Ang sarap talagang mag lakad lakad sa umaga.
Healthy na, enjoy pa.
Matagal tagal ko ng di nagagawa to dahil sa dami ng ginagawa ko.
Nakaka miss ang ganito, ang mag lakad.
Naka rating ako sa park ng di ko namamalayan.
Umupo ako sa favorite spot namin ni daddy.
Doon kami madalas umupo at humiga pag nagpupunta kami dito sa park.
Dati rati si Dad ang kasama kong maglakad lakad. Namamasyal kaming dalawa lang.
Ang lagi naming sinasabi kay Mommy noon, date namin yun kaya di siya pwedeng sumama.
Minsan nga nag tatampo na siya dahil lagi nalang daw akong maka daddy.
Kay Daddy kasi nasasabi ko lahat kahit ano.
Lagi siyang ready to listen, kahit minsan mga imagination ko na ang mga sinasabi ko nakikinig pa rin siya.
Sinasakyan niya lahat ng jokes ko, kahit corny ok lang sa kanya.
Kahit daw narinig na niya yun pero pag ako ang nag sabi ibang iba daw ang impact, nakaka tawa daw talaga.
I'm his Princess and he is my King.
I'm his Angel and he is my Protector.
Anuman ang dahilan niya sa di niya pag balik, iintindihin ko siya.
Aantayin ko pa rin siya, Pag nag promise si Dad siguradong tutuparin niya yun.
Nagulat nalang ako ng may mag abot sakin ng panyo.
"Naglalakad lakad ako ng makita kita dito." Si freak pala..
Imbes na abutin yung panyo tinitigan ko lang.
Kaya laking gulat ko ng siya mismo ang mag punas ng luha ko.
"Matagal ka bang naglakad lakad kaya puno ka ng pawis?" tanong niya sakin habang pinupunasan ang mukha ko.
"Ako na. Kaya ko naman eh" tinulak ko yung kamay niya
"Wag ng makulit, ako na." pinunasan niya ko ulit, di ko na tinangka pang bawalan wala din naman kasing mangyayari eh.
Nagpapasalamat nalang din ako dahil di na siya nagtanong pa.
Halatang luha yung nasa mata ko pero binigyan niya ako ng excuse na sabihing pawis lang yun.
Minsan talaga di ko maiwasang di maiyak pag naaalala ko si Dad eh.
"Ano palang ginagawa mo dito? Hindi ka naman naka tira sa lugar na to ah.." nakakapag taka naman ang layo ng bahay nila tapos dito pupunta para maglakad lakad?
"Dinalaw ko yung tita ko na malapit lang dito" tinignan ko siya. para kasing nag sisinungaling siya.
"Oh ba't ganyan ka maka tingin??" tanong niya sakin
Tinignan ko lang siya habang naka taas ang kilay ko.
"What?" tanong niya ulit
"Nag sisinungaling ka"
BINABASA MO ANG
You and Only You [ONGOING]
Teen FictionNaranasan niyo na bang mag mahal at lokohin? Ang umasa at mabigo? Ang maging tanga dahil sa lecheng pag-ibig na yan? Ang maniwala na may isang Prince Charming na nakatadhana para satin? Na may taong makapagpapasaya satin at magmamahal ng kagaya ng p...