Chapter 8 =This is not a DATE!=

41 7 0
                                    

Dahil sa nangyari the other day, mas lalo kaming naging close ni Tina.

Halos pareho pala kami ng pinagdaanan.

Kaya siguro bagay kami. v^_^

Kung ano ano pa ang napag kwentuhan namin at mas nakilala ko siya.

She's not that maldita pala, sobrang bait pala niya.

Ng mag tatanghalian na, nag aya ng siyang umuwi kaya hinatid ko na siya.

Pero dahil gutom na gutom na daw siya dumaan na kami sa fast food.

At ang isa sa nagustuhan ko sa kanya, di siya maarte.

Malakas kumain na hindi man lang inaalala ang figure niya at baka manaba.

Di rin nag aalala na baka mukha na siya busabos dahil sa pawis at kung pano nalang itinali ang buhok.

Basta kain lang ng kain, she ate with gusto kaya pati ako nahawa na at naparami rin ang pagkain.

After naming kumain ay inihatid ko na siya sa kanila.

Ininvite naman niya kong manuod ng gig nila and I said yes.

Another day with her again!

Now, andito lang ako sa room at hinahanap yung binili kong book ng matabig ko yung box na nasa side table.

"Haaayyyy ano ba yan! kung kelan naman may hinahanap! Haist!"

Yumuko ako para pulutin yung mga nagkalat ng gamit galing sa box ng matigilan ako.

Pinulot ko yung box na maliit at binuksan.

Ang necklace na ibinigay sakin ilang taon na ang nakakaraan.

Napangiti ako ng maalala ko ang babaeng wala na atang ginawa kundi tanggapin ang lahat ng panlalait at pambubully ng ibang tao.

Pero siya ring unang babaeng nagpatibok ng puso ko.

Simple at walang kaarte arte sa katawan.

Palagi ko lang siyang tinatanaw noon sa malayo dahil wala akong lakas ng loob na lapitan siya..

Ni hindi ko nalaman ang buong pangalan niya, tanging ang palayaw lamang niya ang nalaman ko.

Si Sky, ang babaeng hanggang ngayon ay malakas pa rin ang impact sakin.

Ang babaeng naka brace at naka salamin pero para sakin ang nag iisang maganda sa school na yun..

You and Only You [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon