Hi everyone ako nga pala si Nadine Alexis P. Lustre 21 years old at graduated ako sa Reid university.Hindi naman ako mayaman at hindi din ako mahirap.Wala na akong pamilya dahil namatay si mama sa cancer while si papa naman ay sa plane crash pero may dalawang tao na laging nandyan para sa akin at iyon ay si Yassi,at Andre.Mga kaibigan ko sila pero hindi lang kaibigan ang tingin ko sa kanila kundi isang pamilya.Wala na din silang pamilya kaya nakatira kaming tatlo sa iisang apartment.Si Yassi ay isang nurse while si Andre ay chef naman,ako eto napatalsik sa trabaho dahil mas matalino daw sa boss.
"Uyy.Nadine hindi ka naman yata nakikinig eh" sabi ni Yassi na syang nagpawala ng tama ko.
"Ha?Ano yun"Tanong ko.
"Hayys.Hindi ka nga nakikinig"sabi nya in a disappointing tone.
"Ano ba kasi iyon"inosente kong tanong.
"May nakita kasi ako na bakanteng trabaho doon sa katabi naming building.Secretary,malaking ang sweldo doon pero may isang napakalaking problema"
"Ha?talaga.Salamat Yassi ha napakalaking tulong nyan lalo na't malaki pa ang sweldo pero maiba yung topic ano yung malaking problema na sinasabi mo" Sabi ko habang kinakamot yung ulo ko.
"Ano kasi uhmm......sa Reid industries ka magaaply bale si James yung boss mo" Napalaki yung mga mata ko sa sinabi nya.
"Ha?Y-yassi seryoso ka its been 3years since nung huli kaming nagkita ano nalang ang magiging reaction nya kapag nakita na nya ako and worse magaaply pa bilang secretary nya"sabi ko.
" Eh hindi naman kita pinipilit pumasok doon Kayla James eh nagsusuggest lang naman ako"sabi nya.
Kung hindi nyo pa kilala si James pwes ipapakilala ko sya sa inyo.Sya ang first kiss,at first love ko.Magkaklase kami since elementary hanggang college.Niligawan nya ako nung 1st year high-school kami pero syempre nagpakipot muna ako kahit na may feelings na rin ako para sa kanya.Lagi nya akong binibigyan ng flowers at chocolates tapos ay lagi nya din ako hinaharana sa campus.
After 1 month ng panliligaw nya ay sinagot ko na din sya.Ewan ko nga din kung bakit ako ang napili nyang mahalin eh.Naging kami hanggang graduation ng college hanggang sa nagpropose na sya sa akin at umoo naman ako.Kinausap ako ng nanay ni James na ipapagamot nya daw ang mama ko,papauwiin nya na din daw si papa,at bibigyan nya daw ako kaagad ng trabaho kung hihiwalayan ko si James.She was waiting for quick answer kaya napaoo kaagad ako.Naguilty ako sa desisyon ko dahil mahal na mahal ko si James tapos ay ipinagpalit ko lang sya sa mga kundisyon ng mama nya pero anong magagawa ko isa lang naman akong hamak na hampaslupa na mas mahirap pa sa kaysa sa daga.At hindi din naging maganda ang kinalabasan ng desisyon ko dahil namatay rin sa mama dahil sa sakit nya at sumabog naman ang eroplano na sinasakyan na papa.
"N-nadine okay ka lang ba bakit ka umiiyak" Naramdaman ko nalang na umiiyak na pala ako kakakwento ko sa inyo.
"Nakakamiss din kasi sya eh" sabi ko tapos punas ng luha.
"Mahal mo parin sya hanggang ngayon noh"tanong ni Yassi habang hinihimas yung likod ko.
"Oo Yassi eh"Hinilamos ko nalang yung mga palad ko sa mukha ko.
"Bakit kasi pumayag ka sa sinabi ng mama nya edi sana ngayon may pamilya na kayo ni James"
"Wala akong choice noon,may sakit si mama at kailangan namin si papa dito sa pilipinas" Patuloy parin sya sa paghimas sa likod ko kaya medyo kumalma na ako.
"Ok lang yan Nadine kung kayo talaga ang itinakda magkakabalikan at magkakabalikan parin kayo"
"Salamat Yassi ha you're always there for me"
"Sus yun lang syempre pamilya tayo eh.So ano kukunin mo na ba" Tanong nya.
"Oo Yassi, gusto ko na kasi syang ulit makita at ayaw ko na din maging pabigat sa inyo ni Andre.Anong oras ba yung interview"
"2:00p.m"My eyes widened.
" Maygaad Yassi nakakaloka ka 2:00pm ang interview eh 1:00pm na "napasabunot ako sa buhok ko.
" Sorry naman kanina ko lang kasi nakita yung poster na secretary for hire nung papauwi ako.O sige maligo kana ako nang bahala sa clearances, certificates, at mga bio-data mo"
"Talaga sige thank you talaga Yassi sige maliligo na ako" Nagbeso ako sa kanya at dumiretso na sa banyo.
...........
Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa closet at napili kong suotin ang dress ko na kulay torquise medyo maikli sya pero hindi ko nalang iyon pinansin dahil malalate na ako.Sinuot ko yung color black kong high heels tapos ay naglagay ng konting make-up.Uyy hindi porket may make-up,high heels,at dress ako ay may pera na ako ha.Umutang lang ako kay Yassi ng pera hahahahaha.
Humarap ako sa salamin at chineck kung okay na ako pero napansin ko na parang ang plain ng buhok ko kaya finish-tail ko nalang yon at ta daaaaa.Mukha na akong tao.Kinuha ko yung wallet ko tapos ay bumaba na ako.
Nang makababa na ako ay narinig kong bumukas yung pintuan ng kwarto namin ni Yassi.Inaayos nya yung mga papeles sa folder na hawak-hawak nya kumbaga inoorganize nya siguro.
"Nadine eto na nga pala yung mga kailang............Waaaaaaa mga kapitbahay tulongan nyo kami may magnanakaw dito sa apartment namin tulongan nyo po ka......" Tinakpan ko yung bibig nya ang ingay kasi eh parang nakamegaphone.
"Yassi ang ingay mo baka magising si Andre napuyat kaya yun kahapon" Nanlaki yung mga mata nya.
"N-nadine ikaw ba yan" Pinindot-pindot nya yung mukha ko.
"Oo si Nadine to na nagmukhang tao.O sige na akin na yang folder na yan at malalate na talaga ako babye" bineso ko sya at iniwang nakatunganga yun.
Pumara ako ng isang tricycle at sinabi kung saan ako pupunta.
...............
BINABASA MO ANG
Secretary for hire(JaDine Fanfiction)
FanfictionPapaano kung bigla kang napatlsik sa trabaho mo at wala nang makuha pang iba.Tapos ay may pumunta sa bahay nyo at nagalok na maging secretary ng may ari ng pinakamalaking kompanya sa buong mundo.At dahil nga hindi naman sya mayaman at gipit na sa ba...