Andrea's POV-
Paglisan ng mag asawa ay umalis na rin kami. Walang nakaalam ng mga naganap na yun kahit sino,kahit ang pinakamalapit nilang kapitbahay roon ay di naramdaman ang lahat ng kaguluhang yun.
Iniuwi ko ang batang mahaba ang buhok sa aking bahay pagtapos ng mga pangyayaring yun. Kasama ang batang lalaking si Abel.
Doon ko sya sa bahay hinayaang datnan muli ng kanyang buhay.
Pagkalipas ng tatlong araw ay muli na syang nagising at nagkamalay.
At isa lamang ang ibig sabihin nun..
Wala na ang kanyang mga magulang at nariyan na kanyang kalayaan.
Gulong gulo sya sa mga nangyari paggising nya. Takot na takot pa rin sya sa akin nung makita nya ako.
Ilang araw din ang lumipas bago ko nakuha ang loob nya. Dahil sa tulong ni Abel kung bakit naliwanagan at naintindihan nya ang lahat.
Si Abel ang buhay na saksi sa mga nangyari.
Pagtapos nyang maintindihan ang lahat ay di ko na muling narinig ang kanyang mga katanungan tungkol sa kanyang mga magulang.
At di rin nagtagal at paglipas ng mga araw ay unti unti na syang lumalapit sa akin at kinakausap nya na rin ako. Lumalabas na rin sya ng aking bahay at lumilibot dito.
Napakasarap pagmasdan ng kanyang mga ngiti. Ngiti na tila napakatagal na panahong nakatago.
Ang mga ngiti nilang dalawa ni Abel.
Naging paborito nyang lugar na puntahan sa aking bakuran ang aking halamanan.
Kung saan ay madalas ko sya makitang nanghuhuli ng mga insekto. At ng tanungin ko sya ng minsan kung para saan ang mga ito..ang tanging sagot nya pa rin ay "mga kaibigan ko" .
Natutuwa ako sa nagiging masayang reaksyon ng kanyang mukha sa twing gumagawa sya ng mga bahay nito sa aking halamanan.
Nakuha ko na ring gupitan sya ng buhok at damitan ng maayos. Naibili ko na rin sya ng kanyang inaasam na manika.
At sa susunod ay ipapasok ko silang dalawa sa paaralan. Para magkaroon naman sya ng maraming kaibigan.
Ibibigay ko sa kanya ang lahat ng kanyang kahilingan kasama ng kanilang nawalang kabataan.
Napakasaya ng aking pakiramdam sa twing pinagmamasdan ko silang dalawa.
Kahit na ako pa mismo ang dahilan ng pagkaulila nila.
Ngunit kapalaran na nga talaga ang gumawa ng paraan..at ako lamang ang ginamit upang magbukas ng daan.
***
Kasalukuyang nakatanaw ako sa kanila ng bumuhos bigla ang ulan.
Narinig ko ang mga sigaw nilang dalawa na tila nagdiriwang at..
"Ate Andrea!"
Ang tawag sa'kin ni Elena.
"Halika na po! Maligo tayo sa ulan!"
Ang sabi nito sa akin kasabay ng kanyang matatamis na ngiti.
Tiningnan ko sila. Napapangiti pa ako.
Tila nasabik ako sa mga sandaling ganito at..
"Wooohoooooo!!"
"Wooooooohhooooo!!!"
Ang syang sigaw ko habang tumatakbo at sinasalubong ang ulan patungo sa kanilang dalawa.
"Ha Ha!!"
"Ha Ha!! Ang sarap maligo!!"
Ang sigaw naming tatlo.
Tila bumalik ako sa pagkabata. Kasama ang dalawang pinagkaitan din ng masayang kabataan.
Ngunit ngayon!
Eto na kaming tatlo at masayang magkakasama. Kami na pare pareho ang pinagdaanan.
"Woooooohooooooo!!!"
Ang aming masasayang sigaw kasabay ng pagtatampisaw.
"Ang saaaaaayyyaaaaa!!"
Ang hiyaw ni Elena.
Ayan na sya ngayon dinadama at naliligo sa mga patak ng ulan na di nya pa natitikman.
At dito nagtatapos ang madilim na kabanata nila. Kung saan liwanag naman at saya.
Ako muli si Andrea..ang apo ng manggagamot..
At sa susunod na yugto ng aking buhay,ay sila na ang makakasama.
Wakas..
********************************
Maraming salamat po sa lahat ng mga nagbasa. Sa mga naglaan ng oras nila.
Maraming maraming salamat po sa lahat, sana ay wag po kayo magsasawa sa buhay ni Andrea na apo ng manggagamot.
Maraming Salamat Po!
June_Thirteen's "Si Elena"
BINABASA MO ANG
Si Elena( Ang Ikatlong Yugto Ng Buhay Ni Andrea )
ParanormalHuwag na 'wag kayong didikit sa kanya... Dahil baka bukas ay ikaw na ang susunod na igagarapon nya.. Handa na ba kayo sa susunod na makakalaban ni Andrea? All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission.