Kabanata 19

24.5K 686 234
                                    

"Walang problema, Fenella," sagot niya.

I straightened up and cross my arms against my chest. Tinagilid niya ang kanyang ulo at tumitig dahil sa aking stance.

"You don't want to sleep beside me now? Why? Because your fiance will be mad?" I said sarcastically.

"She's my sister," mariin niyang sinabi.

"Hindi ko naman sinasabi na siya. Malay mo may iba pa, hindi ba?"

Sumeryoso ang mukha niya. "Wala akong iba."

"Really? You will propose, right? What happened? You got rejected?" ngumisi ako.

Bakit magsasalita si Reel ng ganoon kung wala lang iyon, hindi ba? Baka talagang marunong na siya magsinungaling sa akin!

"No. Because I didn't ask you yet."

Hindi ko pinahalata ang pagkagulat. Pero nagulantang ang buo kong pagkatao dahil doon. Parang nawala ang mga gusto kong isisi sa kanya. Gusto ko pa naman sana siya awayin!

"But I'm scared to ask you. Because I still remember how you got so cold when I talked about our possible future. Like you didn't want me in your future," nahimigan ko ng konting sakit ang boses niya.

Kumunot ang noo ko. Hindi naman ako malamig sa kanya noon? I was distracted because of my mother that time. But maybe that was what he felt because I didn't tell him what my problem was.

"Okupado ng pag-iisip ko noon dahil sa kalagayan ni Mama. Hindi dahil sa sinabi mo."

He nodded. "Let's not fight, please. Ikaw lang ang nag-iisa, Fenella. Noon at ngayon."

Humakbang siya palapit sa akin. Tinanggal ko ang pagkakahalukipkip sa aking mga braso. Hinigit niya ako at niyakap. Pansamantalang nawala ang mga iniisip ko.

Noong maghapon na ay umalis na kami para magpunta sa bahay ng aking ama. Kausap ni Ate iyong bago niyang asawa. Kay Tita Rosario lang niya nakuha ang contact info namin. And a friend of my father's wife knows Tita Rosario. Kaya natawagan nito si Tita para ipaalam sa amin.

"Ayan. Diyan nakaburol," tinuro ni Ate ang isang funeral home.

Nag-park na si Reel at bumaba na kami. Kita na agad ang tarpaulin na may picture ng aking ama. Tumitig ako roon habang papasok kami sa loob. This is the first picture of him I'd seen after five years. Ate stopped walking for a second and stared at the tarpaulin too.

Pinagtinginan kami ng mga taong nakikilamay pagpasok. Especially the two Kertia. You can count on your two hands the people who is here.

Malungkot kaming sinalubong noong asawa ni Papa. Nakita ko na siya noon. Pumayat siya ngayon kaysa sa pagkakakita ko sa kanya noon. Medyo maga pa ang mata nito dahil siguro'y sa pag-iyak.

Tipid siyang ngumiti sa amin at iginiya kami papunta sa unahan. Where a white coffin was lying. Sumilip kami. Pagkaraan ng limang taon, dito ko pa siya unang makikita.

Moran held my hand. Napatingin ako sa kanya. May bahid ng pag-aalala at takot ang mga mata niya.

"He has a lung cancer, iha. Simula noong magsama kami five years ago, he was smoking and never ever stop. Ilang beses ko siya pinigilan kaso hindi nakikinig. Until his lungs gave out. It was too late when we found out that he has stage 4 cancer," sabi ni Tita Joy, ang asawa niya.

"He never smoke when he was with us," sabi ni Ate.

She nodded. "He was looking for his daughters when he was on the verge of death. Palagi niya sinasabi na napakawala niya kwentang ama. He kept saying that he missed his daughters. Pero alam niya na kinamumuhian ninyo siya."

Sweet Vengeance Of Innocent (Levrés Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon