

Lumapit samin yung MC at tinanong kami isa isa kung anong pangalan namin.

Unang tinanong si Kent, tinanong din siya kung single siya, ang sabi niya "It's complicated" may mga napa awwww at napasigaw ng 'kami single!tayo nalang!.'

Pero sa pagkaka alam ko walang nililigawan o idinidate ni Kent ngayon, panong naging it's complicated?

Sumunod si Josh, same question, at ang sagot niya "I'm not sure" ano ba namang sagot yun?? napatingin ako kay Liz na titig na titig kay Josh.. haayyyy..

Sumunod na tinanong si Liz at ang sagot "I'm in love" nagsigawan ang mga estudyante at kitang kita ang gulat sa mukha ni Josh.

Kahit kami nagulat dahil di namin inaasahan ang sagot niya.

Tinanong siya kung anong name ni lucky guy, pero ngiti lang ang sagot ni Liz.

And lastly ay ako, same question, at ang sagot ko "I'm single but not availelable.I met this interesting girl with fierce personality" at sa iisang tao lang nakatutok ang tingin niya habang sinasabi ang mga katagang yun "And this song is for her" nagsigawan na ang mga students dun at pilit tinatanong kung sino siya pero nag umpisa na kaming tumugtog

[N/P: Kidnap My Heart - The Click Five]

You and Only You [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon