Chapter 5 =The Play=

80 8 2
                                    

--Tina POV--

Pag gising ko grabeng sakit ng katawan ang nararamdaman ko. Walang hiya talaga yung Freak na yun!

Pinatakbo ako ng pagkalayo layo dahil lang hinahabol siya ng babaeng nabuntis niya! Grrr!

Wala siyang galang sa mga babae! pagkatapos niyang makuha ang gusto niya tatakbuhan nalang niya at iiwanan. Wala siyang puso! Dapat sa mga tulad niya sinusunog sa luneta! hmf!

Makaligo na nga, nasisira ang beauty ko sa lalaking yun!

Pagpasok ko marami ng tao sa paligid at may mga booth na rin ang naka tayo.

Tumingin tingin muna ko bago pumunta sa Program hall. Maya maya lang ay tutugtog ang banda namin para sa pasimula ng program. Excited na ko!

Pero... may inimbitahan nga pala silang tumugtog na iba galing sa ibang school. Bakit parang may masama akong pakiramdam sa mangyayari?

Nang makarating ako Hall nakita kong nag seset up na sila Tom. Umakyat na ko para matulungan ko na sila.

"Hi, Tina!" bati sakin ni Jeric

"Oh Tina andyan ka na pala" kinawayan naman ako ni Tom

"You're late!" masungit na sita sakin ni Becca

"Sorry Guys." nag peace sign nalang ako sa kanila

"Whatever!" haayyy ang sungit talaga nitong si Becca -_-

"Ms. Villarial" tawag sakin ni Ms. Crus sakin

"Yes, Ms.?" lumapit ako sa kanya para mas magkaintindihan kami, medyo maingay na kasi dito sa hall.

"In less than 5mins. maguumpisa na tayo, so be ready. Ok?" tumango na lang ako at sinabihan sila Jeric na maghanda na dahil malapit ng mag umpisa.

Habang naghahanda kami parami na ng parami ang pumapasok sa hall, kinakabahan na excited na ewan ang nararamdaman ko.

Nakita ko ng pumasok si Sofy sa hall, lagot ka sakin mamaya. Hmp!

Si Gia kaya? dapat pumunta siya kundi lagot siya sakin!

"Tina mag ayos na tayo mag uumpisa na daw" hinatak na ko ni Becca sa backstage para makapag palit na ng damit at makapag make up.

After awhile umakyat na si Linus sa stage para umpisahan ang program. Siya ang palaging MC dahil magaling siyang mag salita at nakakaaliw.

"Hi People! How are you today?" maarteng tanong ni Linus, yung mga students naman pasigaw na sumagot.

"Ayyyy ang hina.. I can't hear you, buhay pa ba tayo??!!" pasigaw na tanong ni Linus

"YEAH!!!"

"That's more like it! so, sino ang gustong marinig na tumugtog ang bandang bLackDiamond??"

Nagsigawan na ang mga students at isinisigaw nila ang pangalan ng banda namin.

"Ai excited! kaso di sila tutugtog ngayon eh... sorry"

"Awwww" lumungkot yung mga face nila. Grabeng mang trip nitong si Linus!

"Joke! haha! kala niyo ah. Syempre di mawawala ang banda natin, so di ko na patatagalin, let's give it up to the bLackDiamond!"

Sobrang lakas ng sigawan at palakpakan nila, lalo na ng lumabas sila Tom and Jeric haayyy Girls!

You and Only You [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon