"Ang Batang Di Taga-rito"

10.8K 313 13
                                    

Andrea's POV-

Pumunta ako sa bayan upang mamili ng mga iluluto ko dahil anibersaryo ng pagkamatay ni lola.

Malayo pa lamang ako ay nakikita ko ng marami ang namimili. Talagang nagbabago na ang bayan ngayon,at pati na rin ang aming munting baryo. Napakarami ng tao madalas dito dahil marami na ang mabibili. Napatuon ang pansin ko sa isang umpukan. Siguro ay may bagong paninda dun kaya pinagkakaguluhan ng mga tao,ngunit..bakit iba ang pakiramdam ko.

Naglakad ako papunta sa umpukan. Nang papalapit na ako ay nakita ko ang kaluluwa ni Loloy. Si Loloy ay ang batang palaboy dun na madalas ko bigyan ng tinapay. Nakatayo ang kaluluwa nya at malungkot. At nakita ko rin na ang kaluluwa nya ay nababalot ng itim na anino. Napakunot ang noo ko dahil ang anino na nakikita ko ay di ko masipat kung sino o ano ito. Ngunit sigurado akong di ito pangkaraniwan.

Sumingit ako upang masilip ko ang bangkay. Nakabaluktot ito at tila ba namilipit sa sobrang sakit. At narinig ko rin sa usapan na namatay daw ito sa gutom,namatay daw ang bata dahil walang kinain ng ilang araw. Ang sabi pa ng isa ay may sakit daw kasi si Loloy. Nakakaawa ang itsura ng bata kung makikita nyo. Batang pinabayaan ng mga magulang na nagluwal sa kanya at iniwan na lang sa kawalan. At eto sya ngayon...nakabaluktot at walang buhay.

Gusto ko sanang haplusin ang kanyang kaluluwa upang itawid sya sa puting ilaw ngunit..tila ba nasa ibang dimensyon sya at di ko maabot. Gustong tumulo ng luha ko dahil alam kong maging sa mundo kung nasaan sya naroon ngayon ay lumalaboy pa rin sya..patay na nga sya ngunit di pa rin nalagay sa katahimikan.

Kasalukuyang malungkot ang mga titig ko sa kanya ng may mapansin akong lumalakad sa ilalim ng kanyang kanang paa. Sa aking interes ay hinawi ko ang natitirang mga nakiki usyoso at lumapit ako sa bata upang tingnan kung ano yun. At isang insekto ang nakita ko.

Isang anay.

Dinampot ko ang anay at..

"Huh?! Isang bata?!"

Paghawak ko sa insekto ay nakita ko ang imahe ng isang batang babae na sobrang haba ng buhok at may maitim na kaluluwa.

Saglit pa at..

"Narito lang sya.."

Ang bulong ko sa sarili ko. Pilit hinahagilap ng aking nakatagong mata ang presensya nya ngunit talagang di ko sya makita,wala akong makita dahil ubod ng dilim sa paligid na para bang sinasadyang takpan talaga ang aking mga nakatagong mata.

Hindi ko talaga sya makita ngunit malakas ang nararamdaman kong narito lang sya sa paligid.

Muli kong idinilat ang aking mga mata. Napansin kong nakatuon na silang lahat sa akin. Tumingin ako sa direksyon kung saan malakas ang sinasabi sa akin ng aking mga nakatagong mata at pagdako ko roon ay..

Isang batang babae ang nakita kong nakatayo at nakatanaw din sa umpukan. Isang batang babae na kapares ng mga nakita ko sa aking pangitain ang itsura nya.

Napako ang tingin ko sa kanya. Nagulat ako ng tumingin din sya sa akin.

"Sya yun..di ako maaaring magkamali.."

Ang sabi ko sa aking sarili.

Tinititigan nya pa rin ako.

Ngunit nagtataka ako kung bakit kahit anung sinsil ng tingin ko sa kanya ay di ko mapasok ang isip nya..tila ba lahat ng ginagawa kong pagsusuri ay tumatalbog lang pabalik sa akin,tila ba sinusuri nya rin ako.

Mahusay ang batang ito..ngunit sya lang ba talaga ang may gawa nito? Isang magdadalagitang mahaba ang buhok at may matatamis na ngiti? Pambihira ang kanyang nalalaman kung ganun.

Lumakad ako ng konti papalapit sa kanya. Pirmi pa rin syang nakatingin sa akin. Nang malapit na ako sa kanya ay tumalikod na sya at aakmang aalis na ngunit..

"Sandali.."

Ang pigil ko sa kanya. Huminto sya pag alis ngunit di pa rin humarap sa akin. At..

"Hindi ka tagarito sa aming baryo.."

Ang syang sabi ko sa kanya. Ngunit wala syang isinagot sa akin. At muli ko syang tinanong.

"Bakit mo nagawa yun?"

Kahit na may pag aalinlangan sa aking mga salita ay sinubukan kong itanong sa kanya yun. Ngunit wala pa rin syang ibinigay na sagot sa akin. Nagbingi bingihan sya sa mga sinasabi ko. Saglit pa at nakaramdam ako ng isa pang mabigat na presensya..nagmumula ito sa aking likuran at palapit ng palapit sa akin..pabigat ng pabigat ang pakiramdam ko at..

"Elena!"

Sigaw ng babaeng sing edaran ko lang mula sa aking likuran,at ang batang nasa aking harapan ang tinatawag nya. Nagulat ako dahil di lang pala nag iisang may kaalaman ang batang ito. At sigurado akong ito ang kanyang ina. At ito ang mabigat na elementong naramdaman ko sa likuran ko.

Dumaan sya sa harapan ko at paglampas nya sa akin ay napalingon pa sya. At..

"Halika na."

Ang yaya nya sa batang babae habang nakatingin pa rin sa akin. Lalakad na sana sila palayo ng..

"Sandali.."

Pigil ko sa kanila at..

"Nakalimutan mo ang alaga mo.."

Ang sabi ko sa kanya sabay abot ko sa isang pirasong anay na nakuha ko sa paanan ni Loloy.

Pag abot ko sa kanya ay inilagay nya ito sa kanyang buhok. Mabilis na naglaho ang insekto,tila ba sabik na sabik na makita ang kanyang amo. At..

"Salamat..di ko alam na naiwanan ko pala sya,dito sa bayan.."

Ang sagot ng bata sa akin.

"Wag kang naglalaro nyan..masama yan.."

Ang sabi ko sa kanya,ngunit..

"Hmp."

Isang mapanlinlang na ngisi lamang ang iginanti nya sa akin.

Pagtapos nun..tuluyan na silang lumakad papalayo..ng walang lingon lingon sa akin.

Pinanood ko lang sila hanggang sa kanilang paglayo at..

"Sino kaya ang mga 'to.."

Sino kaya ang mga tao na ito,at kailan pa sila narito sa aking baryo.

Itutuloy..

June_Thirteen

Si Elena( Ang Ikatlong Yugto Ng Buhay Ni Andrea )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon