Kabanata 13

23.9K 710 210
                                    

Maaga kami umalis para magtungo sa Nueva Ecija. We will stay there for at least two weeks. I need to memorize the place. I need to learn how the hotel gonna work. Mas okay na rin na magtagal ako roon ngayon. Para makaiwas na rin sa kanya.

Siguro nga talaga ay namiss ko lang siya. That's why my body immediately reacted to his touch. At siya lang naman ang nakakapagparamdam sa akin ng ganoon! My body knows his touch. And how well they get along like very old friends.

But I've never thought that he would do that to me! I'd expected anger but I received pleasure. He's skilled now! Ilang babae na kaya niya iyon nagawa?

Kapag naiisip ko na may natikman na ang bibig niya, at tinikman niya ako, I don't know, it feels disgusting? Maybe because we are each other's first. At siya rin ang huli ko. Kaya naninibago ako ngayon kapag naiisip na may ibang karanasan na siya sa ibang babae.

Tumingin ako sa bintana. Puro puno na ang makikita ngayon. Nakalabas na kami ng Metro.

"Ayain mo sila KC pumunta ng Minalungao pagtapos ng event!" nilingon ako ni Ate mula sa front seat. "Maganda raw roon sabi ng mga kaibigan ko."

Kasama ko ngayon sa sasakyan si Ate at Reel. Sasakyan ni Reel ang gamit namin ngayon papunta roon.

"Isama mo rin pinsan mo," sabi ni Ate kay Reel.

Now that he mentioned it. I remembered the Kertia that I saw in Australia and stayed in our hotel.

"Reel, may pinsan ka bang Zenrick ang pangalan?" tanong ko.

Sumulyap siya sa akin mula sa rearview mirror. "Meron."

"Nag-stay iyon sa hotel natin sa Australia ah? Hindi mo ba nakita?" sabi ni Ate.

Oh. That's their cousin? Kaya siguro pinagkamalan ko siyang si Moran dahil parehas sila ng tindig.

"He was with Moran that time," sabi ni Reel.

Umayos ako ng upo. So, it's him? Not Zenrick? Bakit hindi ko iyon nakita? Or it was only Zenrick who stay in our hotel?

"They were invited in some big events there," Reel said.

"Kailan ba sila magpapakasal nang girlfriend niya?" wala sa sariling tanong ni Ate.

Kumirot ang puso ko roon. Ayos lang. Ako naman ang nang-iwan. Ako ang bumitaw. Kaya ayos lang kahit magmahal pa siya ng iba.

"Kasal? Magpo-propose pa lang siya," sumulyap sa akin si Reel.

Umiwas ako ng tingin at tumulala sa bintana. He's gonna propose. But he'd eaten and finger fuck another girl? Ano iyon, huling tikim sa iba bago siya matali? Mabuti na lang pala at wala pang nangyayari sa amin bukod doon! Kaya siguro ayaw niyang pumayag na hawakan ko siya kasi kahit paano, may konsensya pa siya kahit one inch lang!

But what the fuck?

"That girl is so lucky!" kinikilig na sabi ni Ate.

"Pero hindi pa niya alam kung papayag iyong babae," patuloy ni Reel.

"Why not? Moran is a handsome guy! Smart, kind, and successful! Tanga na lang ang babaeng papakawalan pa iyon!" Ate looked at me and smiled apologetically. "Oops. Ilag ka muna, Fen!"

She laughed. Masama ko siyang tinignan at inirapan. Nagkabalikan lang sila ni Reel eh.

"Si Fenella ba? May boyfriend?" tanong ni Reel.

"Naku, wala! Kahit nga manliligaw ayaw! Hindi rin kasi iyan maka-move on noon!"

Nag-usap sila tungkol sa akin. Hindi ko na lang sila inintindi pa. Nanatili ang mga mata ko sa kalsada.

Sweet Vengeance Of Innocent (Levrés Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon