Chapter 20

17 0 0
                                    

Ngayon lang ulit ng update.. Please still read this..

Thank you.:)

________________________________________________________________

Magkakaron ako ng mini celebration ng birthday ko sa bahay namin ngayon at syempre invited lahat ng relatives ko, friends, at syempre, SIYA. Nasabi ko naman din sa kanya ahead and she said na magpapaalaam siya.

Busy ako maghanda ng kailangan gamitin sa party mamaya. Intay ng text niya kung makakapunta ba siya o hindi. Ok lang naman sakin kung di siya makakapunta kasi understandable naman pero much better kung pupunta siya. 

Ilang oras magsastart na yung party still no text from her. Nagdadatingan na din mga bisita ko nun. Pati yung mga minamahal kong kabarkada sa college at sa highschool. Nagaayos na lang ako para to kill time na lang.

Magsastart na and I know di na siya makakapunta. Nalungkot ako pero on the other hand, ok lang. Nainitindihan ko naman. Kaya go with the flow na lang ako sa party. 

Maya-maya...

*phone ringing* 

"Oh, Babe, bakit? Di ka ba makakapunta?"

" Hindi ako pinayagan. Sabi nila pag pagpumunta daw ako diyan, pinagpapalit ko na sila" umiiyak na sabi ni Chloe.

"Anung nangyayari? Bakit ka umiiyak?" nagaalala kong sinabi.

"Pinagsabihan na nila ako. Ihinto na daw natin to." naiyak lalo.

Natulala na lang ako nung sinabi niya yun.. Parang unti-unting nadurog kalooban ko.

"Bakit naman ganyan?" 

"We have to end this up, right now. Itatakwil nila ako pag di natin ihinto to." 

"Ikaw na bahala"

"I'm sorry" 

Iyak pa din ng iyak si Chloe. Ako naman, gulat at di pa rin makapaniwala.

"Sige. Yun lang. I'm very sorry. Di ko naman alam na magkakaganito ngayon. I have no choice."

"Wala naman na akong magagawa eh. Ingatan mo na lang po sarili mo" 

"Opo. Babye. Ingat din"

Pagkababa, unti-unti na akong nanghina. Sabay tingin sa bahay namin na sobrang liwanag at masaya mga tao. 

Dapat ba akong maging masaya...dapat ba?

Pumasok na ako ng bahay, go with the flow na as if walang nangyari. Pero halata na sakin yung pagkabalisa. 

Nakakabaliw, nakakabuang, nakakamatay.

__________________________________________________________________

Ang lungkot naman nitong nangyari pero abangan pa ang mga susunod.

Thank you.:)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

So InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon