Pagduro ni Andrea sa ina ni Elena ay..
"Aakk!! Aakk!!"
Tila may sumakal sa kanya. At bumagsak ang munting libro sa harapan nito at bumukas sa isang pahinang blangko.
Unti unti ay makikita mong tila hinihigop ng libro ang maitim na kaluluwa na nagmumula sa ina ni Elena.
At sandali pa at sumunod naman ang kanyang ama na hinila rin bigla ng mga nakatagong mata ni Andrea at pinaluhod sa harapan ng libro.
At ang kasunod nun ay ang paghigop din sa maitim na kaluluwa nito kasabay ng paglipat ng libro sa pahina pa ring blangko.
"Aakk!! Aakk!!"
At pagtapos nun ay dumako naman ang kanyang nakatagong mata sa batang si Abel.
"Wag po!! Maawa po kayo sa akin!! Ayoko po!!"
Ang nagmamakaawang sigaw nito.
Ngunit alam din ng katauhang nasa katawan ni Andrea ng mga oras na yun na walang kasalanan ang bata. At ibinaling na lang ng mga nakatagong mata ni Andrea ang kanyang paningin sa mga magulang ni Elena na tila nilalabanan pa ang madilim na pwersang humihigop sa mga maiitim na kaluluwa nila.
At..
"Yan ang dapat sa mga walang kwentang magulang na tulad nyo!"
"Ilalagay ko kayo kung san kayo nababagay!"
"Hindi ko na pababayaan pa na bumilang kayo ng ilan pang taon na kasama sa madilim nyong mundo ang anak nyo!"
"Aangkinin ko na ang anak nyo!"
Ang sinambit na malalamig na boses na nagmumula sa ibang katauhan ni Elena.
Saglit pa at,bumaba na ang kanyang mga paa sa lapag.
Kasabay nun ay ang pagtigil ng lahat.
Nang malakas na hangin,ng pagyanig at ang paghigop ng libro sa maiitim na kaluluwa ng mga ito.
At..
Shug!
Ang biglang liyab ng munting libro.
At kasabay ng pagkasunog nito ay ang mga maiitim na kaluluwang sabay sabay naglabasan.
Muling nag uumpisang yumanig ang buong paligid.
Tila may isang buong kawan ng mga malalaking hayop ang nagtatakbuhan dahil sa di magkamaliw ang mga nag uunahang maiitim na kaluluwang naglalabasan sabay sabay na nanggagaling sa lumiliyab na munting libro.
Sinisira na ni Andrea ang lahat.
Nangingilabot si Abel sa mga nakikita nya. Tinatakpan nya ang kanyang dalawang tenga upang di nya marinig ang mga nakakatakot na iyak ng mga maiitim na kaluluwang lumilibot sa buong kwarto.
Nakatuon ang pansin ng mga nakatagong mata ni Andrea sa mga maiitim na kaluluwang nag uunahang kumawala na tila mayroon syang inaabangan at..
"Um!"
May biglang hinawakan si Andrea sa hangin.
At...
"Halika na Elena..Wag ka nang matakot at maliwanag na ang lahat.."
Ang sambit ni Andrea at..
***
Elena's POV-
Nakakatakot sa lugar na'to..napakadilim at napakalamig..
"Halika na Elena..Maliwanag na ang lahat.."
BINABASA MO ANG
Si Elena( Ang Ikatlong Yugto Ng Buhay Ni Andrea )
ParanormalHuwag na 'wag kayong didikit sa kanya... Dahil baka bukas ay ikaw na ang susunod na igagarapon nya.. Handa na ba kayo sa susunod na makakalaban ni Andrea? All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission.