Chapter 18
Sino nga ba yung katext ni Mico?
Abangan sa chapter na ito.:)
_________________________________________________________
"Baby, tara labas tayo. May kikitain lang ako." sabi ko kay Chloe.
Alam na rin naman ni Ate Anie yung isa ko pang surprise. Kaya ok lang kay Ate Anie.:)
"Bakit kailangan kasama pa ako?"
"Basta. Tara! Iniintay na niya ako."
Dali dali kaming bumaba at pinuntahan yung katext ko.
"Baby, sino ba yun? Sabihin mo na.." pacute na sabi ni Chloe.
"Basta malalaman mo din!" natatawa kong sabi.
Papalapit na kami sa food chain store dun at nakita ko na yung katext ko. Tinakpan ko mata ni Chloe para di niya makita tas inalalayan ko maglakad papalapit dun.
Pagtanggal ko ng kamay ko..
"CARRRRRRIIIIIEEEEEEEE!" pasigaw na tuwang-tuwa sabi ni Chloe sabay hug.
Sarap lang tignan si Chloe na masaya sa birthday niya. Yun lang naman. Ok na ako dun. Masaya na ako na masaya siya. yun lang naman gusto ko ehh. Masaya ang mahal ko.:)
Nagkwentuhan sila ni Carrie. Nagkamustahan. Ngayon lang ulit kasi sila nagkita ulit kasi busy sa school at studies din. Buti na lang natext ako ng maaga ni Carrie.:)
"Carrie. Sabay ka na samin umuwi ni Mico. May sundo ako" nakangiting sabi ni Chloe na nakakapit kay Carrie.
"Sige ba!"
Bumalik kami sa dorm ni Chloe pero di na kami pinaakyat sa room nila kaya nagintay na lang kami ni Carrie sa lobby. Tinulungan na lang ni Ate Anie si Chloe na magbaba ng mga gamit. Kwentuhan lang kami at kamustahan ni Carrie.
Nagmatapos na magbaba ng iuuwing gamit ni Chloe. Nagbabye na ako kay Ate Anie at nag thankyou ng sobra sa tulong niya sakin. Tapos sumakay na kami sa kotse at umalis.
Habang biyahe. Nagkekwentuhan lang si Carrie at Chloe. Tahimik lang ako sa gilid pero hawak ko kamay niya, Magkaholding hands kami.
Since magkalapit lang din bahay namin ni Carrie. Sabay na kaming umuwi. Bumababa na lang kami sa isang mall tas dun na kami sumakay ng FX papunta samin. Nagthank you si Chloe at nagthank you din kami sa kanya.
Nagtext ako kay Chloe.
Sana nagustuhan mo,Babe. At sana naging masaya ka ngayong araw mo na to. Happy Birthday,Baby ko. Ingat ka pauwi at text mo ko pag nakauwi ka na. Iloveyousomuch."
Thank you, Baby. Sobrang saya ko lang kahit medjo fail nung una. Super thank you. Mahal na mahal kitaaa!
Nakangiti kong binabasa yung text niya. Sobrang saya ko lang.:)
Masaya ako at napasaya ko mahal ko sa araw niya.
-END-
______________________________________________________________________
Todo effort si Mico kay Chloe. A for effort talaga.
Happy Birthday kay Chloe.:))
Abangan ang mga susunod na pangyayari...
BINABASA MO ANG
So Inlove
Teen FictionThis story is about two characters with different worlds. Chloe has everything while Mico doesn't. They unexpectedly met with their common friend even though they've seen each other before but don't know each others name. Will there be a smooth flow...