Chapter 5

27 0 0
                                    

Chapter 5 na.:D

Abangan ang mga mangyayari.:)

Finastforward ko na to pa-sportfest para masaya.:D 

Enjoy kayo!

______________________________________________________________

SPORTSFEST DAY 1

"Yehey! Sportfest na mga Bro. Ready na ba kayo? Haha." Sabi ni Brian. 

Excited kasi siya. Kasali kasi kami nila Brian at Evo sa basketball even at si Prince sa kickball. 

Nasa gym kami nun para sa opening ceremonies. Maingay, lahat nagchicheer sa kani-kanilang kulay. 

Ang tawag sa amin ay pREDators. Astig diba? Anyways.

Nagperform na ang songs and yells ng bawat team. Nagstart na din ang events pagkatapos. Nangunguna ang red sa basketball dahil karamihan samin, varsity ng school.

Dumating ang oras na magbabreak lahat para kumaen. Sa tambayan na kami nagkitakita. At kumaen, kwentuhan, kulitan ng biglang dumating si Anna na may kasama.

"Uy! Andyan na pala kayo! May papakilala ako sa inyo." 

Naka-yellow shirt siya at may dalang stufftoy na flounder (yung isda sa little mermaid). Haha. Natulala ako kasi parang nakikita ko na siya dati pa. At kung di ako nagkakamali...

"Si Chloe pala. Friend ko. Third year na siya. Kasama ko pa siya kanina habang iniintay kayo. Haha!"

"Hello, ako pala si Prince." nakipahshakehands si Prince sa kanya.

"Hello!" sabi naman nila Evo at Brian.

Ang nasa isip ko lang nun. Pano ba yan. Speechless ako. Di ko alam sasabihin ko. Ang dating pinapanuod ko lang na umuwi at prinsesa daw ng ibang bansa o mapa-anak ng may-ari ng sikat na communication network, nameet ko na..grbe naman to..

*BOOOGSH!*

"Aray ko naman, anu yun?!" sabi ko kay Anna na binatukan ako dahil tulala lang ako sa kawalan.

Ng bumalik na katinuan ko...

"Hi, Chloe. Ako nga pala si Mico." pangiti kong sinabi at titig sa kanya.

Kwentuhan lang kaming lahat pampaubos oras. Ako naman titig lang. Titig lang sa kanya. Infairness lang naman. Ang ganda niya. Sarap titigan. Nakakagaan ng loob. Haii. Sana ganito na lang palagi. Heaaaaave..

*POK*

"Aray ko! Pati ba naman ikaw Prince kasama sa manbabatok sakin?! HAHA!" tumayo ako at hinabol  si Prince sa quadrangle. Atleta kami pareho kaya kamusta naman kami. Di na nagkahulihan. HAHA.

"ATE FLOUNDER OHH!" sigaw ni Prince habang tumatakbo.

"HAHAHA! ang cute niyo!" sabi ni Chloe.

Makaraan ang ilang minuto.

"hmmmhmmmhmmm. nakakapagod! Kasi naman Mico, hinabol mo pa ako." 

"Ikaw kasi ehh. Makabatok? Sakit kaya. Haha!" Binatok ko din si Prince. "Akala mo ah?! Behlat!"

Ganyan kami kakulit magkakabarkada. Palibhasa may chicks na nakita. :)

"Simula ngayon, Ate Flounder na tawag ko sayo ah?" sabi ni Prince kay Chloe.

"Sige lang. Haha."

-END-

_____________________________________________________________________

Oh ha! tapos na chapter 5. nagkakilala na sila nung girl na pinapanuod niyang umuwi.

CHLOE ang name.:D

Abangan pa ang mga susunod na mangyayari!

Enjoy.:D

So InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon