Matagal tagal din akong di nakapag update.
Sana magustuhan niyo ang update na ito :D
Leave your comment below :)
Vote and be a Fan! :D :D :D
eMs [TheTrueBloodPrincess] loves you all!
****************************************************************************************
After ng date namin ni Tina, mas lalo ko siyang nagustuhan.
Pero bakit ganun?
Sa tuwing titingin ako sa mga mata niya.
Si Sky ang naalala ko.
Pakiramdam ko ang sama sama ko.
Si Tina ang kasama ko, pero si Sky ang naiisip ko.
Parang nagiging unfair naman ako.
May pakakahawig kasi ang mga mata nila.
Ang kislap ng mga mata nila pag naka ngiti at tumatawa.
Dati pag nakikita ko ang ngiti ni Sky, may parang tumadyak sa dibdib ko, at hindi ako makahinga.
Ngayon nararamdaman ko yun kay Tina.
Ayokong ikompara silang dalawa, dahil alam kong magka iba sila.
Pero bakit ganun? pakiramdam ko pag kasama ko si Tina, parang nasa paligid ko lng si Sky?
Sana makita ko na siya ulit, para maka move on na ko..
Hanggang ngayon, masayang masaya pa rin ang pakiramdam ko.
Ang naging "date" namin ni Jet ang isa sa masasayang pangyayari sa buhay ko.
Pag kasama ko siya parang safe ako.
Parang kahit anong mangyari poprotektahan niya ko.
Na walang mangyayaring masama sakin, na ipagtatanggol niya ako kahit kanino.
Masamang isipin, pero naalala ko sa kanya ang Hero ko noon.
Ang tanging lalaking tumulong sakin nung mga panahong binubully ako.
Yung tanging lalaki na ipinag tanggol ako kahit di naman ako kilala.
Yung lalaking nag bigay ng lakas ng loob sakin na lumaban.
Alam ko na hindi dapat ganito ang maramdaman ko.
Magkaiba silang dalawa,
pero....
nararamdaman ko kay Jet ang kapanatagan
na tanging ang lalaking yun lamang ang nakapag bigay sakin.
Naiisip ko tuloy, kamusta na kaya siya?
Di ko na maalala yung mukha niya matagal na kasi yun.
Hinanap ko siya, pero para siyang bula na bigla nalang naglaho.
Totoo ba siya? o baka naman Gurdian angel ko siya kaya siya biglang nawala..
Sana kahit sa huling pagkakataon, makita ko siya..
Pababa na sana ako para sana kumuha ng makakain
ng bigla akong mahilo at manlabo ang paningin ko.
Buti nalang nakahawak ako agad sa hagdan
kung hindi baka nahulog na ko
ang taas pa naman ng hagdan namin..
Lately napapadalas ang pagkahilo ko
ang malala pa, kasabay ng pagkahilo ko ang biglang panlalabo ng paningin ko.
Siguro sa stress at pagod.
Kulang na din kasi ako ng tulog..
"Hija? ok ka lang ba??" napalingon ako kay yaya na agad akong inalalayan
"Ok lang ako ya" nginitian ko siya at umastang wala lang para di siya mag alala
"Dapat ata..--"
"Wala lang to ya, kulang lang ako sa tulog. Ano palang merienda natin?"
Diretcho na kong bumaba at nag punta ng kusina.
Di ko na pinatapos magsalita pa si yaya.
Alam ko naman kasi na igigiit na naman niya na magpa tingin ako sa doctor.
Ayoko.
Marinig ko palang ang "Doctor" kinakabahan na ko.
Ok lang naman ako.
Wala lang to, pagod lang at kulang sa tulog.
Yun lang yun.
PERIOD!
#NEW YORK#
"How's may Angel?"
"She's okay, but.. she's different. She become distant. She doesn't even want to talk to me."
"She's hurt and feel betrayed." naiiyak na sabi niya
"I know. Nasasaktan din ako para sa kanya. This is too much for our baby." umiiyak na kometo ng kanyang asawa
"Mas masasaktan siya pag nalaman niya ang totoo.
Alam mong mahal na mahal ko siya, ayokong makitang nasasaktan siya para sakin.
Mas gugustuhin kong magalit siya sakin matatanggap ko yun."
Tinignan niya ang kanyang asawa at pinahid ang tumulong luha
"You need to go back. She needs you"
"Pero pano ka? sabihin na kaya natin sa kanya ang totoo?"
"Para ano?? para saktan lang siya?? NO! hayaan mo ng wala siyang alam.
Kaya ko ng mag isa. Mas kailangan ka niya."
tinitigan niya ng matagal ang kanyang asawa sabay sabing
"Sabihin mo patay na ko, para hindi na niya ko hanapin..."
BINABASA MO ANG
You and Only You [ONGOING]
Novela JuvenilNaranasan niyo na bang mag mahal at lokohin? Ang umasa at mabigo? Ang maging tanga dahil sa lecheng pag-ibig na yan? Ang maniwala na may isang Prince Charming na nakatadhana para satin? Na may taong makapagpapasaya satin at magmamahal ng kagaya ng p...