Chapter 14.
Who's that GIRL?
Malalaman natin sa mga susunod na chapter.
Abangan.:)
______________________________________________________________
Pagbaba ko sa jeep sa tapat ng mall. Agad akong pumasok, syempre para hanapin siya. Gusto ko na kasi siya makita at makasama eh.
Huminto ako sandali tas nilabas ko cellphone ko at nagtext.
Baby, nasan na kayo? Nandito na ako sa loob ng mall. Puntahan na lang kita. :)
Maya maya may nagreply.
Nasa may Toys R Us kami ngayon. Intayin na lang kita.:)
Tinago ko na yung phone ko sabay hanap ng Toys R Us. Pero sa laki ng mall na to. Di ko alam san ako maghahanap. Haha. Nakakahiya lang. Tska first time ko din makapunta dun kaya talagang di ko kabisado yung loob. Hanggang sa nagtanung na ako sa manong guard dun..
"Kuya, san po yung Toys R Us dito? tanung ko.
"Ahh. sa Main Level 3-4. Diretso ka, tas kaliwa pag nakita mo yung Toby's kaliwa ka naman."
Nga-nga naman ako habang sinasabi ni Kuya yun. Pero naalala ko naman yung Tobys kaya sana ok na yun.
Medjo nawala pa ako kakahanap pero nakita ko din. Nakatago kasi yung Toys R Us kaya di ko talaga makita. Haha.
Huminto ako sa tapat ng store, nilabas ko yung phone ko at tinext siya.
Baby, nasa labas na ako. Intayin na lang kita dito.:)
Nakita ko na siya kahit nasa labas lang ako. Tinititigan ko lang siya. Sarap niyang titigan eh. Di ko akalaing mamahalin ko siya ng ganito. Iba di ba, pag mahal mo talaga yun tao, iba impact sayo. Masaya at masarap sa feeling.
*biglang dilim*
May nagtakip ng mata ko. Sino kaya to? Ayan talaga napapala ko pag tulala eh. Di ko napapansin mga pangyayari. Haha.
"Sino to?" Naglilikot ako at hawak yung kamay na nasa mata ko.
Pagtanggal ng kamay niya sa mukha ko.. Magkalapit ang mukha namin at nagkatitigan
"Woah. Ikaw pala yan, Chloe. Haha. Ikaw talaga!" sabay yakap sa kanya ng mahigpit at kiniss ko sa cheeks. "Ikaw talaga,Babe. Akala ko kung sino. Haha.
Si Chloe lovelife ko ngayon at mahal na mahal ko siya. She's extraordinary. She makes me happy in different kinds of way and feel loved. Siya yung babaeng nagpatibok muli ng puso ko. Siya ang mundo ko ngayon at masaya ako ngayon. Kahit di kami, mahal ko siya and happy ako. Parang kami na pero di official. Parang ganun. Haha. Basta yun na yun.
"Akala mo kung sino no. Tara!" sabay hila sakin papasok ng store.
Nagtingintingin kami sa loob at sa iba pang store dun sa mall. Ikot lang kami. May pinuntahan pa kaming japanese store na mura lang yung binebenta. Naikot ulit, at may nakita kaming stall na nagbebenta ng teddy bears. May nakita akong human size na bear. Mas malaki pa ata.
"Babe. Gusto mo yan na lang regalo ko sayo? haha." turo dun sa malaking teddy bear.
"Hala! Ang laki naman niya. Pano ko yan iuuwi? Haha!"
"Oonga nu! Haha. Sige. Iba na lang. Ako na lang. Kahit di ako huggable. HAHA!"
"Naco. Ok lang yun. Ikaw naman eh." sabay hug sakin ng mahigpit.
Sweet lang namin nu? Sana ganito na lang palagi. Magkasama kami lagi. Kahit anu pa gawin namin basta magkasama kami. Gusto ko siyang makasama lagi, makita yung mga ngiti niyang ang ganda.:">
Magkaholding hands lang kami sa buong time na magkasama kami sa mall. Sweet lang.
Hanggang sa napagdesisyunan ng kabarkada niya na umuwi na kasi maggagabi na. No choice pero magcocommute kami. And first time lang ni Chloe magcommute. Naglakad na kami papuntang LRT 1. Mas mabilis kasi yun. Nagkahiwa-hiwalay na kami sa baba ng station at ako, si Chloe, Ate Anie at Ate Ina.
Si Ate Anie at Ate Ina, kabarkada ni Chloe plus ka-roommate din niya sa dorm niya si Ate Anie.
First time sumakay ni Chloe sa LRT 1 and knowing yung siksikan dun, di ko siya binitawan sa pagkahawak ng kamay niya.
Pagsakay namin, unti unting napupuno at natutulak kami sa kabilang pinto ng tren. Hawak ko pa din kamay niya nun.
"Babe. Ok ka lang ba? Pasensya na, naiipit ka pa." nagaalala sabi sa kanya.
"Ok lang ako. Anu ka ba. Kasama naman kita eh."
Tinitigan ko lang siya ng mga oras na yun na halos magkalapit na talaga mag mukha namin. Niloloko ko na hahalikan ko siya, medjo nilalayo niya mukha niya. Tatawa lang ako. Parang kami lang tao sa mundo nung mga panahon na yun. Di na namin napapansin na masakip na at tinutulak na kami basta nakatitig lang ako sa kanya at magkasama kami. Yun lang.
Ang saya lang nung mga araw na yun. Hinatid ko na siya sa dorm niya kahit ayaw ko pa. Gusto ko pa kasi siyang makasama eh. Hihi. Mahal ko lang talaga siya.
"Baby. Ingat ka ah? Balik ka pa school niyan?" sabi ni Chloe.
"Oo, Babe. May event eh. Tska late na ako makakauwi. Pero text pa din kita, syempre"
"Ok. Wag mo kalimutang magtext at magingat ka ha?"
"Yes, Mahal ko." pangiting sabi sa kanya.
Tapos hinug ko siya ng matagal at kiniss ko na siya bago siya pumasok ng gate ng dorm niya.
The day ended so well. Sana nga di na lang na tapos, kasi ang sarap lang sa feeling na kasama siya. Gusto ko laging ganun. Mahal na mahal ko siya talaga.
-END-
_____________________________________________________________
Pasensya na at medjo mahaba tong chapter na to.
Ngayon, alam niyo na kung sino siya. Si Chloe. :)
Abangan ang mga susunod na pangyayari.:D
BINABASA MO ANG
So Inlove
Teen FictionThis story is about two characters with different worlds. Chloe has everything while Mico doesn't. They unexpectedly met with their common friend even though they've seen each other before but don't know each others name. Will there be a smooth flow...