Chapter 10 =Hatred=

28 5 1
                                    

Papasok na ko ng bahay galing school.

Dala ko pa ang bulaklak na galing kay Jet  ^_^

Ng matigilan ako.

"May bisita ba?" taka kong tanong

May kotse kasi na nakaparada sa harap ng bahay.

tumuloy na kong maglakad papasok ng bahay.

"Yaya?" tawag ko kay yaya para sana magtanong ng makita kong may babae sa sala.

Pero di ko makita ang mukha niya since nakatalikod siya saken.

Pero sa tingi ko nasa mid forties na siya..

Naramdaman siguro niya na may tao sa likod niya kaya dahan dahan siyang humarap.

Laking gulat ko ng makita ko ang mukha niya.

"Nakuha mo na pala ang bulaklak na pinadala ko"

Naguluhan ako sabay tingin sa hawak kong bulaklak.

"Alam ko na paborito mo ang bulaklak na yan, kaya sinigurado ko na mabili yan bago ako dumiretso dito." malumanay niyang sabi habang nakatitig sa akin

Dahan dahan siyang lumakad palapit sakin habang ako naman ay umaatras.

Litong lito at gulong gulo ang isip ko.

Bakit?

Bakit siya nag balik?

Sa pagkaka alam ko, wala na siyang balak bumalik dahil may ibang pamilya na siya.

Ayon na rin sa kanya.

"anak" hahawakan niya sana ako ng tabigin ko ang kamay niya.

"Wag mo kong hawakan at lalong lalo ng wag mo kong tawaging anak" malumanay pero may diin kong sabi habang hindi tumitingin sa kanya.

"Pero.. anak-"

"Matagal na kong walang ina, matagal na kong walang magulang. Kaya kung pwede sana tigilan mo na ang katatawag sakin ng anak." ayoko, ayokong umiyak. Hindi ako iiyak! hindi ako papaapekto sa mga luha niya! at lalong lalo na.. hindi ako nasasaktan!!

"alam kong malaki ang naging kasalanan namin ng daddy mo, pero--"

"oh please, cut the drama will you? bakit ka nag balik? what do you want?"

"Gusto kitang makita. Gusto kong bumawi sa lahat ng pag kukulang ko sayo."

"huh, bumawi? nagpapatawa ka ba? after all this years, ngayon ka lang nagpakita."

"I'm sorry--"

humarap ako sa kanya at tinitigan siya sa mata

"Sorry?? May magagawa ba ang sorry mo? Why? Why now? Bakit ngayon lang kung kelan hindi na kita kailngan!" galit kong sigaw sa kanya

Sorry? that's bullshit!

They left me, all alone.

naglakad ako palapit sa family picture namin.

Masaya masaya kami sa larawang yun.

Ngumiti ako na puno ng pait.

"Hindi ka na dapat bumalik."

"hindi ka na dapat nagpakita pa."

"Alam kong galit na galit ka samin ng Daddy mo, but believe me Angel--"

You and Only You [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon