Kabanata 17

26.1K 706 147
                                    

Sa isang bar sa BGC ginanap ang birthday ni KC. Konti lang naman ang imbitado. Ibang katrabaho niya at kaming mga kaibigan. Sandra and Cynthia were with their boyfriends. Pinakilala naman na nila sa akin ang mga iyon. Wheng is the only single in our group.

"Happy birthday!" bati ko kay KC.

Tumawa siya at pinuna si Moran. "Buti sumama ang boyfriend. May balak pa naman ako ipakilala si Fen sa katrabaho ko. Crush kasi siya."

Nilingon ko ang seryosong si Moran. Pinalupot nito ang braso sa aking baywang. Nakita iyon ni KC kaya humagalpak siya ng tawa. Natawa na lang ako dahil sa pang-aasar niya kay Moran.

"Ay, nandito pala si Moran! Magsasayaw sana kami ni Fen para makahanap siya ng boyfriend eh!" pang-aasar din ni Sandra.

"Moran is Fenella's boyfriend already," sabi ni Cynthia.

Umirap si Sandra sa kanya. "KJ mo."

Nag-upuan na kami. Katabi ko sa kaliwa si Moran na katabi si Niall sa kanyang kabila. Sa kanan ko naman si Wheng na sa dulo umupo. Ang braso ni Moran ay hindi na nilisan ang baywang ko. Minsan ay nakikita ko siyang tinitignan iyong mga lalaking katrabaho ni KC.

Ako naman ay napapatingin sa mga babaeng titig na titig sa kanya. Feeling ko kung wala ako sa tabi niya, nilapitan na siya at kinausap ng mga ito.

"We know how it feels, Wheng! Iyong single habang ang mga kaibigan mo ay taken!" tumawa si Sandra.

"Akala ko nga single pa rin si Fenella. Aayain ko sana maghanap ng boyfriend!" Wheng chuckled.

"Hindi rin naman maghahanap si Fenella because she's still in love with Moran," sabi ni Cynthia.

Moran caressesed the side of my hips. Napatingin ako sa kanya. Although he's a bit smiling, there's a sadness in his eyes. Lumapit siya sa akin at bumulong.

"You're in love with me, huh?"

Doon ko na-realize na hindi ko nga pala nasabi sa kanya noon na mahal ko siya. Kahit isang beses. Siya lang palagi ang nagsasabi sa aming dalawa.

"Noon pa," tumitig ako sa kanya. Medyo umawang ang kanyang labi. "At hanggang ngayon," he kissed the side of my head repeatedly. "Akala mo ba hindi?"

"Doesn't matter. You love me now."

Nagsimula na uminom. Panay naman ang inom ko. Si Moran ay pinapanood lang ako habang nasa iisang baso pa rin.

"Sayaw tayo!" aya ni KC. "Humihingi po ako ng permiso sa mga boyfriends ng kaibigan ko. Except for Wheng!"

Nagtawanan kami. Tumitiling tumayo sila Sandra at Cynthia. Hinila naman ako ni KC. Nilingon ko si Moran na binitawan naman ako. Nagpunta na kami sa dancefloor at nagsayaw. Pinagitnaan namin si KC. We all grinded in front of her and laughed.

Nilingon ko iyong table namin. Nakita kong may kumakausap na kay Moran na mga babae. Ang titig naman nito ay nanatili sa akin. Tumaas ang kilay ko sa kanya at umiwas ng tingin.

We continued to dance.

Biglang may humapit sa aking baywang. "Hi, my girlfriend."

Bumungad sa akin ang namumula ng mukha ni Shawn habang natatawa. Amoy na amoy ko ang alak sa kanya. Lumayo ako sa kanya at ngumiti.

"Shawn," banggit ko.

He flashed me a boyish grinned. "I missed you!"

Natawa ako. "Lasing ka na, ah!"

"I'm not. Let's dance!"

Hinawakan niya iyong kamay ko. Kaso may biglang humila sa akin at agad akong niyakap. Tiningala ko iyon at nakita ang madilim na mukha at umiigting na panga ni Moran.

Sweet Vengeance Of Innocent (Levrés Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon