Unang chapter ng buhay ko.
Kung pano ba kami nagkakilala.. Kung pano nagsimula lang lahat.:)
Enjoy lang sa pagbasa.:)
_______________________________________________________
*nag-ring na ang bell*
"Tara, Bro. Kain na tayo. Gutom na ako eh."
Alis agad kami ng mga kabarkada ko sa classroom at bumaba papunta sa tambayan namin sa eating area. Isa-isa kaming bumili ng pagkain namin kasi baka maunahan kami sa pwesto namin na yun. Marami kasi nakikita dun. Nasa harap kasi ng quadrangle, kaharap pa yung building ng mga ibang 2nd year hanggang 4th year.
"Mga tol, uuwi ba kayo agad mamaya?" sabi nung Prince sabay akbay kay Evo. Nagtinginan lang kami ni Brian. "Di pa, tambay na lang tayo sa Gate 3 mamaya." sabi ko. "Sige. Tinatamad pa ako umuwi mamaya eh." sabi naman ni Prince.
Sila ang mga kabarkada kong ubod ng kulit pero mababait naman. Magkakaklase kami ngayon kaya lagi kaming magkakasama.
Ay, nga pala. Ako si Mico. Singkit ako, katamtaman ang height, medjo maputi, sakto lang katawan at may dimples. Pasensya na sa description ah. Pero di ako nagsisinungaling. Nga pala, Ikukwento ko sa inyo lovestory ko. Kung pano ito nagsimula at nagtuloytuloy. Mauuwi ba sa happy ending o other way around?
Kinabukasan
kasama ko ulit mga kabarkada ko kumain at doon ulit kami sa pwesto namin sa eating area.
Habang kumakain.
"Hoy!" sigaw ni Anna at patakbo papalapit samin. Nakangiti lang kaming apat habang papalapit siya samin.
Si Anna pala kaibigan namin na higher year. Graduating na siya. Halos kabarkada na namin siya kasi palagi naming kasama.
"Pahingi naman niyan! Mukhang masarap yan ah, Prince?" sabi ni Anna.
"Eto oh. Masarap to!" isusubo na ni Prince kay Anna.
Inalok din namin nila Evo si Anna nag pagkain at sumubo din siya. Nakakatuwa lang.
-END-
_______________________________________________________
Pasensya na kung maikli lang chapter 1. Haha.
Sana nagustuhan niyo. :)
Abangan ang mga susunod na pangyayari.:)
BINABASA MO ANG
So Inlove
Teen FictionThis story is about two characters with different worlds. Chloe has everything while Mico doesn't. They unexpectedly met with their common friend even though they've seen each other before but don't know each others name. Will there be a smooth flow...