Kabanata 3

25.3K 665 423
                                    

Marami ng tao nang dumating kami. It's Friday night, after all. Mabilis kaming nakahanap ng table.

"Ayoko ng hard. I want San Mig light apple," sabi ko nang o-order na sila.

"Next time, let's go to Guilly's Night Club in Tomas Morato," suggest ni Cynthia.

"Pupunta pa tayo ng Quezon City?" reklamo ni Sandra.

"Why not?" Cynthia arched an eyebrow.

"I'll bring Moran next time," nilingon nila akong lahat.

"I told you, she's bad for Moran!" Sandra laughed.

"Okay! I'll bring my boyfriend too!" KC said.

"Edi kayo na mga may jowa!" inirapan kami ni Sandra.

"Who's your boyfriend now, KC?" Cynthia asked.

Tumingin din ako kay KC. Wala kasi siyang sinasabi sa amin. O sa akin man lang.

"Secret for now! Next time, I'll introduce you guys to him!" she smiled.

"Ay, masyadong pa-showbiz te!" komento ni Sandra.

Lumakas ang tugtog kaya naghiyawan sila. Napatawa ako at nag-head bang na lang. For sure, when these girls get drunk, they'll shamelessly dance here in our table.

Naglapag ng dalawang Jack Daniels at isang bucket ng San Mig sa aming lamesa ang waiter. Talagang magha-hard na naman ang mga ito! Gusto na naman malasing!

Mabuti na lang at nagdala ng sasakyan si Cynthia. Ready na rin kung sakaling mga malasing! Kaya madalang ako mag-hard kapag magkakasama kami. Minsan kasi binabantayan ko sila. Especially KC and Sandra! They are so wild when they are drunk! That includes me. Well, not that wild unlike them.

My phone suddenly beeped. Tinignan ko iyon. Ang akala ko si Ate.

Unknown number:

This is Moran. Save my number, Fenella.

Napangiti ako. Sinave ko iyong number niya. Ang aga niya nag-text ah?

Moran:

What are you doing? Kumain ka na ba?

Hmm. Kumpleto siya mag-text. Tama ang punctuation. Dagdag points! Nagtipa ako ng isasagot.

Me:

Didn't know you're this type of guy. A texter.

Nagsalin ako sa baso ko ng San Mig at uminom. Napangalahatian ko agad iyon.

Moran:

Girls like it when we texted you, right? Especially if it comes from the person you like.

Napangiti ako. Saan kaya niya ito nalalaman?

"Ang ngiti ni Ate oh! Kausap mo si Moran, 'no?" puna ni Sandra.

"Baka mahulog ka sa laro mo, Fen," sabi ni KC.

"Baka si Moran kamo ang ma-in love!" sabi ni Sandra.

"That's fine! Bagay naman sila para sa isa't-isa eh," sabi ni Cynthia.

Moran is like a child who's always curious at everything. Nagtataka siya sa mga bagay na hindi niya alam kaya nagpapasya siyang alamin ito. This is what he's doing right now. Ayan ang naobserba ko sa kanya.

Me:

Hmm. By the way, I'm at the bar with my friends.

Nanatili ang mata ko sa aking cellphone.

Moran:

Bar? What you doing there?

Me:

Drinking and having fun.

Sweet Vengeance Of Innocent (Levrés Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon