Chapter 3 =The Band=

102 7 3
                                    

-- Tina POV--

Wala akong ganang pumasok ngayon, masama ang pakiramdam ko.

Madalas nahihilo ako at masakit ang ulo ko. Pero tingin ko dahil lang sa stress ako.

Ikaw ba naman ang lumaking walang nanay at tatay sa tabi mo diba?

Puro negosyo ang pinagkaka abalahan nila, nakalimutan na nilang may anak silang iniwan dito sa Pilipinas.

Minsan naiinggit din ako kay Gia, meron siyang mapag mahal na mga magulang at kapatid.

Laging andyan pag kailangan niya, laging naka suporta.

Ako? wala, lagi na lang akong mag isa.

I somehow used to it, iniisip ko nalang na wala na akong mga magulang.

Ganun din naman kasi, para na din akong ulila eh.

Buti na lang andyan si Yaya Lita. Pati na din yung dalawa kong may saltik na bestfriend.

Dahil kung wala sila, hindi ko na alam kung anong nangyari saken.

*TOK TOK*  narinig kong may kumatok sa pinto ko. Baka si yaya lang yan.

"Pasok, bukas yan" sabi ko ng hindi tumatayo sa pagkaka higa ko

Narinig kong bumukas yung pinto pero hindi na ako nag abala pang tignan kong sino yung pumasok.

"So talagang wala kang balak pumasok??" napa tingin ako sa mataray na nag salita. Nakita ko si Sofy at Gia na nakatayo sa tapat ng pinto.

"Oh bakit andito kayo?" tanong ko sa kanila, wala naman kameng lakad ngayon eh.

"Dahil sayo!" sabi ni Sofy sabay batok saken

"Bakit ka ba nambabatok ha? masakit yun ah" hinihimas ko yung ulo ko, naalog ata utak ko sa lakas ng batok nitong amazonang to!

"Buti yan sayo! Kanina pa kita inaantay sa school, alam mo ba yun! nagka varicus vain na ko kaka antay sayo! buti nalang tumawag ako dito sa bahay niyo at sinabi ni yaya Lita na baka hindi ka na pumasok!" galit na galit na sabi ni SOfy, kulang nalang magbuga siya ng apoy. 

"Masama ang pakiramdam ko eh.." patamad kong sabi

Lumapit naman si Gia saken sabay batok.

"Yah! ano bang problema niyo?! uso ba ang batukan ngayon ha?!" sigaw ko sa kanila

"IKAW ANG PROBLEMA NAMEN!!!" sabay pa nilang sabi

"Wow duet? Bakit ba? wala naman akong ginagawa sa inyo ah"

"Ano ka ba nag aalala kame sayo! hindi mo ugaling umabsent ng hindi nag papaalam samen!" umuusok na yung ilong ni Sofy sa galit

"Kagigising ko lang ok, kaya hindi na ko nakatawag sa inyo" humiga ulit ako at nagtakip ng unan sa mukha

"Ano bang problema Tina?" inalis ni Gia yung unan sa mukha ko

"Walang problema ok, I just want to rest. I'm so tired you know. At isa pa, nalulungkot ako dahil hindi ko nabili yung lintek na librong gusto ko!" inis kong sabi

Kumukulo talaga ang dugo ko pag naaalala ko yung lalaking nang agaw ng libro ko! akin yun eh! bwisit!

"So kaya ka nagmumukmok dito dahil lang sa libro?" sarcastic na pagtatanong ni Sofy, kahit kailan talaga tong babaeng to hindi na nagbago.

You and Only You [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon