Kasalukuyang nasa loob ng kwarto si Elena ng marinig nyang may kausap ang kanyang inay sa loob ng bahay. At pamilyar sa kanya ang boses na yun.
Yun ay ang ina ng batang lalaki na kanilang kapitbahay.
Sumilip sya sa mula sa pintuan ng kanyang kwarto. Nakita nyang may inabot na pera ang kanyang ina dito. Nanghiram pala ito ng pera sa kanyang ina upang madala daw sa Maynila ang batang lalaki para ipagamot.
Biglang napaigkas si Elena ng marinig yun. Dahil alam nya ngayon na alam na ng mga magulang nya na itinuloy nya pa rin ang ginagawa nyang kalokohan sa kanilang kapitbahay.
Isinara nyang agad ang pinto at pumunta sa kanyang altar.
Ang dahilan kung bakit di nakita ng mga magulang nya ang kanyang sinindihang kandila para sa batang lalaki ay dahil sa itinago nya ito atinilagay nya sa isang banga na inilagay nya sa loob ng kanyang kwarto.
Dahil sa di naman talaga nakakapaso at di rin maaring makasunog ang sindi ng kandila kung kaya at madali nyang nagawa ito.
Maya maya pa at eto na nga ang kanyang ama at ina,kumakatok na sa kanya. Hindi sya mapakali ngunit di rin sya nakakaramdam ng kahit anung takot man lang.
Kumakatok pa rin ang kanyang mga magulang. Lumapit na sya sa pinto upang buksan ito at harapin ang kanilang galit at..
"Sinabi ko sa iyong itigil mo ngunit di ka nakinig! "
Pak!
Ang sabi ng kanyang ama kasabay ang malakas na tampal sa mukha nya.
Ngunit di man lang natinag si Elena. Yumuko lamang sya at nanatiling nakatayo. At muli..
"Tapusin mo yan ngayun din!!"
Muling bulyaw sa kanya ng kanyang ama ngunit..
"Hindi pwede.."
Ang sagot nya habang itinuturo ang banga.
"Ano?? Sinindihan mo sya ng kandila?? Hindi ka ba naawa sa kanya??"
At galit na talaga ang kanyang ama.
"Laura,kunin mo ang kandila!"
Utos nito sa kanyang ina.
Agad na hinugot ng kanyang ina ang kandila sa loob ng banga. Nakita nilang kapiraso na lamang ang pulang apoy nito.
"Nakita mo na! Alam mo kung hanggang kaylan na lang tatagal ang pinaglalaruan mo kapag ganyang na lang ang sindi ng kandila!"
Nanatiling nakayuko si Elena. Kinuha rin ng kanyang ina ang garapon kung nasaan nya inilagay ang dugo ng bata at ang mga bangaw. At..
"Totoong napakahusay mo na nga anak..dugo pala ng bata ang ginamit mo..ang pinakamatinding bagay na minsan lang natin magamit dahil napakabihira nito.."
Ang sabi sa kanya ng kanyang ina.
Inabot ng kanyang ina ang garapon sa kanyang ama kasama ang kandila.
Binuksan ng kanyang ama ang garapon at inipon ang mga bangaw sa kanyang kamao. Saglit nyang isinarado ang kanyang kamao kasabay ang pagpikit ng mga mata nito at umusal ng tahimik.
Maya maya pa pagbukas nya ng kanyang kamao ay patay na lahat ng bangaw na ikinulong nya dito. Kasunod naman nun ay isinaklob nya ang kanyang kamaong may hawak na patay na bangaw sa sindi ng kandila.
Biglang sumiklab ang mga patay na bangaw na ibinudbod ng kanyang ama sa kandila. Nakita ni Elena ang ginagawa ng ama. Nakita nya kung paano lumutang sa bilog ng sumiklab na sindi ng kandila ang mga ito. Unti unting nilulusaw ng apoy ang mga nakalutang na bangaw. Namangha sya sa galing ng ginagawa ng kanyang ama.
Tunay nga ang kanilang sinasabi na ang pamilya nila ang pinakamahusay talaga sa buong angkan nila.
At maya maya pa ay lumipad na ang itim na anino galing sa mga bangaw. At kasabay nito ang paghupa ng sindi ng kandilang itim.
"Wag mo na ulit gagawin yan..dahil buhay natin ang nababawasan sa tuwing binabawi natin ang kaluluwang inaangkin natin."
Ang sabi ng kanyang ama.
Nagulat sya sa sinabi nito. Sa tagal nya ng ginagawa ang mga bagay na yun ay di nya man lang natutunan yun.
"Kaya di ko tinuro sa iyo yan..dahil ayoko mabawasan ang buhay mo."
Nalungkot si Elena na sinabi ng kanyang ama. Pagtapos ng lahat ay lumabas na ito ng kanyang kwarto. Naiwan sila ng kanyang ina. At..
"Nakita mo ang itim na anino?"
Tanong ng kanyang ina sa kanya.
"Yun ang kaluluwa ng bata na binulungan mo..ibinalik sya ng ama mo sa kanya.."
Nanatiling tahimik si Elena. Ngunit tumutulo pa rin ang kanyang mga luha.
Lumabas na rin ng kwarto ang kanyang ina.
Naupo na lamang sya sa isang sulok at doon muling umiyak ng umiyak.
***
Elena's POV-
Ang sakit ng sampal ni tatay..ngunit mas masakit ang sinabi nyang di daw ba ako naaawa sa bata na yun?
Bakit sa kanya naaawa sila? Bakit sa akin na sarili nilang anak ay di sila naawa. Mula pa lang pagkabata ko ay wala silang ginawa kundi ituro sa akin ang lahat ng mga ginagawa nila. Ni di nila ako binigyan ng pagkakataon na maging isang bata. Ang tanging sabi nila sa akin ay mas mabuting mag isa lang dahil walang mananakit sa'yo. Mas mabuti daw na walang kaibigan dahil di naman daw dapat talaga makisalamuha sa iba ang tulad namin dahil pagtatawanan lang nila ako at kukutyain.
Ngunit di ba nila alam na kaya ako kinukutya ng mga tao at nilalayuan ay dahil rin sa mga itinuro nila sa akin. Sila ang may gawa lahat kung bakit ako ganito ngayon.
Sila ang may kasalanan ng lahat ng ito.
Sana nga ay may makilala akong makakatapat ko at ng makawala ako sa ultimo isang sumpa na ito sa buhay ko.
Minsan ay naiisip ko din silang saktan at paslangin upang matakasan ang lahat. Ngunit naisip ko rin na pagtapos nun ay paano na ako at saan ako pupunta?
Ngunit alam ko rin na di magtatagal ang kalayaang matagal kong inasam kapag tinangka kong gawin yun.
At ang isa pa ay..
Mahal na mahal ko sila..ang aking ama't ina na nagbigay ng lahat.
Ng buhay ko..
Ng karunungan ko..
At ng sumpang ito..
Mahal na mahal ko sila,kahit na ganito ang ginawa nila sa akin.
Ginawa nila akong isang halimaw na hayok sa pag alis ng buhay ng ibang tao.
Ibang tao na wala namang mga nagawang mali sa akin. Minsan ay kinasusuklaman ko na rin ang aking sarili.
Dahil may mga gabing di na ako makatulog sa dami ng kaluluwang inangkin ko.
Ngayon nararamdaman ko na gusto ko ng kumawala..
Marami akong gusto..
Gusto ko maranasan kung gano kasarap maligo sa ulan..
Gusto ko pumasok sa paaralan..
Gusto ko magkaron ng manika..
At higit sa lahat..
Gusto ko magkaron ng maraming kaibigan..
Itutuloy..
June_Thirteen
BINABASA MO ANG
Si Elena( Ang Ikatlong Yugto Ng Buhay Ni Andrea )
ParanormalHuwag na 'wag kayong didikit sa kanya... Dahil baka bukas ay ikaw na ang susunod na igagarapon nya.. Handa na ba kayo sa susunod na makakalaban ni Andrea? All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission.