" Mga Bagong Salta "

13.8K 320 15
                                    

Elena's POV-

Napakaganda ng baryo na ito. Maraming iba't ibang klaseng tindahan at mga tao rin. Tinitingnan ko isa isa ang bawat masasalubong namin. Sinusuri kong mabuti kung sino sa kanila ang mapalad na mapagtutuan ko ng pansin. Ako at ng aking mga mumunting kaibigan.

Napadako ang tingin ko sa isang batang palaboy. Napakarumi niya at sobra na ang payat. Nahabag ako sa kanya, nasaan kaya ang mga walang awa niyang ama't ina. Sinimplehan ko ang magpahuli sa paglalakad. Matapos ay mabilis na naupo sa kanyang tapat at dagliang tumayo rin. Wala siyang kaalam - alam sa aking ginawa.

Nakapako pa rin ang tingin ko sa kanya, agad kong ipinaikot sa aking mga daliri ang ilang hibla ng buhok na napilas ko sa kanya at mamayang gabi ay puputulin ko na ang hininga nya, ngunit 'di ko siya pahihirapan pa, ipakakain ko na agad ang puso niya sa alaga kong si Ben. Tatapusin ko siya ng  'di niya namamalayan, iyun ay para sa kanyang kabutihan.

Sa mga bayang pinagtitigilan namin ay madalas ganun ang ginagawa ko kapag nakakita ako ng mga nakakaawang tulad niya. Nang sa gayong gawa ko ay nababawasan ang mga batang pinagkaitan din ng kabataang tulad ko.

Masyadong matao sa maliit na baryo na'to. Maraming mukhang masarap pakainin ng ipis at anay. Nakakairita talaga ang maiingay na mga bunganga.

Nag - uumpisa na akong mabingi. Konti na lang at mapipikon na ako at..

" Elena tigilan mo yan! " 

Mahinahong banggit ng aking ina. Ang aking ina ay di pa gano'n kaedad. Nasa mga trenta lamang sila pareho ng aking ama. Sa katunayan, malayo silang magka mag anak, ngunit may iisang dugo pa rin kahit na gano'n. Dahil sa tradisyon ng aming lahi na ipinasasalin-salin lamang ang aming karunungan at  'di maaaring kumawala kung kaya at gano'n ang kanilang gawi. Gano'n din daw ang aking mga lolo at lola. Malapit silang magka mag anak. At iyun din siguro ang nagiging dahilan kung bakit parang mga abnormal kaming lahat, dahil sa dugo at sariling dugo lamang ang iisang dumadaloy sa bawat pamilya. Ngunit sa buong lahi namin ay puro isa lamang ang anak. Hindi dahil sa  'di madagdagan kung'di dahil sa kailangang isa lamang talaga. Kung sino man ang lumalabag sa gano'ng kinagawian ay binabawian ng buhay ang isang buong pamilya. Tulad ko, ang aking nakatakdang mapangasawa ay ang aming madalas na kasama, si Abel.

Madalas mapagkasunduan sa aming lahi ang pagpirmi ng lalaki sa kanyang mapapangasawa kapag umedad na sila pareho ng sampung taon. At eto na nga kami,kahit na ayoko ay di ako dapat tumanggi, dahil iyon ang paraan ng aming pagpaparami. Mas napaaga nga lang ang pagpirmi sa amin ni Abel dahil na rin sa hindi inaasahang pangyayari.

***

Huminto kami sa isang daanang putol kung saan nagtatapos ang kalsadang sementado at putik na ang kasunod nito. Tumingin ako sa likuran, at nakita ko na wala na masyadong tao pagdating dito.

" Halika na. "

Ang yaya ng aking ama.

" Dun sa paanan ng bundok na yan tayo muna maglalagi..."

Ang sabi naman ng aking ina.

Napatingin ako sa kanilang dalawa at tiningnan ko rin si Abel. Kumibit-balikat lamang ito.

Para sa akin ay 'di naman masyadong malayo ang paanan ng bundok at mas maganda ring manirahan do'n kaysa sa bayan.

Nagtuloy na kami nang lakad. Habang daan ay napansin ko na may mga maliliit at malalaking bahay na rin na nakatayo roon. Halos pare parehong may alagang baboy ang mga naroon. Sobrang baho ng paligid kung aamuyin mo. Tuloy lang kami sa paglakad. Halos lahat nang madaanan namin ay kami ang tinitingnan at pinag-uusapan. Ngunit  'di na bago sa akin iyun. Medyo malapit na rin kami at natanaw ko na may dalawang maliit na kubo na nakatirik sa may malapit na sa dulo ng daanang aming nilalakad at maaaring isa roon ang napupusuan ng aking inang tirahan, tulad ng kadalasang ginagawa ni inay, isang bulong lamang ang katapat ng mga taong naninirahan dito at sa isang iglap ay kami na ay nagiging kanilang kaanak. Lilisanin nila ang bahay ng walang sabi - sabi at kami na ang papalit sa kanila. Sanayan lang talaga sa ganitong gawain. Tibay ng dibdib ang kinakailangan upang awa ay maiwasan. Ngunit wala namang puwang iyon sa aking mga magulang, mahalaga sa kanila ay ang pansarili lamang.

Ni  'di man lang ako napangiti sa nakita ko. Ayoko talaga kasi ng may kalapit na bahay, lalo na at maiingay. Ang huling lugar na tinirahan namin ay may sobrang iingay na kapitbahayan. Madalas sila magpatugtog ng maingay at magtawanan ng malakas. Hindi ako nakatagal roon..kaya ng sumunod na araw ay inubos ko silang lahat at iyun ang dahilan kung bakit narito at naglalakad kami ngayon. At itong kapitbahay na nakikita ko kapag siya ay nag-ingay, malamang bukas kasama na sila sa listahan ko.

Napapangiti pa ako sa mga naiisip ko nang mapansin ko ang isang batang babaeng maliit na inaagaw ng mas malaking batang babae rin sa kanya ang laruan nito. Napahinto ako at tumitig sa bata. Inilabas pa nito ang dila para asarin ako pag-tingin sa akin.

Nginitian ko ito sabay nilapitan at..

" Nakakatuwa ka naman. "

Sabi ko sa bata sabay pisil sa pisngi nito. Ngunit hinawi nya ang kamay ko at..

" Aray ko! "

Sigaw nito sabay tumakbo.

Ngunit ang  'di alam ng batang salbahe ay nahila ko na ang isa sa pares ng hikaw nya. At mamayang gabi ay aagawan ko siya ng hininga. Magmamakaawa ang munting kaluluwa niya sa akin.

" Haha!"

Natawa ako ng malakas nang biglang..

" Itapon mo iyan! "

Galit na sambit ni inay. Alam ko na alam ni inay ang gagawin ko ngunit..

" Wag kang pasaway Elena! Itapon mo yang hikaw na yan! Dun! Sa malayo! "

Ang sambit ulit ni inay. Sumimangot ako. Ayoko sanang sumunod dahil gusto kong paglaruan lang naman sana ang bata ngunit inisip ko rin na, saka na lang at baka lumipat na naman kami ng tirahan.

" Elena! "

Ang siya namang bulyaw ng aking ama.

Wala akong magagawa. Kapag sumigaw na ang itay ay natatakot na ako. At itinapon ko nga kunyari ang hikaw.

Napapangiti pa ako sa isip ko ng..

" Sinabi kong itapon mo! "

Muling bulyaw ng aking ama. Alam ko na alam niyang  'di ko talaga ito itinapon.

" Wag mo ng pansinin iyun, may nanay at tatay pa iyun sigurado. "

Ang amo naman sa akin ni Abel.

Tumingin lang akong muli sa kanila at tuluyan ko nang itinapon ang hawak ko.

Nagtuloy na kami sa paglakad.

Hindi ko alam kung bakit naging parang laro na lang sa akin ang pagpatay..

At isinisisi ko iyun lahat sa kanila, pati na rin ang aking pangit na kabataan..

Ngayong lumalaki na ako at mas humuhusay pa sa aking mga pinag aaralan..

Ay  'di naman nila alam kung paano ako mapipigilan..

Itutuloy..

June_Thirteen

Si Elena( Ang Ikatlong Yugto Ng Buhay Ni Andrea )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon