Simula

47.2K 1.1K 256
                                    

"Let's dance, Fenella!" aya sa akin ni Sandra, isa sa mga kaibigan namin.

"Okay! Wait!"

Kumuha ako ng dalawang shot glass na may laman na tequila at tinungga iyon. Napangiwi ako ako dahil sa pait. KC laughed at me.

"Here..."

Inabutan ako ni Wheng ng lemon, pero dahil sa agad na akong hinila ni Sandra, hindi ko na iyon nakuha. Tiniis ko na lang ang pait.

Tumigil si Sandra sa may gitna at biglang gumiling. I laughed and started to grind too. Since the music is sensual. Tawa naman ako nang tawa habang sumasayaw.

Until I felt someone behind my back. I can feel his moves. He's grinding too. I stopped dancing. Nilingon ko iyong lalaki. He's a good looking man. A western man? But I don't like the way he dance behind my back. Hindi naman maiiwasan ang mga ganito sa bar. Pero habang maaga pa, kailangan na agapan.

"Balik muna ako sa table natin!" sigaw ko kay Sandra para marinig niya ako.

"Why?" She whined.

"I'm tired!" I laughed.

Umalis na ako roon. Nagpatuloy naman siya sa pagsasayaw.

"Hey, what's your name?"

Hinabol ako ng lalaki at hinawakan ako sa braso. Napahinto naman ako dahil doon. Hinarap ko siya.

"I'm Fenella," pakilala ko na lang.

"Fenella! Wanna go to my place?" He smiled charmingly.

Bumuntong hininga ako at inalis ang kamay niya sa may braso ko.

"I have a boyfriend, sorry," I said so he could leave me alone.

"Oh..."

Tinalikuran ko siya. Akala ko ay titigil na siya pero sinundan niya pa rin ako.

"Don't tell him that you're going to my place!" He said.

Ito ang isa sa mga pangit kapag nasa isang bar ka. Akala ng mga lalaki ay palaging ready ka para makipag-one night stand. Hindi na nila inisip na gusto mo lang talaga uminom at magpakasaya! But I still can't blame them, tho. Marami nga naman babae rito ang mahilig makipag-one night stand.

"I'm loyal to him. Find another girl!" I waved my hand dismissively.

Nasaan na nga ba iyong lamesa namin? Napakarami kasing tao!

"Just one night! You're so beautiful and sexy..." may pagnanasa na sabi niya.

Malalim akong bumuntong hininga. Hindi niya ako titigilan.

"Babe!"

Hinila ko kung sinong lalaki na malapit sa amin. Nagulat siya sa ginawa ko. He's handsome, so he will passed as my pretend boyfriend. Ikinawit ko ang braso ko sa may braso niya. I leaned my head on his shoulder.

Napahinto iyong lalaking sumusunod sa akin.

"Oh, Babe, what's wrong?"

Napanguso ako kasi agad na sumakay iyong lalaki.
Tiningala ko siya. Nakatingin siya sa akin. Tumingin ako roon sa lalaking sumusunod sa akin.

"Yo, dude. What do you want from my girl?" maangas na sabi niya roon sa lalaki.

Hindi kumibo iyong lalaki at agad na lang umalis. This is the way if you want someone who was pestering you gone.

"Shawn? What's the meaning of this?"

Oh. Shoot. The girlfriend is here! Agad akong kumawala roon sa lalaki.

Sweet Vengeance Of Innocent (Levrés Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon