CHAPTER 19
"TOTOO BANG nagkabalikan na sila ni Mr. Azure?"
"Yes! From what I've heard it was all a show! Iyong hiwalayan at kaliwaan nila!"
"A show? How so?!"
"Baog daw si Mr. Azure! So ang plano nila is mangaliwa at magpabuntis etong si ate gurl sa iba para magkaanak sila!"
"What?? Pinsan diba daw ni Mr. Azure yung kalaguyo niya?! Incest?"
"Like duh! Kadiri! Crush ko pa naman si Mr. Azure!"
Napailing nalang ako sa naririnig ko at saka tahimik na lumabas ng cubicle ng banyo,
"Good evening, Ladies" pagbati ko sa dalawang babae na ngayo'y akala mo nakakita ng multo. I know them, they are the secretary of the VP for finance at ng Marketing Head.
"G-good evening, ma'am" nangingig boses nilang tugon saakin. Tinanguan ko sila saka lumabas ng banyo.
I don't want to deal with them, tama na iyong alam nilang narinig ko ang pagchichismis nila saakin. Natatawa nga ako sa mga chismis na kumakalat, kung ano ano nalang. Different versions pero hindi na kami nagpapaapekto ni Lester, because kahit anong chismis pa ang kumalat we both know the truth.
"Hey, what tool you so long? Mahaba ba ang pila?" Umiling ako, I place my hand on his chest
"Hindi naman, naaliw lang ako sa commercial dun sa CR" kinindatan ko siya, mahinang napatawa siya dahil doon. Alam niya na ang ibig kong sabihin.
Sa dami ba naman ng chismis na nagcicirculate, ilang beses na kami nakaencounter ng ganoon.
"Are you enjoying the party?" Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya
"Yeah, pero medyo pagod na ako. Ang taas ng heels ko eh" I pouted my lips, nagulat ako ng bigla niyang gawaran ang aking mga labi ng halik
"Let's go home then"
"Ano ka ba, hindi pwede. Ikaw kaya ang magbibigay ng awards!" This party is Azure's Empire anniversary party, at every anniversary ay nagaaward sila ng mga employees like outstanding employee of the year, 10 years in service awards etc.
"Pero pagod kana, makakasama yan sa baby natin." Kinurot ko ang tagiliran niya
"Ano ka ba, baka may makarinig sabihin buntis na talaga ako!" Kumunot ang noo niya sa sinabi ko
"So?"
"So? Ayoko nun noh!" Pagkasabi ko nun ay lalong kumunot ang nol niya, akmang may sasabihin pa siya ng tawagin na siya ng emcee at magaawarding na.
The party and the awarding went on, magaala una na ng umaga ng matapos ang party dahil sa dami ng inawardan at sa mga speeches.
Habang nasa sasakyan pauwi, hindi ko mawari ang mood ni Lester. Kanina pa siya nagsasalita at parang galit.
"Lester, okay ka lang?" Napasimangot ako ng hindi niya ako pansinin. "Huy!"
"Lester!" Sinundot sundot ko pa siya pero patuloy lang siyang nakatingin sa daan at nagmamaneho, "Dy!" I called him, kapag kami lang kasi 'Dy' and 'My' na ang naging tawagan namin. Siya ang nagpauso, para masanay na daw kami pag may baby na kami.
"Don't call me that" gulat akong nagapalingon sakanya, not only to the fact na ang lamig ng boses niya pero dahil sa sinabi niya
"Huh? Bakit? Diba yun naman tawagan natin?"
"Wag na. Forget it!" Sasagot sana ako pero napansin kong nasa bahay na kami.
"Lester! Lester!" Tawag ko sakanya habang hinahabol ang malalaki at mabibilis niyang hakbang papasok ng bahay "Hey! Ano ba problema mo?"
"Wala." My heart clenched at ramdam ko ang panunubig ng mga mata ko. Hindi siya sumigaw pero his voice is hard, cold and stoic.
"May nagawa ba ako, Dy?" Tinapunan niya ako ng masamang tingin
"I said don't call me Dy, Lorraine!"
"Bakit?"
"Bakit? Bakit? If you gave up already okay lang! Kung ayaw mo na okay lang! Magsabi ka lang!" Kinagat ko ang labi ko dahil sa sigaw niya, hindi ko siya maintindihan
"Iexplain mo nga saakin! Hindi ko alam kung ano ang ipinuputok ng buchi mo!"
"Hindi? Diba ayaw mo ng magkababy saakin?! Diba nahihiya kana sakin?! Ha?!" Napasinghap ako sa sinabi niya
"A-anong? Saan mo yan nakuha?" Mahina kong tanong sakanya.
"Kanina diba? I said I will take you home dahil pagod kana at masama yun kay baby, pero what did you say? Ayaw mong may makarinig na buntis ka at baka isipin ng iba na buntis ka?!"
"O-oo, p-pero.."
"Pero ano Lorriane? Kung ayaw mo na, kung pagod kana okay lang saakin. Kaya ba ayaw mong isipin nang iba na buntis ka kasi pagod kana? Kasi mapepressure ka?! Eh ako?!" Sinapo ko ang mukha niya, his teary eyes met mine "I'm sorry if hindi kita agad mabigyan ng baby. I'm sorry if kinakahiya mo na ako." Umiling ako
"Lester, hindi yun ang ibig kong sabihin kanina." Mahina kong sambit, "You don't know how happy I feel whenever you treat me like I am indeed carrying your baby. Hindi mo alam kung gaano ko kagustong ipagsigawan iyon sa mundo."
"Then, why?"
"Hindi kita ikinakahiya, hindi ako napapagod. I was worried, yes. Natakot ako na may makarinig then they make assumptions, akalain nilang totoo nga at makarating sa family natin." Kunot noo pa din siyang nakatingin saakin.
"Our family will be heartbroken kung malalaman nilang hindi naman, it is okay na tayo na muna ang mag hope. Just imagine your mom calling you excitedly dahil nalaman niyang buntis na pala ako only to find out na hindi. Na you have this theory, na hindi mo nga sinasabi sakin." Pagkaexplain ko nun, onti onti nagsoften ang mukha niya
"I'm sorry. I over reacted" Hinalikan ko siya,
"I understand. Always remember, mahal na mahal ako. I will never get ashamed of you, hinding hindi din ako mapapagod." Yinakap niya ako ng mahigpit, siniksik niya ang mukha niya sa batok ko
"I just thought, nang sabihin mong ayaw mo nun. Things ran in my head; I was clouded by my insecurities again."
"Diba we'll fight those away together?"
"Sorry."
"Hmm-mm. So, wala ka pa ding balak sabihin sakin iyong theory mo?" Natatawang umiling siya
"Hindi na muna, saka na."
"Okay. I trust you" Inilapat ko ang labi ko sa labi niya, it was supposed to be just a peck pero hinapit niya ako papalapit at saka pinalalim ang halik.
His tongue delved into my mouth, isinabunot ko ang kamay ko sa buhok niya pulling him closer.
"L-lester!" Singhap ko ng bumaba ang halik niya sa leeg ko, damn! He is giving me a hickey!
Napapitlag ako ng may marinig akong napunit, yung gown ko!
"Bakit mo pinunit?! Ang mahal nito!"
"Bakit kasi hindi zipper ang likod? Bakit ang daming butones? Don't worry, papagawan nalang kita" napatawa ako sa sinabi niya,
"Zipper yun sa ilalim ng butones, design lang ang mga butones." Napatanga siya sa sinabi ko, the back of my gown was designed like the back of the wedding gown of Bella Swan in Breaking Dawn part 1, ang kaibahan design lang ung butones saakin at sa ilalim nun ay nakatago ang zipper.
"Whatever." Saka niya ako pinatuloy halikan.
BINABASA MO ANG
The Mistress Wife
General FictionShe is the legal wife, yet she's the named Mistress..